Sa loob ng pribadong opisina ni Anthoine ay ibinagsak nito ang sarili paupo sa swivel chair at inilapat ang likod ng ulo sa sandalan. Habang nakapikit ang mga mata ay pinisil ng mga daliri nito ang punong-ibabaw ng matangos nitong ilong.
Tahimik lang si Urduja. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hinayon niya ng tingin ang sarili. Pambahay na T-shirt at shorts ang suot niya. Simpleng-simple at hindi plantsado. Bumaba ang tingin niya sa mga paa upang pagmasdan ang kaniyang tsinelas. Sana ay nabigyan man lang siya ng pagkakataong makapagsuot ng maayos na sandalyas, subalit hinatak na kaagad siya kanina ng binata palabas. Ang buhok niya nga ay nakatali lang palikod.
“Urduja…” Si Anthoine.
Nag-angat ng mukha ang dalaga at tumingin sa dako ng binata. “B-bakit ho?”
Minasdan nito ang kabuuan niya, mula ulo hanggang paa, tapos ay humugot ito ng malalim na paghinga. “Come here,” sabi nito sa kaniya.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa lalaki. Nang nasa harapan na siya nito ay nagyuko siya ng ulo, magkasalikop ang mga kamay. Pinisil-pisil niya ang sariling mga daliri dahil hindi siya komportable sa paraan ng pagtitig nito sa kaniyang kasalukuyang ayos.
“Even in a plain T-shirt and shorts, you look fine,” anito.
Lumapat ang palad nito sa kamay niya—kumubkob—at naramdaman niya kaagad ang panunuot ng init sa kalamnan niya mula sa balat nito. Tumitig siya sa binata. “Okay lang ho ba talaga ang hitsura ko?”
“Tingin mo ba, sinungaling ako?” balik-tanong nito sa kaniya.
Mabilis siyang umiling, namilog ang mga mata. “Hindi po! Alam ko pong nagsasabi ka ng totoo!”
Ngumiti ang lalaki. Umangat ang kamay nito at humaplos sa gilid ng kaniyang leeg. Habang marahang lumalapat ang balat nito sa balat niya ay hindi niya mapigilang mapapikit. Nang muli niyang imulat ang mga mata ay nakita niyang titig na titig sa mukha niya ang binata. Pumupulso ang malapot na pagnanasa sa bola ng mga mata nito. Nakita niya rin ang paggalaw ng lalamunan ni Anthoine bago nagsalubong ang mga kilay nito, na parang gusto nitong kastiguhin ang sarili.
Nang akmang babawiin na nito ang kamay ay maagap niyang hinawakan iyon.
Kumunot ang noo nito. “What are you doing?”
“G-gusto mo ba akong halikan ulit, Señorito?” mahina niyang tanong, marupok.
Hindi ito sumagot.
Animo may sariling utak ang kaniyang mga paa at kusang gumalaw ang mga iyon—humakbang upang mas lumiit ang espasyong nakapagitan sa kanila ng binata. Tapos yumuko siya dahil nakaupo ito, at sa kabila ng malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib, ay pinatakan niya ng halik ang mga labi nito.
Nagulat si Anthoine. Instinktibo ang ginawang pagkuyom ng mga kamay nito sa magkabilang braso niya para ilayo siya rito.
Nahigit ng dalaga ang paghinga. Natakot siya. Nangamba. Paano kung singhalan siya nito dahil sa kapangahasang ginawa niya? Paano kung sabihin na naman nitong ibabalik na siya sa bahay ng mga magulang nito?
“Señorito, sorry po! Sorry po!” Hindi siya magkandaugaga sa paghingi ng paumanhin dito, nandidilat ang mga mata niya.
“You’re sorry for what?” tanong nito, hindi siya nilulubayan ng tingin—bagay na mas nagpabilis sa pagpintig ng puso niya.
“Sorry ho dahil hinalikan kita…” Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata.
“Why did you even kiss me?” Hindi pa rin nagbabago ang patag at kalmadong tono ng tinig nito. Na sa sobrang kalmado ay mas nakakatakot. “And don’t lie to me. I’ll know if you do. I want an honest answer.”
Nakagat niya ang ibabang labi, kabadung-kabado. “Dahil… dahil hindi po maalis sa utak ko ang nangyari sa atin no’ng gabing iyon. At… at…”
Umangat ang mga kilay nito, at bahagya pa nitong ikiniling ang ulo. “And you’ve been fantasizing about kissing me again, haven’t you?”
Dumoble ang pamimilog ng kaniyang mga mata. Ibinuka niya ang bibig upang sabihing hindi iyon totoo, pero hindi niya magawa sapagkat tama naman ito. Totoong pinapantasya niyang muling mahalikan ng kaniyang señorito. Sa huli ay pinili niyang iyuko na lang ang ulo at ipinid ang mga labi.
“What kind of kiss were you thinking about this whole time?” tanong ni Anthoine sa kaniya.
Hindi siya kumibo. Napasinghap na lang siya nang biglang humawak sa baywang niya ang kamay ng lalaki at hinatak siya paupo sa kandungan nito. Napilitan tuloy siyang tingnan ito sa mga mata.
“Ganitong klaseng halik ba?” tanong nito, at marahang tinamnan ng halik ang mga labi niya—magaan lang iyon, at bahagyang-bahagya lang ang paglapat. Tinitigan siya nito. “Or this?” Pagkasabi niyon ay ipinasok nito ang dila sa loob ng kaniyang bibig at nilaliman ang paraan ng pag-angkin sa mga labi niya.
Ramdam na ramdam ng dalaga ang paggalugad ng dila ni Anthoine sa loob ng kaniyang bibig. Ang pananaliksik niyon. Ang paghigop at paglingkis sa sarili niyang dila. Napakapit siya sa damit ng binata lalo na nang mas naging mapusok at agresibo ang paghalik nito sa kaniya. Tila ilang araw nitong kinontrol ang sarili at ngayon ay tuluyan nang napigtas ang lubid ng pagpipigil nito.
“Let’s do it—here in my office. Right now,” mainit nitong anas.
“H-ha? P-pero nandito tayo sa opisina mo. Baka may biglang pumasok?” nababahala niyang tanong.
“The door’s locked. And nobody enters my office without my permission.”
“S-sigurado ka ba?”
“Ayaw mo ba?” balik-tanong nito sa kaniya.
“Gusto,” buong tapat niyang sabi.
“Then, don’t worry about anything else anymore.”
Muli siyang siniil ng mapusok na halik ng binata bago gumapang pababa ang mga labi nito at dumako sa gilid ng leeg niya. Doon naglumikot ang mga labi at dila nito, habang ang kamay nito ay tumungo sa waistband ng shorts niya, sumuot sa ilalim, at dumama sa pagkab*bae niya. Sumapo at humagod.
Napaungol si Urduja. “Señorito!”
“Shh. Keep your voice down,” sabi nito. Dumulas ang kamay nito sa loob ng panloob niya.
Nang ipasok nito ang dalawang daliri sa makipot niyang lagusan ay mariin na lamang niyang nakagat ang ibabang labi.
Gising na gising ang diwa ng dalaga at walang impluwensiya ng kahit katiting na alak kaya kahit hindi iyon ang unang pagtatalik nila ay mas ngayon siya nahihiya. Bumilis ang paglabas-masok ng mga daliri ng binata sa loob-loob niya. Naramdaman niya ang pakiramdam na may gusto siyang abutin at hindi nga nagtagal ay nanginig na ang mga balakang niya. Habul-habol niya ang paghinga matapos niyang malasap ang walang kapares na sarap.
Tumayo si Anthoine, buhat-buhat siya, at humakbang ito patungong sofa. Pinahiga siya nito roon. Tinanggal nito ang suot na sinturon. Hindi nito ibinagsak pababa ang pantalon, sa halip ay hinayaan lang nitong nakabukas ang butones at nakababa ang zipper.
Hinila nito ang shorts niya pababa, kasama na pati ang panloob niya. Kumubabaw sa kaniya ang lalaki.
Kabado si Urduja, pero nai-excite rin siya. Habang pinaghihiwalay ni Anthoine ang mga binti niya ay magkahugpong naman ang mga mata nila.
“I’m going in,” anas nito.
Sabay pa silang napaungol nang unti-unting bumaon ang pagkal*laki nito sa lagusan niya.
Napamura ang binatang abogado. “D*mn, Urduja, you’re still tight. Very tight.” Pagkasabi niyon ay bumira ito ng isang malakas na pag-ulos, dahilan upang marahas na magtuluy-tuloy ang pagkal*laki nito sa pinakadulo ng kaniyang kaselanan.
“Señorito Anthoine!” ungol niya.
Ang sumunod na mga sandali ay napuno ng mga tunog ng walang tigil na paggalaw ng mga katawan nila—nagkikiskisan, balat sa balat. Umaalingawngaw ang naghahalo nilang mga ungol.
“Señorito!”
“Yes, Urduja, reach for it. I’m about to c*m, too,” anito, mainit ang hiningang pumapaypay sa mukha ng dalaga.
Hanggang sa muli niyang naramdaman ang pagkalat ng ibayong sarap sa kaniyang mga kalamnan. Hinugot naman ng binata ang pagkal*laki nito, at ipinutok ang semilya sa hita niya.