Chapter 5

2081 Words
Hilong-hilo ako nang magising ako kinaumagahan. Ramdam ko ang ginaw at panghihina ng buo kong katawan. Umupo ako saglit at muli ring humiga dahil hindi ko kayang tumayo. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking kuwarto. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagtalukbong dahil giniginaw ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Naroong tila minamartilyo ang aking ulo kasabay ng tila paglindol sa aking paligid. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa ganoong posisyon. Nang medyo humupa na ang pagkahilo ko ay dahan-dahan akong bumangon. Paunti-unti akong naglakad palabas ng kuwarto habang nakakapit ang mga kamay ko sa pader. Uhaw na uhaw na kasi ako at kailangan kong makainom ng tubig. Papasok na ako sa kusina nang marinig ko ang pagtawag sa labas. Nilingon ko ang nakabukas na bintana at nang hindi ko makilala ang taong naroon sa labas ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto saka binuksan iyon. "Hi," nakangiting bati ni Drew saka kumaway pa. Sa kanang kamay niya ay napansin ko ang isang palumpon ng bulaklak. "Good morning." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil masama ang pakiramdam ko. Nahihilo na naman ako kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa seradura ng pinto. Wala na akong pakialam kung wala sa ayos ang buhok ko. Ang importante ay hindi ako mabuwal. Nang hindi ko na makayanan ang pagkahilo, ay kusa akong umupo sa bungad mismo ng pintuan at sumandal sa pader. Pumikit ako at ramdam ko ang ginaw kasabay ng tila mainit na pakiramdan sa buo kong katawan. "Help," usal ko matapos kong lumingon sa gawi ni Drew. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ng mukha niya dahil agad kong ipinikit ang aking mga mata. Para kasing may mainit na lumalabas sa mga mata ko. "Rosel," dinig kong wika ni Drew. Pinangko niya ako at dinala sa sopa. "Ang init ng katawan mo. Nilalagnat ka." Wala akong imik. Nakapikit lang ang mga mata ko. Hindi man ako komportable sa pagkakahiga ay ayos lang. At least may taong dumating para tulungan ako. "Uminom ka na ba ng gamot?" dinig kong tanong ni Drew. Umiling ako. Hindi ko kayang magsalita lalo pa't nanunuyo na ang aking lalamunan sa sobrang pagkauhaw. "Wait here. Kukuha lang ako ng gamot." Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero nang bumalik siya ay may dala na siyang gamot. Ipinainom niya sa akin iyon at ilang sandali pa ay kinumutan niya ako. "Kailangan kang matingnan ng doktor." Dinama niya ang noo ko. "Ang taas ng lagnat mo." "Thanks," paos kong saad. "F-for helping me." "Shhh... Take a rest. Tatawag ako ng doktor." Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Nakatulog kasi ako matapos uminom ng gamot at nang magising ako ay nakangiting mukha ni Drew ang nasilayan ko. "Hey," saad niya at agad kong napansin ang paglabas ng biloy niya sa kaliwang pisngi. Nakatayo siya sa may paanan ng kama at nakapaloob ang magkabila niyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon. "You scared me. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo kanina." Dahan-dahan akong bumangon at nagulat ako nang mapansing narito ako sa aking kuwarto at nakahiga sa kama. Hinawakan ko ang aking ulo, ramdam ko pa rin ang pagkahilo pero hindi na gaya kanina na para akong mabubuwal. "Naroon ako sa sala kanina," bulong ko. "Yup! Dinala kita rito para komportable ka sa pagkakahiga." Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama. "Ang taas ng lagnat mo kanina." "Salamat sa tulong," nauutal kong saad dahil nahihiya ako sa kaniya. Tinulungan niya pa rin ako kahit na hindi naging maganda ang pag-uusap namin kahapon sa coffee shop. "Huwag mo ng isipin 'yon. Ang importante ay gumaling ka dahil may utang ka pa sa akin." Tumawa siya saka may kinuha sa bedside table. "You need to eat this para gumaling ka." "Ako na." Pilit kong inaabot ang isang mangkok ng lugaw pero tumanggi siya. "No. I'll feed you." Inilapit niya sa bibig ko ang kutsara na may lamang lugaw. "Say ahhh." Nagpatianod na lang ako, ibinuka ko ang aking bibig at kinain ang lugaw. Naiilang ako sa sitwasyon namin. Wala kaming imikan habang sinusubuan niya ako ng lugaw. Hindi ko siya masyadong kilala pero narito siya para alagaan ako. Masama ang impresyon sa kaniya ng mga kaibigan ko, pero tila kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Dama kong mabait siya at maginoo base na rin sa naging karanasan ko nang una kaming magkakilala. Oo, hinalikan ko siya, pero sa kabila noon ay hindi pa rin niya sinamantala ang pagkakataong iyon. Pinatuloy niya ako at inalaagaan sa condo niya. "Drink this medicine," saad niya na ikinagulat ko. Wala na palang laman ang mangkok at inaabot na niya sa akin ang gamot. "Thanks," usal ko at ibinaba ang aking paningin dahil dama kong nangingiti siya. Titig na titig kasi ako sa mga mata niya at napansin kong kinindatan niya ako. Parang gusto kong lumubog sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kaniya. Para akong isang teenager na natutulala kapag nakikita ang crush. Nakakahiya! Samantalang kahapon ay halos sigawan ko na siya sa sobrang galit dahil sa ginawa niya sa mga kaibigan ko. "Take a rest, Rosel." Inalalayan niya ako sa paghiga saka tumayo matapos ayusin ang kumot sa katawan ko "Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako." Muli siyang ngumiti saka dinama ang noo ko gamit ang kanang palad niya. "Thanks, God. Bumaba na ang lagnat mo." "Salamat ulit sa tulong mo," usal ko at agad na ipinikit ang mga mata sa sobrang hiya. ************* Nagising akong basa ng pawis ang buong katawan ko. Bumangon ako at napansin ko ang isang pares ng damit ko na naroon sa aking paanan. Palagay ko ay si Drew ang naglagay niyon habang tulog ako kanina. Nang masigurong nakasara ang pinto ay mabilis akong nagbihis. Medyo magaan na ang pakiramdam ko kaya tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Naroon si Drew sa sala, tulog sa mahabang sopa habang naka-on ang laptop sa mesita. Tila nakatulog siya sa sobrang pagod dahil may hawak pa siyang ballpen sa kanang kamay. Umupo ako sa pang-isahang sopa sa tapat mismo ng kinahihigaan niya at pinagmasdan ang kabuuan niya. No wonder, binalaan ako ng mga kaibigan ko na huwag mahulog sa lalaking ito. Sa unang tingin pa lang ay halata mo na sa hitsura niya ang angking kakisigan. Isa iyon sa mga bagay na umaagaw ng atensiyon ko sa tuwing may nakikilala akong lalaki. Sa hitsura at ugali ni Drew ay hindi malabong mahulog ako sa kaniya. Iwinaksi ko sa aking isipan ang bagay na iyon. Hindi ko dapat iniisip ang ganoong bagay. Katatapos lang ng hiwalayan namin ni Robert at hindi maganda na nagkakagusto agad ako sa ibang lalaki. Nagising si Drew nang tumunog ang cellphone niya na naroon sa tabi ng laptop. Nangunot saglit ang noo niya at ilang segundo ang dumaan ay napangiti siya. "How are you feeling?" "Medyo okay na ako," tugon ko saka itinuro ang cellphone na kanina pa tumutunog dahil may tumatawag. Agad niyang dinampot ang cellphone saka nagsalita, "Please cancel that meeting. I won't make it this afternoon." Ibinalik niya ang cellphone sa tabi ng laptop saka tumayo at nilapitan ako. Muli, ay dinama na naman niya ang aking noo. "Much better," usal niya. "I told you, okay na ako." "But still you need to drink your medicine." "Simpleng lagnat lang ito, Drew." Muli siyang bumalik sa mahabang sopa at pinakatitigan ako. "Mag-isa ka lang sa bahay na ito?" Tumango ako. "Sa probinsiya nakatira ang mga magulang ko." "Then I would take care of you," seryosong saad niya. Uminit ang pisngi ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na maririnig ko 'yon sa labi niya sa pangalawang pagkakataon. 'Yon din kasi ang sinabi niya sa akin kahapon. "Thanks, but I can take care of myself. Sanay akong mag-isa. In fact more than five years na akong nakatira mag-isa rito." May pagmamalaki sa boses ko. Mag-isa ko kasing ipinundar ang bahay na ito noong namamasukan pa ako sa kompanya. "Still, I can take care of you," mahina niyang saad pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko. Tumayo na lang ako at nagpunta sa kusina para magluto dahil dama ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Hinayaan ko na lang si Drew sa sala. Isa pa, ayoko ng magtagl pa roon dahil hindi ko gusto ang huling sinabi niya. "No need to cook," dinig kong saad niya matapos kong buksan ang fridge para maghanap ng mailuluto. "I have already ordered lunch for the two of us." Nang lumingon ako ay naroon siya nakatayo sa pintuan ng kusina. Nakangiti na naman siya habang papalapit sa akin. Natutulala ako sa mga titig niya. Iba talaga ang dating niya sa akin. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang long sleeve na kulay asul. Nakatupi ang manggas niyon hanggang siko at hindi nakatakas sa paningin ko ang ugat na naroon sa braso niya. Namalayan ko na lang ang tunog ng pagsara ng fridge. Isinara niya pala iyon at halos hindi ako makahinga dahil isang dangkal na lang ang pagitan ng katawan namin. Nakatitig na naman siya sa mga mata ko. "Dapat isasara mo agad ang fridge para hindi mataas ang bayarin sa kuryente," bulong niya. Napapikit ako dahil ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Nakatikom lang ang bibig ko dahil nahihiya aking magsalita at baka maamoy niya ang aking hininga. Kagabi ang huling pag-toothbrush ko at hindi ko na nagawa pa kanina dahil nga nilagnat ako. Sh*t! Nakakahiya talaga. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "About what I have said yesterday, Rosel, I mean it." Hindi ko siya sinagot, nakatikom lang ang bibig ko dahil wala talaga akong plano magsalita dahil nahihiya ako sa hitsura ko. Wala pa akong ligo at gulo-gulo ang buhok ko. At higit sa lahat ay hindi pa ako nagto-toothbrush. "I really like you," usal niya pa kaya lalong kumunot ang aking noo. "That night I know—" Natigil ang pagsasalita niya nang tumunog ang doorbell tanda na may tao sa labas. Bumuntong-hininga siya. "Baka 'yan na ang lunch natin." Nagpaalam siya na lalabas muna kaya tila nabunutan ako ng tinik. Dali-dali akong pumasok sa aking kuwarto at nagtungo sa banyo para mag-toothbrush. Nakakahiya talaga. Ngayon lang ito nangyari sa akin na lumabas ako ng aking kuwarto ng hindi man lang nagto-toothbrush. Naghilamos na rin ako at nagsuklay ng buhok para maayos tingnan. Nang muli akong lumabas ay maayos na nakahain sa mesa ang mga pagkaing inorder ni Drew. Dumulog na ako sa mesa dahil kanina pa talaga ako nagugutom. "About your friends," saad ni Drew sa kalagitnaan ng pagkain. "They can have their position back in the company. Sadyang nagkaroon lang ng misunderstanding sa HR kaya ganoon ang nangyari." Natigilan ako. Bakit ganoon kabilis magbago ng isip niya? Sinisante niya noong nakaraang araw ang dalawa kong kaibigan, tapos ngayon ay pababalikin niya sa kompanya? "I doubt kung bumalik pa sila sa kompanya mo," inis kong saad. Hindi ko talaga maitago ang inis na nararamdaman ko sa lalaking ito sa tuwing naiisip ko na dahil sa kaniya ay nawalan ng kabuhayan ang dalawa kong kaibigan at ngayon ay hirap na hirap sila makakuha ng bagong trabaho. "I admit, kasalanan ko naman talaga. Well, sana bumalik sila sa kompanya." Uminom ako ng tubig. "We will see. Sheena will be working for me next week. So malamang hindi na siya babalik pa sa kompanya mo. Anyway, noon ko pa naman sila sinasabihan na mag-resign na sa kompanya dahil hindi talaga sila aasenso sa pagiging empleyado." Napangiti siya. "Nice mindset. But did you know na hindi lahat ng negosyante ay umaasenso? At hindi lahat ng empleyado ay naghihirap. It's just a matter of luck. Kung aasenso ka, aasenso ka talaga." Kinuha niya ang baso at uminom. "Still, I don't like the idea of being an employee forever." Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at hindi siya pinansin pa. Seryoso siyang tumingin sa gawi ko."And I really don't like the idea of being just an employer." Sinalubong ko ang mga titig niya. "You own a company, so whether you like it or not you are an employer." "I said I don't like being just an employer." Nangunot ang noo ko. Ilang minuto rin ang dumaan bago ko nakuha ang ibig niyang sabihin. "So what do like aside from being an employer?" "I want to be your boyfriend," pormal niyang saad habang titig na titig sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD