WARNING: Mature scenes ahead. PAGKATAPOS nilang kumain ay agad na nagligpit si Bea ng pinagkainan nila. “Ako na diyan, umakyat ka na lang sa taas at hintayin mo ako doon,” ani Raiden habang tinutulungan siya nito. “Sigurado ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Bettina. Alam naman kasi niyang hindi sanay sa gawaing bahay ang asawa niya kaya malamang hindi rin nito magawa nang maayos ang trabaho. “Oo naman. Noong nag-aral kami ni Edmark sa Harvard ay natuto kami ng gawaing bahay dahil wala kaming katulong. Kaya ko na ito. Magliligpit lang naman ang gagawin. Hindi naman ako maghuhugas,” katuwiran ni Raiden. “Bahala ka,” sambit ni Bettina. Akmang hahakbang na siya palayo kay Raiden nang biglang humarang ito sa harapan niya. “Bibilisan ko ang pagliligpit dito. Pagdating ko sa kuwarto ma

