KINABUKASAN ay maagang gumising si Julius upang makipagkita sa kaniyang ninong. Ipinagluto siya ni Danica ng agahan at pinakain muna siya ng almusal. At nang matapos siyang mag-agahan ay tinulungan siya ni Danica na magbihis.
"Wala ka bang balak gumala sa labas, wifey? Pumunta ka kaya ng mall and buy some things that makes you happy, I will let you use my black card," aniya.
Sinabi ni Julius iyon kay Danica upang makagala naman ito. Kinabukasan kasi ay araw na naman ng lunes at magiging abala na naman ito sa pagtuturo mg pole dancing. Maliban doon ay pupuntahan pa nito ang gym na negosyo ng magulang upang matiyak na wala roong problema.
"Hubby, huwag na!" tanggi ni Danica. "Dito na lang ako sa bahay. Magbabasa ng ako ng books para malibang ako."
"Ikaw ang bahala... Mag-ingat ka rito, wifey." Hinalikan niya si Danica sa labi at inaya ito sa baba.
Hawak-kamay silang bumaba ni Danica patungo sa garahe kung saan nakaparada ang kotse niya.
Pagdating sa garahe ay agad ay isang halik pa ang iginawad niya sa labi ni Danica. Sunod ay nagpaalam na siyang aalis at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Binuksan ni Danica ang gate at hinintay siyang ganap na makalabas. Kumakaway si Danica sa kaniya habang paalis siya.
"I love you, wifey!" pahabol niyang sabi.
"I love you too," tugon ni Danica bago isara ang gate.
Binaybay ni Julius ang daan patungo sa address na ibinigay ng kaniyang ninong. Doon sila magkikita at mag-uusap. Hindi pa niya ganap na alam kung ano talaga ang pakay ng kaniyang ninong pero ang alam niya lang sa tuwing tumatawag ito sa kaniya upang kunin ang serbisyo ay kukuha ng tauhan.
Sa isip ni Julius baka nakabili ng panibagong property ang kaniyang ninong. Malaki ang tiwala ng kaniyang ninong sa mga bodyguards at security guards na nanggaling sa kaniya. Sa katunayan, lahat ng properties ng kaniyang ninong ay mga tauhan niya ang mga security guards na naka-deploy roon. Maging ang mga bodyguards ng kaniyang ninong ay mga tauhan niya rin.
Bilang may-ari ng isang security agency ay ginagawa niya ang lahat upang mapanatili ang magandang imahe. Kaya naman sinisigurado niyang well-trained, hindi abusado at maayos ang pag-uugali ng mga taong hawak niya.
Naalala ni Julius na binanggit ng kaniyang ninong kahapon ang tungkol sa isla. Pero imposibleng siya mismo ang kukunin nito. Sa pagkakaalam niya ay walang nakatira roon sa isla kaya't imposibleng kukuha ito ng serbisyo niya. Sa isip niya baka gusto lang magpalit ng tauhan ng kaniyang ninong dahilan upang makikipagkita ito ngayon.
Hindi nagtagal ay narating ni Julius ang lugar na ibinigay ng kaniyang ninong. Isang coffee shop iyon. Pumarada siya at bumaba upang pumasok sa loob. At habang nasa pintuan pa lang siya ay nakita niya agad ang kaniyang ninong kasama ang mga bodyguards nito.
Paglapit ni Julius ay nagsibati sa kaniya ang mga bodyguards ng kaniyang ninong na sa kaniya galing. Puno naman ng respeto siyang nagbalik-bati. Kahit may-ari siya ay itinuturing niya na kaibigan ang mga taong parte ng kaniyang security agency. Iyon dahilan kung kaya't tumatagal ang mga tao sa kaniya dahil maliban sa mabait siya. Hindi lang iyon, madali siyang lapitan kapag may problema.
Nagmano si Julius sa kaniyang ninong at inalok naman siya ng kaniyang ninong kung ano ang kaniyang gusto. Tumanggi nga lang siyang um-order dahil nakakain na siya ng almusal bago umalis sa bahay ni Danica.
"You look great today, iho. How is your business?" panimula ng kaniyang ninong.
"Thanks, ninong. About my business, I'm still on top as the most trusted security agency in the country." tugon niya.
"Good to hear, iho. I'm so proud of you," puri ng kaniyang ninong. "By the way, tinawagan kita ngayon dahil may hihilingin sa'yo."
"What is that po, ninong?" aniya.
Napahinga ng malalim ang ninong niya at mukhang nag-aalangan na magsalita. Unang beses itong nangyari kung kaya't naisip niya na baka may pinagdadaanan ito. Baka nagkaproblema ito sa posisyon bilang senador ng bansa at may kailangang itago.
"You can trust me, ninong. Pero sana po walang involved na krimen dito dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko." Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ninong.
"May isang tao akong papabantayan sa'yo roon sa isla. Mahilig siyang tumakas at ang mga nagbabantay naman sa kaniya ay tatanga-tanga. Nagsisi nga ako kung bakit sa iba at hindi sa'yo ako kumuha ng bodyguards niya. Kaya para mas makasiguro na ako ngayon ikaw ang napili kong magbantay sa kaniya dahil alam kung kayang-kaya mo siyang kontrolin," seryosong sabi ng kaniyang ninong.
"Don't worry, ninong. Hindi iyon makakatakas sa akin," panigurado niya.
"Iho, gusto ko sana nasa isla na kayo bukas bago sumapit ang tanghali. Ako na ang bahala sa mga kailangan niyo roon. Ang mahalaga lang ay doon na muna kayo hangga't hindi pa natatapos ang eleksyon," dagdag pa ng ninong niya.
"No problem, ninong! Ako ang bahala sa kaniya," nakangiting sabi niya.
"Thanks, iho. Take good care of her. Mahalaga siya sa akin." wika ng kaniyang ninong na nagkunot ng noo niya.
Her? Tama ba ang narinig niya? Ang buong akala niya ay lalaki ang kanilang pinag-uusapan na babantayan niya. Bakit may papabantayan ang ninong niya na babae? Para saan iyon?
"Let's go, iho. Sumunod ka sa amin para makilala mo siya." Inaya siya ng kaniyang ninong.
Hindi na niya nagawang pang umusisa sa kaniyang ninong kung sino ang babaeng iyon. Pagkarinig niya pa lang na makikita niya ito ngayon ay hindi siya nag-atubiling sumunod. Interesado siyang makilala ito at sana hindi magkatotoo amg hinala niyang may babae ang kaniyang ninong. Ito pa naman ang tinutularan niya. Sa tagal nilang magkakakilala ay ngayon lang ito nangyari.
Sabay-sabay nilang nilisan ang coffee shop. Nakasunod siya at sa hulihan ng tatlong sasakyan. Maya-maya ay pumasok sila sa isang exclusive subdivision. Nagtataka siya dahil hindi niya alam na may bahay sa subdivision na ito ang kaniyang ninong. Samantalang sa subdivision na ito siya galing kahapon at may tinulungan siyang babae.
Pumasok sila sa loob ng malaking gate at may mala-palasyong bahay.
"Pasok tayo, iho," aya ng kaniyang ninong pagkaparada at pagkababa niya sa sasakyan.
Pagpasok ni Julius sa loob at namangha siya sa ganda ng bahay. Ang desinyo sa loob ng bahay ay halos may touch of yellow kaya't napakalamig sa mata.
"Saan siya?" tanong ng ninong niya sa babaeng tingin niya ay isang kasambahay.
"Nasa kwarto niya po, sir. Nagtatampo na naman dahil umalis ka nang hindi nagpapaalam sa kaniya." sagot ng babae.
"Kakausapin ko siya," saad ng kaniyang ninong at nagmamamdaling umakyat sa hagdan patungo sa pangalawang palapag ng bahay.
"Pogi!" tawag ng isang babae.
Lumingon siya rito.
"Yes po?" aniya.
"Ang gwapo mo. Ako nga pala si Gema." sabi nito.
"Salamat!" tipid niyang tugon. "Ako pala si Julius." Nakipagkamayan siya sa babaeng nagpakilalang Gema.
"Matagal na ba ang bahay na ito ni ninong?" usisa niya.
"Matagal na po kami rito," sagot naman ng babae.
Tumango-tango na lamang siya. "Napakaganda naman nitong bahay, Gema."
Lumapit si Gema sa kaniya dahil may ibubulong raw.
"Iyong kabit kasi ni sir ang nag-aayos nitong buong bahay." bulong ni Gema.
"Ha?" Paano—"
Nabitin ang sasabihin ni Julius nang makarinig nang yapak na pababa sa hagdan. Nakita niya ang kaniyang ninong kasama ang isang babaeng bata pa. Nakayuko ito na parang umiiyak. Nakasuot ang babae ng puting short at tube na kulay yellow ang pang-itaas.
Sa napag-alaman ni Julius kay Gema ay nandidiri siya sa nakikita niya ngayon. Iniisip niya pa lang kung paano inaalo ng kaniyang ninong ang babae ay diring-diri siya. Paano pa kaya kung makikita niya itong kahalikan ng ninong niya ang babae sa harapan niya ay baka masuka siya nang wala sa oras.
"Iho, siya ang sinasabi ko sa'yo," wika ng kaniyang ninong.
Nag-angat ng mukha ng babae at ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang makilala ito.
Ang babaeng tinutukoy ng kaniyang ninong ay ang babaeng tinulungan niya kahapon at inihatid sa mall. Ang babaeng iyon pala ay isang kabit at kung alam niya lang ay hindi na niya ito tinulungan.
Kitang-kita rin sa mukha ng babae ang pagkagulat ng makita siya. Natulala ito at tila nakakita nang multo nang magkaharap sila. Subalit dahil nasa harapan siya ng kaniyang ninong ay napilitan siyang makipagkamayan dito.
"I'm Julius Villavicencio," pakilala niya. Umasta siyang hindi niya ito kilala.
"I-I'm M-Maurice L-La... Laxamana," ganting pagpapakilala ng babae. Nanginginig din ang kamay nito habang hawak niya.
Napansin ni Julius ang malinis nitong kuko. Kung kailan malinis ang kuko ng babae ay may natuklasan naman siyang bagay na mas marumi pa.
Pasimpleng napailing si Julius. Kung hindi lang siya nahihiya sa kaniyang ninong ay aatras siya. Ngunit wala na rin siyang choice dahil wala siyang lakas ng loob na tumanggi para sa taong tumulong sa kaniya noong walang-wala siya. Kung tutuusin sa dami ng naging tulong sa kaniya ng ninong niya ay simpleng pakiusap lang ito.
Ang mangyayari ay mapipilitan siyang magbantay ng babaeng kabit dahil sa utang na loob. Hindi niya maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ng kaniyang ninong bakit siya pa ang napili nito. Samantalang hindi naman lingid sa kaalaman nito na matindi ang galit niya sa mga kabit dahil iyon ang naging dahilan kung bakit nasira ang kaniyang pamilyang kinagisnan. Sa nalaman niya ngayon ay bumaba ang tingin niya sa ninong niya. Gaya rin pala ito ng kaniyang walang kwentang ama.