CHAPTER 10: Isla Palahuwayan

1580 Words
PAGDATING nina Maurice at Julius sa isla ay mabilis ang kanilang kilos na bumaba ng bangka. Ang kani-kanina kasing ambon lang ay mas lumakas nang dumaong ang sinasakyan nilang bangka sa dalampasigan. Patakbo nilang tinahak ang mala-pulbos na buhangin upang marating ang isang bahay-bakasyunan para makasilong at hindi mabasa ng tuluyan. Ang bahay-bakasyunan na naroon sa isla ay ang kanilang magiging tirahan pansamantala ni Julius. May nakikita siyang mangilan-ngilang tao sa loob ng bahay-bakasyunan. Iyon ay mga tauhan ng kaniyang ama na nauna na roon na siyang nagdala ng kanilang mga gamit. At nang makita silang parating na ay agad silang sinalubong ng mga ito. "Sumukob ka rito, Maurice," Binasag ni Julius ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang abutan ito ng isang lalaki ng itim na payong. Si Julius na rin mismo ang lumapit sa kaniya upang mapayungan siya. "Huwag mo na akong payungan. Basa naman na ako kaya't maliligo na lang ako sa ulan." Ibinigay niya ang kaniyang star pillow na hawak-hawak kay Julius upang hindi mabasa ng ulan. Hinubad niya rin ang kaniyang jacket na suot at ibinigay rito. Hinayaan naman siya ni Julius at tumuloy ito sa loob ng bahay kasama ang mga tauhan ng kaniyang ama na sumalubong sa kanila. Samantalang naiwan siya sa gitna ng malawak na white sand at hinayaang mabasa ng ulan ang buong katawan. Aliw na aliw siya sa ginagawa dahil tila bumalik siya sa pagkabata. Sobrang na-miss ni Maurice maligo sa ulan na palagian niyang ginawa mula noong bata at nagdadalaga pa lamang siya. Kung matatandaan niya ang kaniyang huling paligo sa ulan ay sa Isla Monteverde iyon nangyari at kasama niya si Jean. Habang nagtatampisaw sa ulan ay inikot niya ang paningin sa paligid. Napansin niyang may angking ganda rin itong isla na private property ng kaniyang ama. Kung ikumpara sa Isla Monteverde ay 'di hamak na mas maliit ang kabuuang sukat nitong isla na Isla Palahuwayan ang ipinangalan ng kaniyang ama. Palahuwayan–ay isang hiligaynon na salita na ang ibig sabihin ay pahingaan. May dugong ilonggo ang kaniyang ama, sa pagkakaalam niya ay halos ng mga kanunu-nunuan nito ay sa Iloilo nakatira. Sa ganda ng lugar ay parang Isla Monteverde rin ito noong nga panahong kakabili pa lang ng kaniyang kapatid at hindi pa fully developed ang buong isla. Sa ngayon kasi ay pang-world class na ang standard ng Isla Monteverde at napakalaki na rin ng halagang inilabas doon ng kaniyang Kuya Dylan. At kahit na malaki man ang nagastos doon ng kaniyang kapatid ay wala pa rin itong balak na buksan sa publiko ang nasabing isla. Mahigpit ang siguridad sa isla at tanging mga kilalang tao lang ng kapatid ang maaaring makaapak doon. Napakatahimik ng buong lugar at makapigil-hininga ang buong tanawin na makikita. Sa ganitong lugar niya gustong makasama ang taong mahal niya. Kaso magpasahanggang ngayon ay hindi pa niya natagpuan ang lalaking buong pusong nagmamahal sa kaniya, gaya ng kung paano siya mahalin ng kaniyang kinikilalang mga magulang at mga kapatid. "Ma'am Maurice!" tawag ng isang lalaki sa kaniya na papalapit. Lumingon siya upang makita ito. "Bakit po?" sagot niya sa lalaki nang makalapit. "Ma'am, aalis na po kami dahil baka mas lumakas pa ang ulan at lumaki pa ang alon. Samantalahin na namin itong pagkakataon na maaari pa kaming makatawid papunta roon sa beach resort at makauwi kami sa bahay ni Senator Sandoval," paalam ng lalaki sa kaniya. Tumango siya. "Sige po. Ingat kayo sa pag-uwi." Isa-isang sumakay ang mga tauhan ng ama ni Maurice sa bangkang naghatid sa kanila. Sa mga oras din na iyon ay bahagyang tumila ang ulan. Ngunit hinintay niya munang makaalis ang bangka bago tinungo ang bahay kung saan si Julius na lang ang mag-isang tao roon. Pumasok si Maurice sa loob ng two-storey rest house kahit basa ang kaniyang buong katawan. Naabutan niya si Julius na nakaupo sa rocking chair sa sala sa taas at nakatanaw sa malawak na dagat. Nakabihis na si Julius at marahil naligo ito dahil mamasa-masa pa ang buhok. Hindi niya ito pinansin at hinanap na lang kung saan ang bathroom area upang makapagbanlaw siya ng malinis na tubig at makapagbihis na. Maswerte naman si Maurice dahil unang pagbukas niya ng isang pinto sa pagitan ng dalawa pang silid ay banyo agad ang bumungad sa kaniya. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng banyo at naligo upang matanggal ang tubig-ulan sa kaniyang katawan. Nang naglalagay na siya ng conditioner sa kaniyang buhok ay doon niya napagtantong wala siyang dalang tuwalya. Inisa-isa niya rin ang mga drawers doon at wala talaga siyang tuwalyang nakita. Maski bath robe o kahit anong magagamit na pampunas at pantakip sa hubad na katawan ay wala. Napasandal si Maurice sa pader. Sa sitwasyon niya ngayon ay mapipilitan siyang humingi ng tulong ni Julius. Maliban dito ay wala naman ibang tao roon na maaari niya pag-utusan na kumuha ng tuwalya para sa kaniya. Binanlawan niya muna ang kaniyang buhok upang magkaroon siya ng lakas upang tawagin ito. Matapos niyang maligo ay binuksan niya ang pinto saka inilabas niya ang kaniyang ulo at lakas-loob niyang tinawag si Julius sa malambing na paraan. Pagkuwa'y ay nakarinig siya ng mga yapak na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Sinilip niya ito at mga limang hakbang na lang ay nasa pintuan na si Julius ng banyo. "Bakit?" supladong wika ni Julius. "P-Pwede ba akong makisuyo sa'yo na abutan mo ako ng tuwalya?" aniya. Ngumisi si Julius. "Itinalaga ako rito ni Ninong upang bantayan ka at hindi para gawin mong utusan!" Nag-init ang kaniyang ulo sa sinabi ni Julius. Subalit, gawa ng may kailangan siya rito ay pinili niyang magpakamalunay sa pagsasalita at magkipagbait-baitan rito. "Sige na, please... Papakiusapan ko si Daddy na dadagdagan niya ang sahod mo." May halong paawa na ang kaniyang boses. Humalakhak si Julius. "Mayaman ako, Maurice! Para sa kaalaman mo, libre itong pagbabantay ko sa'yo tapos gagawin mo pa akong utusan?" Sabagay mukhang nagsasabi nga ng totoo itong si Julius na mayaman. Hindi rin kasi biro ang kotse nitong gamit noong inihatid siya nito sa mall. Agaw pansin din ang relo nitong nasa braso. "Tuwalya lang naman iyon eh! Hindi iyon mabigat!" Nagsisimula na siyang magtaray. "Tuwalya lang naman pala eh at hindi naman iyon mabigat! Ikaw na lang kaya ang kumuha..." Mapang-asar na tono ni Julius. "L*tse ka!" mura niya rito. Inis na inis na siya kay Julius kaya't sunod niyang ginawa ay binuksan niya ang pinto at hubo't hubad siyang humakbang palabas ng banyo. Nanlaki naman ang mata ni Julius nang makita siya at hindi ito nakapagsalita. Nang dumaan siya sa harapan ni Julius ay binalak niyang suntukin ito sa panga. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil mabilis ang kamay ni Julius at nahawakan siya nito sa pulsuhan. "Bitawan mo ang kamay ko!" sigaw niya rito. "Paano kung ayaw ko?" pang-aasar ni Julius. "Isusumbong kita sa daddy ko!" sigaw niya sa mukha nito. "Eh, kung ako kaya ang magsumbong sa asawa niya? Naku, palaban iyon si Ninang at kapag nalaman niyon na may kabit si Ninong susugod iyon dito agad-agad." Tinatakot siya si Julius. Natakot naman si Maurice dahil baka kung ano ang pumasok sa isip ng lalaking ito at totohanin ang sinasabi. Hindi niya pa ito ganap na kilala at malay niya kung may sakit ito sa utak. "I hate you! F*ck off!" Piniksi niya ang braso at nakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak ni Julius. Hinilot-hilot ni Maurice ang kaniyang pulsuhan na namula sa mahigpit na hawak ni Julius. Masakit iyon at dahilan upang itulak niya si Julius sa pader bago niya iwanan ng walang lingon. Nanggigigil talaga siya sa lalaking iyon at ngayong ilang oras niya pa lang itong nakakasama ay mukhang masusunog na niya ito ng buhay. Nagmumura at nanggigigil niyang tinungo ang kaniyang mga gamit at kumuha ng kaniyang damit na susuotin ngayon. Nagbihis siya at kinuha ang kaniyang cellphone ngunit mas lumala lang ang panggigigil niya nang makitang wala man lang signal. Wala ring kuryente sa buong isla at tanging solar power at generator lang ang source ng electricity. Naisipan ni Maurice na magpahinga na lamang muna siya sa rattan na duyan na naroon. Hinanap niya kung saan nilagay ni Julius ang kaniyang unan at jacket ngunit hindi niya iyon mahagilap. Mukhang mapipilitan na naman siyang lapitan ito at tanungin upang malaman kung saan nito nilagay. Nilapitan niya si Julius na noo'y nasa ibaba at naglilinis ng baril nito. "Iyong unan at jacket ko pala, saan mo inilagay?" matino niyang tanong. "Secret!" tanging tugon nito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo! Ibalik mo iyon sa akin dahil hindi ako nakakatulog kapag wala iyong unan ko." aniya. "Maaga pa kaya bawal ka pang matulog! Mamaya ibibigay ko na lang sa'yo iyon kapag tapos ka nang magligpit ng mga gamit mo sa loob ng kwarto mo at kapag tinulungan mo akong maghanda ng pagkain natin," mahabang lintanya ni Julius. "What? Ayaw ko nga!" mataray niyang pagtanggi. Sino ang lalaking ito para utusan siya? Mas matindi pa ito kaysa sa dalawang kuya niya kung pagsalitaan siyang magligpit ng mga gamit niya. "Okay, madali lang naman akong kausap." Nasa baril na nililinis ang atensyon ni Julius habang kinakausap siya. Kumukulo ang dugo ni Maurice na bumalik sa taas. Hindi siya patatalo sa lalaking iyon. Kailangang mahanap niya kung saan nito isinuksuk ang kaniyang unan at jacket. Hindi siya nakakatulog kapag wala ang star-shaped pillow niya. At kung mangyari hindi niya iyon makita ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi niya iyon katabi buhat nang iregalo ng kaniyang Kuya Dylan at mapasakamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD