CHAPTER 2: Disappointment

1571 Words
MATAPOS mag-almusal ni Maurice ay bumalik agad siya sa kaniyang silid. Hindi siya tumatagal sa first floor ng bahay tuwing umaga dahil pagkatapos niyang mag-agahan ay nililinis niya ang kaniyang buong kwarto. Si Maurice ang naglilinis ng kaniyang silid dahil hindi niya pinapapasok ang mga maid sa loob. Binawalan niya ang mga ito dahil baka may matuklasan pa kaya’t kusa siyang naglilinis. Ang kaniyang mga labahan naman ay inilalabas niya para hindi na kailangan pang kunin ni Iska sa loob. Nagsimulang magpalit ng bedsheet si Maurice sa kaniyang kama. Bali kulay puti na may printed na maliliit na star ang napili niyang ipalit upang bumagay sa kulay dilaw na kurtina ng kaniyang silid. Paboritong kulay niya ang dilaw at ganoon din ang mga bituin na kumukuti-kutitap sa gabi. Katunayan ay kinalakihan na niya ang tumingala sa kalangitan upang mag-abang ng falling star bago matulog sa gabi. Matapos niyang magpalit ng kobre-kama at punda ng unan ay inayos niya ang kaniyang kama. Sunod ay pinanglalagay niya ang kaniyang mga unan pasandal sa headboard ng kama. Ang kaniyang dalawang bolster pillow ay inilagay niya sa gilid dahil nakadikit ang kaniyang kama sa pader at palagi siyang nauuntog doon sa sobrang magalaw niyang matulog. Panghuling inilagay ni Maurice sa ibabaw ng kama ay ang kaniyang unan na hugis bituin at kulay dilaw. Regalo iyon ng kaniyang Kuya Dylan noong pitong taon pa lamang siya. Hindi siya nakakatulog kapag hindi niya iyon katabi kaya't dala-dala niya iyon kahit saan siya magpunta. Sa kalagitnaan ng paglilinis ni Maurice ay tumunog at nag-vibrate ang kaniyang cellphone na noo’y nasa ibabaw lang din ng kama. May nagre-request na maka-video call siya kaya’t mabilis niyang dinampot iyon upang tingnan. Nang makita niyang si Kuya Dylan niya iyon ay agad-agad niyang sinagot. “Good morning, baby girl! How’s life there?” masiglang wika ni Dylan nang masilayan ang kaniyang mukha. Baby girl ang tawag ni Dylan sa kaniya kapag nilalambing siya nito. Sa lahat ng kaniyang kapatid ang kaniyang Kuya Dylan ang kasundong-kasundo niya. Taliwas sa kasabihan ng mga matatanda na ang magkapatid na sunod sa bunso at ang bunso ay palaging hindi magkasundo. Sabagay, hindi naman sila tunay na magkapatid kaya siguro ganoon. “Good morning, kuya! Uhm, I’m still enjoying my life here,” tugon ni Maurice sa kapatid. “So, ang ibig sabihin wala ka nang balak pa na umuwi ng Pinas?” tanong muli ni Dylan. “Syempre, uuwi rin ako but not this time. Surprise ko na lang kayo sa pag-uwi ko,” nakangiting niyang sabi. “Asahan ko ‘yan, baby girl! Nami-miss ka na ng mga pamangkin mo, lalo na ako na kapatid mo,” malambing pang saad ni Dylan na kumurot sa kaniyang puso. Iniwas niya ang mukha sa camera ng cellphone upang hindi makita ni Dylan ang mga luhang nag-uunahang dumausdos sa kaniyang pisngi. Kahit itrato man siya na tunay na kapatid, nasasaktan pa rin siya sa katotohanang hindi niya ito kadugo. “Baby girl, bakit ka natahimik? Ano’ng nangyari sa’yo diyan bakit puro pader na lang ang nakikita ko?” basag ni Dylan sa sandaling katahimikan na nabuo sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap. Pinahid ni Maurice ang kaniyang mga luha sa mata bago sumagot at nagkuwaring naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha. “I miss you, kuya,” malambing niyang sambit sa kapatid. “I miss you too so much!” tugon ni Dylan. “Gusto mo bang puntahan kita diya—” “No! No, kuya! No need!” taranta niyang putol sa sinabi ng kapatid. Nakita ni Maurice ang pagkunot ng noo ng kaniyang kapatid dahil sa paraan ng pagtatanggi niya. Nabigla siya ng sobra dahil baka mamilit si Dylan na puntahan siya. Kapag nangyari iyon ay walang siyang maibigay na address niya sa ibang bansa dahil sa Maynila ang kaniyang tunay na lokasyon. “Fine! Wala akong magagawa kong ayaw mo. Mag-ingat ka lang diyan palagi at kapag may problema, don’t hesitate to call me.” ani ni Dylan at nagsabing hanggang dito na lang kanilang pag-uusap. “Thank you, kuya. Pakisabi na lang kay Jean, tatawag ako bukas ng umaga sa kaniya. Ikumusta mo lang ako kay Ate Kath at sa dalawang pamangkin ko.” Pagkasabi ay kumaway na siya sa kapatid at in-end niya na ang vedio call. Nang mai-screen lock ang kaniyang cellphone ay itinuloy niya ang kaniyang paglilinis. Gumamit siya ng vacuum para tuluyang mawala ang mga hindi nakikitang alikabok, lalong-lalo na sa kaniyang fur carpet na nasa baba ng kama. Mabuti na lang, natuto siyang naglinis at ng mga gawaing bahay kahit papaano. Simula kasi nang maging sekretarya siya ng kaniyang Kuya Dylan at makapagtapos ng pag-aaral ay pinili niyang maging malaya. Bumili siya ng town house at namuhay nang mag-isa. Hinayaan naman siya ng kaniyang mga magulang sa kagustuhan dahil nasa tamang edad naman na siya. Sa pagpapatuloy ng paglilinis ni Maurice ay may kumatok sa pinto at nang buksan niya ay si Iska. Nabatid niya agad kung bakit kumakatok ito sa pintuan ng kaniyang silid. Araw ngayon ng sabado at ito ang araw ng masusing paglilinis sa kabuaan ng bahay. Siya kasi ang nagdidikta sa mga maid kung anu-anong mga kurtina ang gagamitin at kung ano ang ayos ng mga kagamitan. “Ma’am, pasensiya na sa istorbo… Itatanong ko lang sana kung anong style at kulay ng kurtina ang ipapalit namin sa malapad na bintana ng sala.” pagtatanong ni Manay Iska. “Always choose my favorite color, manay!” tugon niya. Tumango si Manay Iska at umalis sa harapan niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa ganap na makababa ng hagdan. Alam na alam ni Manay Iska ang mga gusto at ayaw niya kahit isang buwan pa lamang siya sa bahay na ito. Si Manay Iska ang mayordoma sa bahay na ito at matagal nang pinagkakatiwalaan ng kaniyang ama. Mabait si Manay Iska kaya naman maayos ang pakikitungo niya rito. Isinara niyang muli ang pinto ng kaniyang silid at ini-on mula ang vacuum. Nilinis niya nang maigi ang sahig ng kabuuang silid at pagkatapos niyang linisin iyon ay sinunod niya ang kaniyang bathroom area. Sa kaniyang bathroom area ay hindi naman makalat at hindi marumi dahil araw-araw niya iyong nililinis bago maligo. Nang malinis ni Maurice ang kaniyang bathroom area ay lumabas siya. Tinawag niya si Gema at ipinakuha roon ang vacuum cleaner dahil gagamitin din nito panlinis sa sala sa may second floor. “Coming, ma’am…” sigaw ni Gema at patakbong umakyat ng hagdan palapit sa kaniya. Iniwan ni Maurice ang vacuum sa kaniyang pintuan at isinara iyon. Nanlalagkit na kasi ang kaniyang katawan at gusto na niyang maligo. Ini-locked niya ang kaniyang pinto at dederetso na sana sa banyo subalit bigla siyang makarinig ng tunog ng taong sumisitsit. Phone notification tone niya iyon kaya’t imbes na tumuloy siya sa loob ng banyo ay kinuha niya muna ang cellphone at tiningnan. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Maurice nang makita ang notification na natanggap niya dahil live iyon ng kaniyang ama. Naka-follow siya sa lahat ng social media account ng senador at palihim siyang tumitingin sa mga post nito tungkol sa mga kabutihang ginagawa nito para sa bansa. At syempre bilang anak ay proud na proud siya para rito. Naupo muna siya sa kaniyang kama upang panoorin ang live ng kaniyang ama. Ngunit nang makita niya iyon ay tila binagsakan ng langit ang kaniyang mukha. Napapanood niya ngayon ang kaniyang ama na nasa isang luxury resort at kasama nito ang pamilya. Taliwas sa sinabi nito kay Manay Iska na may dadaluhang event ito kasama ang mga kapartido. Napakaimposibleng event iyon dahil mistulang family bonding. Nanginig ang kamay niya, lalo na nang makitang napakalambing ng kaniyang ama sa bunsong anak nito. Nagseselos siya sa nakikita at nagagalit dahil hindi tumupad sa usapan ang kaniyang ama. Dapat sana ay siya ang kasama nito ngayon ngunit hindi siya pinagbigyan sa limang oras na hinihingi niya rito tuwing sabado. Pakiramdam niya napakadamot ng kaniyang ama. Siya na nga ang gumawa ng paraan upang mahanap ito tapos kahit bumawi man lang ay hindi nito magawa. Sa sama ng loob ni Maurice ay nahagis niya pabalibag ang cellphone na hawak sa kaniyang kama. Ang buong akala niya pa naman ay may isang salita ang kaniyang ama ngunit wala pala. Kahit i-text man lang sana siya nito upang ipaalam sa kaniya na hindi ito makakapunta ay hindi nito nagawa. Pinadaan pa ng kaniyang ama kay Manay Iska samantalang napakadali lang naman na tawagan o i-text siya. Nagngingitngit man ay tinungo ni Maurice ang banyo para maligo. Pagkapasok niya ay agad siyang naghubad at tinapat ang katawan sa ceiling mounted rain shower na may malamig na tubig. Kasabay ng paglandas ng tubig sa kaniyang katawan ay napapikit siya at napabulong. She never asked for any material things. All she want is love and attention from her biological father. Nananalig siyang maibibigay iyon ng kaniyang ama kung gugustuhin dahil hindi naman iyon mahirap gawin. Kung tutuusin naibigay nga iyon ng kaniyang mga kinalakihang magulang at mga kapatid na hindi niya kadugo, iyon pa kayang dugo’t laman niya. Sana lang hindi niya maranasan sa ama ang maabandona muli gaya ng ginawa nito dati sa kanilang dalawa ng ina niya. Ito na ang una at huling pagkakataon na ibinigay niya upang magpakaama ito sa kaniya at makabawi sa mga mali nitong ginawa. Kapag sasayangin pa ito ng kaniyang ama ay hinding-hindi na niya ito mapapatawad pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD