“AKALA ko ba, may okasyon kina Carla ngayon?” tanong ni Cameron kay Damian habang pinapaypayan niya si Hunter na payapang natutulog sa kandungan niya. Pagkatapos nitong kumain ay naglunoy itong muli sa tubig kasama ni Damian. Pag-ahon ng mga ito ay muli niya itong pinakain. Pagkakain ay kaagad itong nakatulog. Humiga sa tabi niya si Damian. “Umuwi rin kaagad ako. Mainit ang ulo sa `kin ng kaibigan mo. Magka-kapikunan lang kami kung magtatagal ako do’n.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit mainit ang ulo sa `yo?” Ang impresyon niya kay Carla ay hindi madaling mag-init ang ulo nito. Tila nga hindi ito marunong magalit. Ganoon din naman si Damian. Ito na ang pinaka-understanding na lalaki sa buong mundo. Nagkibit-balikat ito. “Basta. Hindi mo sinabi na magswi-swimming kayo ngayon. Nalam

