“Tito Pogeeeeehhh!!!"
Halos mabingi ako sa lakas ng tili ni Mickey. Pero ako naman ay naestatwa nang magtama ang aming mata.
Siya ang tinutukoy ng pamangkin ko na ...
“Down. Down. I want to go down."
Kulang na lang ay tumalon si Mickey sa pagkarga ko kaya ibinaba ko ito at baka ito ay mahulog.
“Mickey!"
Nanlaki ang mata ko ng biglang yakapin ng pamangkin ko ang binti ng taong nasa harapan ko.
“Tito Pogi!"
Yumuko ang lalaki at hinawakan ang ulo ni Mickey at napahagikhik ang bata.
Mabilis na dumapo ang mata ko sa matipuno nitong katawan. Talaga bang ganito ito manamit dahil palaging masikip ang suot nitong t-shirt at bumabakat ang malaki nitong katawan? O mahilig lang mag-flex ng muscles?
Bumaba ang tingin ko sa kaliwang braso nito na puno ng tinta, pero ang kanan na ay malinis. Pati ang leeg nito ay may tattoo.
Hindi kaya galing itong kulungan? Adik?
Napasinghap ako ng tumayo ito ng matuwid kaya napatingala ako at nagtama na naman ang aming mata.
Pakiramdam ko tuloy ay hinahalukay ang tiyan ko. Ganito ba talaga kung makatingin ito?
Tumikhim ako, baka iba isipin nito.
”Halika dito, Mickey."
Tinaas ko ang kamay ko at gusto ko sana itong hawakan pero lumayo ito sa akin.
“No!"
Malakas itong umiling kaya pinanlakihan ko na naman ito ng mata.
Hindi pwede itong lumalapit sa kahit sino lalo pa at estranghero. Hindi ko nga kilala ang taong nasa harapan ko kahit sobrang gwapo nito sa paningin. Pero itong pamangkin ko ay basta na lang lumalapit na para bang kilalang-kilala niya ang taong ito na may maraming tattoo.
Tumikhim ang nasa harapan ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.
”Ibabalik ko lang ang mangkok." itinaas nito ang isang kamay na may hawak na mangkok.
Napaawang ang labi ko. Siya yung binigyan ni Mama ng ulam?!
”Nagustuhan ko ang ulam. Pakisabi, maraming salamat."
Para akong robot na inabot ko ang mangkok. Bigla akong nahiya. Kung anu-anong kasi ang iniisip ko ‘yun pala ay kakilala ito ng magulang ko.
“Come to our house, Tito Pogi... Please?"
Parehas kami na napatingin kay Mickey at ngayon ang mukha ay nagpapaawa at nagpapa-cute.
“Mickey.." halos pabulong ko.
Paanong nagyaya ang pamangkin ko sa taong ito na hindi ko pa man nakikilala? Hindi ko nga alam ang pangalan nito.
"I know you're not comfortable for stranger like me, but I want to introduce myself ."
Nagulat ako ng itaas nito ang kanang kamay at inabot sa akin. Nabasa niya kaya ang isipan ko?
"My name is Leandro."
Pangalan pa lang... Bagay-bagay sa pangalan nito kung ano ang itsura nito.
He is calm and very masculine, but he looks more dangerous if you make a mistake around him.
Parang may sariling isip ang kamay ko at tinanggap ang kamay nito.
Parang napaso ang kamay ko sa mainit na palad nito at halos makuryente ang kamay ko.
Diniinan nito ang kamay ko at napapasong bumitaw ako sa kaniya.
"Im Candice. You can call me Candy.."
"I know.."
Bahagyang napaawang ang labi ko sa sagot nito. Kilala na ako nito?
Pero hindi na ako nagtaka pa, kung dito nga sa lugar namin ay kilala ang pangalan ko kahit hindi ko sila kilala. Ito pa kayang bagong salta lang. At sa tingin ko ay ipinakilala na ako ng Mama ko dito dahil ibabalik ang mangkok na pinaglagyan ng ulam.
Bahagya akong tumango. Inalis ko ang mata dito, pakiramdam ko ay hinihigop nito ang kaluluwa ko.
Dumagdag pa na pinagpawisan ako ng husto, dagdag sa napakainit na tanghali.
"I could visit your house maybe next time, baby girl."
"No.." nagkandahaba ang nguso ni Mickey.
Pero mabilis ko na itong hinila at napabitaw ito kay Leandro.
"But i want, Tito Pogi. I like to play with him. I'll show him all my toys." pagmamaktol ng makulit.
"Busy siya. Halika na dahil matutulog ka pa."
Umiling ito.
"No. I won't sleep!" matigas na sagot nito.
"Micah Casz.." mababa pero may halong babala na ang boses ko.
Umayos ito ng pagkakatayo ang pamangkin ko nang mapansin na ang galit ko. Ngumuso ito na napatingin kay Leandro..
"Can i see you later Tito Pogi, when i wake up po?" inosenteng nakatingala ito.
Napahigpit ako sa pagkakahawak sa braso ni Mickey. Talagang nag-request pa ito.
Tumango si Leandro at ngumiti. Shemayyy! Killer smile pa na tiyak maraming nagkakandarapang babae sa isang ngiti nito.
"Sure, baby girl."
Ngumiti na lang ako ng tipid kay Leandro at to naman ay kumaway sa bata. Nakahinga lang ako ng maluwang nang mawala na ito sa aming paningin.
Mabilis kong isinara ang luma naming gate. Kahait anong ayos sa pagsara ng gate namin ay mabilis lang iyon mabuksan dahil sa sobrang luma at kinakalawang.
Hindi na nagreklamo ang bata ng pumasok kami sa loob ng bahay.
Nilagay ko sa sink ang mangkok kahit na malinis iyon.
"Sa susunod 'wag kang pupunta ng gate nang mag-isa Mickey ah?" yumuko ako dito para magpantau ang aming mukha.
Painosente itong tumango.
"Opo!"
"Ang kulit mo talaga eh. Ang bawal sayo ay ginagawa mo. Baka ma-kidnap ka sa susunod kapag nagbukas ka ng gate."
"Tita Candy, dede!"
Napakagat labi na lang ako. Hindi talaga ako nito maintindihan pa. Nanghingi pa nga ng dede.
Bumuntong hininga na lang ako.
"Okay. Magna-nap na tayo ha?"
"Opo!"
Nagmadali na ako sa pagtimpla ng dede nito. Pero bago ko ibigay ang bote ay pinainom ko muna ito ng gamot para sa kaniyang sipon.
Pagkaakyat namin ng kwarto ay inayos ko ang kama. Pinahiga ko ito at ibigay ang kaniyang teddy bear. Nagreklamo pa ito dahil ung paborito niyang si ‘Mik-mik' ang hindi ko ibinigay. Sinabi ko na lang na naligo ito at kailangan pang magpatuyo.
Inayos ko ito ang electric fan para maayos ang pagkakaikot. Napatingin ako sa labas ng bintana. Kumulimlim, at sa tingin ko ay uulan mamayang hapon.
Inuto-uto ko muna ang paslit hanggang sa makatulog na ito. Inaantok din ako pero hindi pwede, kailangan ko munang magligpit ng ilang kalat na hindi na ata matapos-tapos hanggat may bata.
Nag-vibrate ang cellphone ko, kaya kinuha ko iyon.
Si Bea.
“Hello."
“Hi Beh!" matinis ang boses ng kaibigan ko.
”Anyare?" naupo ako sa kama.
“Birthday ni Drew sa Saturday. Hinahanap ka niya." parang kinikilig pa ito.
“So?"
Napasinghap ito at malakas ang boses na nagsalita.
“Gosh! Ikaw talaga, wala ka bang damdamin at ganiyan lang ang reaksiyon mo?!"
Napapikit ako sa lakas ng boses nito.
“Sinabi mo na kahapon na birthday ng pinsan mo."
“I know, I know. Excited na kasi itong pinsan ko nung sinabi kong pupunta ka."
Tumaas ang isang kilay ko. Paladesisyon talaga itong si Bea kahit hindi pa man ako pumapayag.
“Wala akong sinasabi na pupunta ako."
Tumili na naman ang bruha kong classmate.
“Arghh!! Gusto mo man o hindi ay pupunta ka! Susunduin kita diyan ng car ko. Please, please naman wag kang aalis ng bahay niyo!"
“Depende kasi--"
“Magpapaalam ako sa Mother mo. Wag kang maglalaho at ‘yari ka sa akin."
Napangiwi ako sa pagbabanta nito na hindi naman nakakatakot.
Bumuntong hininga na lang ako.
“Bahala ka."
Ilang chikahan pa ang kinwento nito at tamang pakinig lang ako. Nagpaalam lang ako ng marinig ko ang pagkulog.
“Ay kainis!"
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Hindi naman magigising si Mickey dahil kakatulog lang nito.
Paglabas ko ng likod bahay ay sobrang dilim na ng langit. Anu man oras ay babagsak na ang ulan.
“Kakaasar!"
Nagmamadali kong inuna ang mga damit ni Mickey. Tuyo na rin naman ang iba dahil na-dryer kanina. Pinasok ko iyon at nilapag sa sofa. Paglabas ko ay halos mapamura ako ng mag-umpisang pumatak ang ulan.
Sa sobrang dami niyon ay hindi ko makukuha ng isahan ang mga nakasampay at baka madapa lang ako sa bigat.
Nakakatatlong balik na ako pero marami pang nakasampay at nasa kalahati pa lang ang nakukuha ko.
“I can help you."
Malakas akong napasigaw dahil sa boses na iyon sa aking likuran.
Nanlalaki ang mata ko ng makita ko kung sino iyon. Si Leandro.
“Wag mo na akong titigan, umuulan na."
Pakiramdam ko ay nangamatis ang buong mukha ko dahil sa sinabi nito. Pinahiya pa ako ng taong ito!
Hindi pa man bumubuka ang bibig ko para sana ay sawayin ito ay basta na lang ako nitong nilagpasan.
Parang si the flash na nakuha nito ang lahat ng naka-hanger sa sinampay.
Jusko! Bakit nasa kamay niya ang undies ko?!
“Kunin mo na ang iba dahil malakas na ang ulan."
Napasara ang bibig ko at nagmadali na rin na kinuha ang ilang damit. Naiwan ang mabibigat na kumot.
Halos gabundok na ang mga damit sa sofa, pero lumabas ulit ako para kunin ang natitira sa sampayan.
Paglabas ko ay wala na ang mga kumot, nagulat pa ako ng sinampay ni Leandro iyon sa laundry area dahil may alambre rin na ginawang sampayan doon.
Literal na napanganga ako dahil sa laki at matigas nitong muscles na gumagalaw sa tuwing umangat ang braso nito. Dumadagdag pa ang tattoo nito na naghuhumiyaw.
Lumapit ako dito dahil lumakas na ang ulan. Nabasa na rin pala si Leandro.
“Thank you, kahit na nabasa ka na. ". mahina kong salita.
Tumingin ito sa akin.
“It's okay. Malayo naman sa bituka ‘to."
Yumuko ako dahil hindi hindi ko kinakaya ang paraan ng titig nito sa akin.
“U-uuwi ka na ba?"
Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa tanong ko. Paanong uuwi ito ngayon gayong lumakas na ang ulan. Pwera na lang kung balak ko itong pahiramin ng payong.
“Tssk." tumaas ang sulok ng labi nito.
“You want me to go home in this heavy rain?"
“H-ha?"
Shunga-sunga mo talaga self!
Tumikhim ako at nag-isip ng iba.
“Gusto mo bang magkape?"
Napatitig si Leandro sa akin. Maski ako ay nagulat sa pag-aalok ko.
Talaga self? Nang-aalok ka pa ng kape?
”Sure."
Wala na akong nagawa, at gusto kong sambunutan ang sarili ko. Pero kabastusan naman kung papauwiin ko ito basta-basta.
Pumasok kami sa loob kahit na nang-init ang likuran ko, feeling ko ay nakatingin ito sa katawan ko.
Ayoko maging assuming pero nagsisi ako na nagsando at short lang ako. Hindi pa man ako sanay na may ibang tao dito sa bahay lalo pa at wala ang magulang ko.
Pinaupo ko ito sa single sofa at iniwan para timplahan ng kape. Nang matapos ay ibinaba ko iyon sa table sa harap niyo.
“Sabihin mo na lang kung matabang."
Humigop ito.
”It's perfect."
Napanganga ako sa sagot nito. Hindi ko alam kung totoo bang masarap ang kape na 3-1 o nang-uuto lang ito.
Umiwas ako ng tingin dito.
Hindi ko alam dahil awkward. Uupo ba ako sa harapan nito para makipagkwentuhan o aakyat na ng kwarto pero bastos naman kung gagawin ko iyon .
At sa itsura nito, mukhang hindi naman gagawa ng katarantaduhan.. dahil ba gwapo at mabango?
Gusto kong kurutin ang sarili ko.
Sa huli ay naupo sa upuang plastic ni Mickey. Ewan at dito ako naupo.
“Salamat sa tulong." basag ko.
Ngumiti ito sa akin at halos malunod ang mga puso ko..
“Welcome."
Napababa ang tingin ko sa sahig dahil sa sagot nitong maiksi.
Pero mabilis akong tumingin dito at nagtanong.
“P-paano ka nakapasok sa bakuran? Nakasarado ang gate."
Tumigil ito sa paghigop ng kape.
“Nakita kitang kumukuha ng sinampay. Kaya tinulungan kita."
“Nakita?"
Tangina.. ano ba ‘tong tao na ‘to?!