Kabanata 7

2085 Words
"Wow! Ang dami nitong dala mong pasalubong, ah!" tuwang-tuwa na saad ni Kikay nang kunin nito kay Kyrielle ang dalawang plastic bag na may laman ng mga ipinamili niya para sa nanay-nanayan niyang si Tindeng at sa kaibigan niyang si Kikay. "Naku, anak! Nag-abala ka pa," ani Tindeng sabay yakap sa kanya. "Hindi pa ho kayo nasanay. Lagi ko naman itong ginagawa, hindi ba?" nakangiting sabi niya sa ginang. "Oo nga, pero hindi mo naman kailangang gawin," saad nito sa kanya. "Bakit hindi? Kayo na lang ang mayroon ako." Batid ng mga ito ang kasawian na sinapit niya sa mga kamay ni Murphy. Hindi din lingid sa kaalaman ng mga ito ang trabahong mayroon siya ngayon. Mula nang makilala niya ang mga ito noong nag-apply siya bilang tindera sa karenderyang ito, ay naging malapit na siya sa mga ito. Itinuring ng mga ito na hindi na siya iba sa kanila, at itinuring niya din ang mga ito na para na niyang sariling mga pamilya. Alam ng mga ito ang nakaraan niya at ang kasalukuyan na pagkatao niya. Pero sa kabila no'n ay tinanggap at minahal pa rin siya ng mga ito. Bagay na labis niyang ipinagpapasalamat. Kahit na gusto nina Tindeng at Kikay na tulungan siya sa sitwasyon niya para makalaya kay Murphy ay hindi niya iyon hinahayaan. Kapag isinumbong ng mga ito si Murphy sa mga pulis, ay baka mapaano lamang ang anak niya. Baka mas lalo lamang niyang hindi makita ang anak niya o baka mas lalo lamang itong mapahamak. Sa ilang taon ay kilalang-kilala niya kasi si Murphy. Mapanakit at malupit ito. At kapag nagsabi ito ng pagbabanta sa kanya ay talagang ginagawa nito iyon. Kaya ayaw naman niyang ipagsapalaran ang kaligtasan ng anak niya. Kaya sa ngayon, kailangan niya si Murphy para manatiling buhay at ligtas ang kanyang anak. Dahil off niya ngayong araw sa trabaho ay kina Tindeng at Kikay na muna siya mag-iistay. Bagay na siyang nakasanayan na niyang gawin lagi sa tuwing wala siyang pasok sa nightclub. Wala naman kasing rason para sa kanya ang umuwi sa bahay na inuupahan niya para kay Murphy at doon mag-stay. Nagluto ng sinigang na baboy si Tindeng para lamang sa kanila at doon na siya nananghalian sa mga ito. Tumulong din siya sa pag-aasikaso sa mga customer na kumakain sa karenderya ng ginang. Mag-isa na lamang sa buhay ang ginang kaya naman kasama nito sa bahay na iyon si Kikay na siyang inampon na nito. Pagdating kasi sa personal na buhay ng ginang ay hindi ito masyadong makwento. Pero minsan nitong nabanggit sa kanila na may anak ito na nasa malayong probinsya. Maaga silang nagsara ng karenderya ngayong araw dahil mabilis na naubos ang mga paninda nilang pagkain at ulam. "Sa tuwing nandito ka talaga ay nauubos ng mas maaga ang mga paninda ko," masayang wika ni Tindeng sa kanya. "Syempre, kahit hindi natin suki ay dito bumibili masilayan lamang si Kyrielle," masayang saad naman ni Kikay. Pinunasan ni Kyrielle ang mga mesa at isinalansan ng ayos ang mga upuan habang natatawa sa komento ng dalawa. "Kyrielle, off mo naman ngayon hindi ba? Samahan mo naman akong bumili ng bagong damit na isusuot ko sa date namin ni Gales," pagkuwan ay masiglang sabi ni Kikay sa kanya. "Gales?" kunot-noong tanong niya sa kaibigan. "Iyong bagong hardinero diyan sa malaking bahay," panuyang tugon ni Tindeng sa kanya. "Nobyo mo?" natatawa niyang balin at tanong ulit kay Kikay. "Hindi pa! Nanliligaw pa lamang siya. First date namin sa darating na linggo," kinikilig at malanding tugon ni Kikay sa kanya. "Pahihiramin na lang kita ng mga damit ko—" Agad naman siya nitong pinutol sa sinasabi niya. "Ayaw ko! First date namin iyon. Gusto ko ay bagong damit ko ang gagamitin. Isa pa, may sapat naman akong ipon para doon," saad nito sa kanya. "Talaga ba? Hindi mo ba iyan kinupit sa akin?" sabat naman sa kanila ni Tindeng na agad niyang ikinatawa. "Aba'y hindi! Malandi lang ako pero hindi ko po magagawang pagnakawan ka, para na kitang ina," ani Kikay. "Yuck!" bulalas ni Tindeng at naiiling na lamang na ipinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit. *** "SERYOSO ka talaga, Kyrielle?" paulit-ulit na tanong ni Kikay kay Kyrielle nang makababa na ang mga ito ng sinakyan nilang jeep patungo sa isang Mall na malapit sa kanilang lugar. Alas sais na iyon ng hapon. Tamang-tama din at gusto ring makapamasyal ni Kyrielle ngayong off niya sa trabaho. Tumango siya sa kaibigang si Kikay bilang pagsagot. "Woa! Salamat talaga. Napakabait mo talaga, Kyrielle. Masuwerte talaga ako at kaibigan kita. Maganda na, napakabait pa!" masayang puri sa kanya nito. "Tama na ang pangbobola, Kikay," saad naman niya habang nagpapatuloy sa paglalakad patungo sa entrance ng mall. "Hindi kita binobola. Nagsasabi lang ako ng totoo," saad nito sa kanya habang sumusunod ito sa paglalakad niya. Sa palengke kasi balak na bumili ng damit ni Kikay. Pero sinuggest niya na sa mall na lang. At dahil sa suggestion niyang iyon ay siya ang magbabayad ng mapipili nitong damit. Pumasok sila sa isang dress shop at kalauna'y lumabas din. Wala raw kasing magustuhan at mapili na magandang damit na papasa sa taste niya si Kikay. Ngunit nang tignan niya naman ay magaganda ang mga damit doon. Kung sa bagay, hindi niya naman alam kung ano ang taste ng kaibigan niya pagdating sa ganito kaya hinayaan niya na lamang ito sa gusto nito. Nakailang pasok sila sa mga dress shop na nakikita nila pero lumalabas din naman sila kaagad dahil wala itong matipuhan sa mga damit na naroroon. Nakaramdam na siya ng pagod dahil sa pag-iikot nila. Sumulyap siya sa kanyang relo at nakita ang oras, pasado alas syete na ng gabi. Nag-angat siya ng tingin at napadako ang mga mata niya sa isang chocolates boutique na naroon sa loob ng mall. Kumabog bigla ang dibdib niya nang muli niyang maalala ang lalaking nakasama niya kagabi. Si Caleb. Bigla siyang hindi mapakali. Para bang kahit off niya ngayon ay gusto niyang magpunta ng club. Hindi niya alam kung bakit ganito. Hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang malaman kung pupunta ba ulit ang lalaki sa club na pinapasukan niya. "Dito tayo, Kyrielle!" yaya ni Kikay sa kanya nang may makitang isa pang dress shop. Tumango siya sa kaibigan at agad na sumunod. Pumili ito ng mga damit doon at panay ang tanong sa kanya kung ayos lang ba ang mga iyon. Panay lang din naman ang pagtango niya sa kaibigan. She was actually pre-occupied by Caleb's memories with her last night. Kaya puro tango na lamang ang naitugon niya sa bawat tanong sa kanya ng kasama niyang kaibigan. Nang sa wakas ay may napili na si Kikay na damit ay agad na nila itong binayaran. Pagkalabas nila ng dress shop na iyon ay agad siyang dinala ng sarili niyang mga paa sa chocolates botique. "May bibilhin ka riyan, Kyrielle?" tanong sa kanya ni Kikay. "May titingnan lang," tugon niya. Nang makapasok na sila sa loob ay agad niyang hinanap 'yong chocolate na ibinigay sa kanya ni Caleb kagabi. Hindi naman siya nabigo dahil mabilis niya din iyong nakita. "Kisses," sambit ni Kikay sa tabi niya habang tinitingnan din ang chocolate na kasulukuyang tinitingnan niya. "Mahilig ka diyan?" tanong pa nito sa kanya. Hindi niya ito sinagot at sa halip ay kumuha siya ng limang balot no'n. Magbabayad na sana siya sa may counter nang bigla silang may marinig na humihikbi. Parang kinurot ang puso niya nang makita ang isang batang babae sa isang tabi habang panay ang pagpalis nito sa mga luha nito, na patuloy lang din ang pagbagsak. Agad niya itong nilapitan. Lumuhod siya sa harap nito upang magpantay silang dalawa. "Ija, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa umiiyak na bata. Kumabog ang dibdib niya nang sulyapan siya ng mga mata ng batang babae. Para bang lahat ng pangungulila niya sa kanyang anak ay biglang napawi. Para bang gusto niya itong hagkan at alagaan habang buhay. "N-nasaan ang kasama mo?" tanong niyang muli sa batang babae. "Hindi ko po makita," malambot ang tinig nito nang sumagot sa kanya. "Nawawala ka ba? Halika, dadalhin kita sa guard para mahanap ang mga magulang mo—" Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya. "I want kisses!" saad nito sabay turo sa tsokolateng hawak niya at nagbabadya na namang muling tumulo ang mga luha. Napatingin siya sa mga tsokolateng hawak niya. "Gusto mo ito?" Tumango ng marahan ang batang babae sa kanya. Maliit siyang ngumiti dito. "Sige. Bibilhan kita ng madami. Basta huwag ka nang iiyak. Okay?" malambing niyang tugon sa batang babaeng pumukaw ng kanyang damdamin. Tumango naman ito sa kanya at tumigil na sa paghikbi. Hinawakan nito ang kamay niya nang tumayo siya mula sa pagkakaluhod at sumunod ito sa kanya. Kumuha pa siya ng limang balot ulit ng tsokolate, saka sila nagtungo sa counter para magbayad. Nang makalabas sila ay iniabot niya sa batang babae ang tsokolateng binili niya para dito. Nginitian siya ng bata at nagpasalamat ito sa kanya. Para namang may kung anong humaplos sa puso niya nang makita niya ang maganda nitong mga ngiti. "Anong pangalan mo?" nakangiti niya tanong sa batang babae. "Tito told me not to talk to strangers. But, you're so pretty and kind. That's why I'm gonna tell you my name," nakakaaliw nitong sabi sa kanya. "Woa! Ingles! Naintindihan mo 'yon?" bulong sa kanya ni Kikay. Hindi niya pinansin si Kikay at sa halip ay nasa batang babae lamang ang buong atensyon niya. "Really? Am I too pretty for you?" tanong niya sa batang babae. Tumango naman ito sa kanya saka muling nagsalita. "I'm Jaiyana. But you can call me Yana. I only let my friends and my Tito to called me like that. And because you're my friend now, you're allowed too," the little girl said sweetly. Napangiti siya rito. Napakagaan ng pakiramdam niya sa batang babae na nasa harapan niya ngayon. "Yana, what a beautiful name!" pagpuri niya sa pangalan nito. At naisip niyang kung kasama niya siguro ang anak niya ay baka kasing laki na din nito iyon. "How about you?" tanong naman ni Yana sa kanya. "My name is Kyrielle," nakangiting sagot niya sa bata. "Wow. That's a beautiful name too like mine," saad nito sa kanya. Hindi niya alam kung inuuto lang ba siya ng batang ito o ano. Basta natutuwa talaga siya rito. "Yana!" sigaw ng isang babae mula sa 'di kalayuan. Napawi ang mga ngiti ni Kyrielle nang unti-unti siyang bumalik sa reyalidad. Hinarap ng bata ang babaeng tumatakbong babae papalapit sa kanila. "Where have you been?! I told you to stick with me," panenermon ng babae kay Yana. "I'm sorry. I just want this," saad ni Yana sabay pakita sa babae ng mga tsokolateng binili niya para dito. "And where did you get money to buy all of these, huh?" tanong ng babae kay Yana sabay sulyap sa kanya. "Ako ang bumili sa kanya ng mga iyan. I thought nawawala siya and gusto niya nga ng mga tsokolate. So, ibinili ko siya at pagkatapos ay balak naming magpunta sa security ng mall, para maipagtanong kung sino ang kasama niya," saad niya sa babae. Ngumiti sa kanya ang babae. "Pasensya ka na, Miss. Magkano po ba ang lahat ng ito at babayaran ko. Sorry talaga. Tinawagan ko lang kasi ang Tito niya and then, nawala na siya bigla sa tabi ko," tugon naman ng babae sa kanya. "No. It's okay. Hindi mo na kailangang bayaran. Bigay ko iyan sa kanya," nakangiti niyang sabi sa babae. "Thank you, Miss." "Welcome. Sa susunod bantayan mo nang mabuti si Yana," saad niya pa saka siya marahang ngumiti sa babae. Tumango ang babae sa kanya saka hinawakan ang kamay ni Yana. Parang may humiwa naman sa puso niya nang mga sandaling iyon. "Hindi ko kasi mahagilap ang Tiyuhin niya. But again, thank you," sabi pa ng babae sa kanya habang nakangiti. Tumango na lang siya rito. "We have to go," paalam pa ng babae sa kanila. "Sure. Ingat kayo," saad niya. Yana smiled at her. "Bye, Ate Pretty. Thanks for these," nakangiting sabi nito sa kanya sabay pakita sa mga tsokolateng hawak nito. "I will tell Tito that I've found a new pretty friend," dagdag pa ng bata sa kanya. "You are always welcome sweetie girl. Take care," saad niya at tuluyan na ngang umalis ang mga ito. With that, nakaramdam na naman siya ng matinding pangungulila. Kumirot ang puso niya at hindi niya namalayan na nag-ulap na pala ang paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD