“`MA, `SAMA po si Ninong?” Ginulo ni Cameron ang buhok ng anak niya. “Hindi, eh. May date siya ngayon. Bakit, ayaw mo bang makasama si Mama? Kung sino-sino ang hinahanap mo, ah,” kunwari ay nagtatampong sabi niya. Inayos niya ang backpack sa likod nito. “Gusto po kitang kasama. I’ve missed you. Palagi ka na lang busy sa school. Nami-miss ko na kayo ni Ninong. `Kala ko, `sama rin siya ngayon sa swimming.” Bahagyang nakausli ang mga labi nito. Tumigil siya sa paglalakad at umupo sa harap nito. Pinahid niya ang pawis sa noo nito. Patungo sila sa talon upang maligo. Bonding nilang mag-ina dahil naging sobrang abala nga niya sa eskuwelahan nitong mga nakaraang araw. Malapit na siyang magtapos kaya abalang-abala siya sa mga requirement niya. Hindi sanay si Hunter na hindi nila kasamang mag-s

