“BAKIT ganyan ka makatingin, ha?” kinakabahang tanong ni Bettina kay Raiden. Kanina lang sila dumating sa bahay kung saan sila mag-stay ng limang araw. Nalaman niyang dito pala sa Cebu pinili ng asawa niya na mag-honeymoon sila dahil may kausap itong supplier. Kumbaga ginawa nitong pleasure and business ang honeymoon nila para itago ang totoong relasyon nila. “Wala lang. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kasal na tayo. Alam mo iyong pakiramdam na napakapalad ko dahil ibinigay ka ng Diyos sa akin kahit ang dami kong babaeng pinaiyak. Kung tutuusin hindi ako deserving na mapangasawa mo kasi ang pangit ng record ko sa mga babae. Pero hinayaan ng Diyos na maging tayo. Kaya habambuhay akong magpapasalamat sa kabutihan niya.” Tinawid ni Raiden ang espasyo sa pagitan nila. Bago pa makapag-r

