“JOKE iyon, Sir?” hindi makapaniwalang usisa ni Bettina. Baka nagkamali lang siya ng dinig. Napasimangot si Raiden. Ibinaba nito ang kamay ni Bettina at ipinagpatuloy ang kinakain nito. “Ganyan ka na lang lagi. Kailan ka ba maniniwala sa sasabihin ko? Mukha ba akong nagbibiro?” Napaismid si Bettina. “Sir, ang hirap naman kasing paniwalaan ang sinasabi mo. Alam naman nating pareho na mahilig ka sa babae. Inamin mo na nga iyan noon sa akin, eh. Kaya kung sasabihin mo sa akin na seryoso ka sa sinasabi mo, hindi talaga ako maniniwala sa iyo. Baka naman naninibago ka lang kasi nasanay ka na lahat ng babaeng lalapitan mo ay susunod sa lahat ng gusto mong mangyari. Tapos noong nakilala mo ako ay hindi naman ako gano’n kaya siguro na-challenge ka lang sa akin. Iyan siguro ang dahilan kung bakit

