Chapter 38 - The Wedding Day

1174 Words

“NAKU, IHA! Ang ganda-ganda mo talaga! Bagay na bagay sa iyo ang trahe mo,” masayang bati ni Nanay Digna habang inaalalayan nito si Bettina pababa ng hagdan. Ngayon ang araw ng kasal nina Bettina at Raiden. Dito na sila ikakasal mismo sa bahay ng binata. Hindi na sila naghanap pa ng ibang venue dahil iilan lang naman ang makakadalo sa kasal nila. Isa pa ay ayaw nilang malaman ng publiko ang kanilang kasal dahil baka makarating ito sa mga magulang ng dalaga. Kaya silang dalawa na lang ang nagplano sa lahat ng detalye ng kanilang kasal. “Salamat po, ‘Nay. Kayo rin naman po lalong gumanda sa suot ninyo,” nakangiti ring sabi ni Bettina. Nakabihis din kasi ang matanda ng damit na akma sa okasyon. Binilhan ni Raiden ng bagong damit ang mga kasambahay nila mula kay Nanay Digna, Manong Adel, Ru

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD