Chapter 2

1617 Words
Init ng papasikat na araw ang nagpagising sa aking kamalayan. Ayokong imulat ang aking mga mata, pinakikiramdaman ko ang aking paligid pati na ang aking katawan. Wala naman akong nararamdamang masakit sa ibabang bahagi ng puson ko. Unti-unti ay iminulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid. Bukas ang bintana kaya malayang nakapasok ang sikat ng araw. Dahan-dahan akong bumangon nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Pinaghalong kulay abo at itim ang pintura ng kwarto. Maging ang mga muwebles ay gano'n din ang kulay. Napasandal ako sa headboard ng kama saka itinakip sa dibdib ko ang kumot sa sobrang pagkagulat dahil hindi lang ako ang nakahiga sa kwarto. Naroon sa tabi ko ang isang lalaki na nakasuot lang ng boxer's shorts. Iyon ang lalaking hinalikan ko sa bar kagabi. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at sa pangalawang pagkakataon ay pinakiramdam ang aking katawan. Wala namang masakit sa akin. Nahihilo lang ako at natural na 'yon dahil uminom ako ng alak kagabi. Pero tila may kakaiba sa katawan ko. Iniangat ko ang kumot para makasiguro. Halos himatayin ako nang masilip ko sa ilalim ng kumot na wala akong suot pang-itaas. Tanging boxer's shorts lang na superman inspired. Parehas kami ng suot na boxer's shorts. No! Ibinalabal ko sa buong katawan ang kumot at dahan-dahang bumangon. Kailangan kong makaalis dito nang hindi namamalayan ng lalaking katabi ko sa kama. Nakakahiya. Nagpunta ako sa banyo para hanapin ang suot kong damit kagabi at laking tuwa ko nang makitang maayos iyon na naka-hanger doon. Nakahinga ako nang maluwag matapos maligo at naisuot ko na ang aking damit. Matapos suklayin ang aking buhok ay dahan-dahan akong lumabas ngunit napatalon ako sa gulat nang mapansin kong nakatayo sa may pintuan ang lalaki. Nakangiti siya sa akin na parang walang nangyari. "Hi, good morning," masiglang bati niya. Hayun na naman ang boses niya. Baritonong boses na ewan ko kung bakit gustong-gusto kong mapakinggan. Nakasuot na siya ng pants at dress shirt at tila handa ng pumasok sa opisina. "Good morning din." Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. Hiyang-hiya talaga ako sa kaniya. "Breakfast is ready. It's a pleasure eating breakfast with you. Please join me." Ewan kong bakit tila kakaiba ang pakahulugan ko sa sinabi niyang 'eating.' Tila kasi may diin ang pagkakabigkas niya ng salitang iyon. "I won't take no for an answer," muli niya saad nang nakangiti. Nagpatianod na lang ako. Wala naman sigurong mawawala kung kakain ako ng almusal kasama niya. Siya naman nag-offer at saka gutom na rin ako dahil hindi ako kumain kagabi dahil sa problema ko. Muling bumangon ang galit sa dibdib ko nang maalala ang paghihiwalay namin ni Robert. Walanghiya siya! Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito. Hindi naman ako pupunta kagabi sa bar kung hindi siya nakipaghiwalay sa akin. Hindi ko sana hinalikan ang lalaking kasama ko ngayon. Hindi sana ako napapahiya nang ganito. "No doubt, you're starving," komento niya nang marinig ang pagtunog ng tiyan ko. Ngumiti pa siya kaya tila lalo akong nanliit sa sobrang hiya. "I'm sorry for kissing you last night," wika ko sa harap ng pagkain. "My friends dare me to kiss the first single man that would go inside that bar. And you happen to be that man. I'm sorry." "Single," tugon niya matapos humigop ng kape. "Why bother saying sorry if it's just a dare?" Napansin ko ang ngisi sa labi niya. "You know. Mga lasing na kami kagabi at napagkatuwaan ka namin. Again, I'm sorry." Diretso siyang tumingin sa mga mata ko. "Again, why bother saying sorry if it's just for fun? To tell you frankly, I did enjoy your kisses." Ngumiti siya nang matamis. Ibinaba ko ang aking paningin at pinaglaruan ang cereals sa bowl. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Para akong matutunaw sa mga titig niya, sabayan pa ng pag-iinit ng pisngi ko. Sigurado akong pulang-pula na ako sa sobrang hiya. "By the way, I'm Andrew," wika niya matapos kaming mag-almusal. Inilahad niya ang kanang kamay sa akin. "Rosel." Kinamayan ko siya. "I'm sorry again." "Can I have a favor, Rosel? Stop saying sorry. You did nothing." Naglakad siya papunta sa living room kaya sumunod ako. "Salamat at naintindihan mo ako. Anyway I have to go. Salamat sa pagpapatuloy sa akin at sa almusal." "Ihahatid na kita." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng condo niya. "Nakakahiya sa 'yo. Nakakaabala na ako. May taxi naman na dumadaan." Nangunot ang noo niya at tila galit nang magsalita, "No. Responsibilidad kita at ayokong may masamang mangyari sa 'yo. Ihahatid kita sa bahay n'yo." Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinasakay ako. Sumunod na lang ako dahil determinado siya na ihatid ako pauwi. Sa daan ay hindi ko maintindihan kung bakit tila sinesermunan niya ako. Pinapaalalahanan niya ako na huwag na huwag akong pupunta sa kung saan-saang bar nang walang matinong kasama. Anong palagay niya sa mga kaibigan ko? "Matitino naman ang mga kaibigan ko," protesta ko. Kung makapag-react kasi siya, akala niya mapapariwara ako. "Kagabi lang sila nalasing nang husto dahil masama ang loob nila sa amo nilang si Lucifer. Na-lay off kasi sila sa trabaho." "And they blame their boss?" "Parang gano'n na nga. Imagine, ha, seven years na silang nagtatrabaho sa kompanyang iyon, tapos bigla na lang silang tatanggalin?" "What company?" Hindi na ako nakasagot dahil tumigil na sa harap ng bahay ko ang kotseng sinasakyan namin. Pansin ko ang mga tsismosang kapitbahay ko na nagsilabasan nang makita ang kotseng kinalululanan ko. Bagong model kasi iyon ng sikat na brand ng kotse at iilang tao lang ang nagmamay-ari ng gano'ng model dito sa Pilipinas. "Thank you, Mr. Drew," saad ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko pansin ang mga kapitbahay na nakatingin sa amin. "Just call me, Drew." Tumango lang ako at akmang tatalikod na nang hawakan niya ako sa braso. "Won't you invite me in?" Napaawang ang labi ko nang mapansin ko ang pagngisi niya. "I want to, but you said you have an urgent meeting today. Perhaps, some other time." Nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong hindi pwede, samantalang maayos niya akong tinanggap sa pamamahay niya. Lumuwang ang pagkakangiti niya. "How about this coming weekend?" Tumango lang ako at muling nagpasalamat. Alam ko naman kasi na hindi mangyayari na pumunta siya ulit dito sa lugar namin. Hindi siya nababagay sa lugar na ito. Masyadong halata sa pananamit at kotse na dala niya na nakakaangat siya sa buhay, samantalang mga karaniwang tao lang ang mga nakatira sa lugar namin. Nang makaalis na siya ay saka ko lang kinuha ang susi at binuksan ang bahay. Pabagsak akong umupo sa sopa nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Sumilip muna ako sa bintana saka binuksan ang pinto. "Ay, ang malandi." Kinurot ako ni Salvador sa tagiliran. "Gaga ka! Sinabi na namin sa 'yo na huwag mong lalapitan ang lalaking 'yon." "'Yon ang dare n'yo, di ba?" katwiran ko at muling umupo sa sopa. "Siya ang unang lalaking pumasok sa bar." "Naku, naku, Bes." Umikot ang mga mata ni Sheena nang umupo sa tabi ko. "Hindi mo kilala ang lalaking 'yon. Ang sama ng ugali no'n." Napangiti na lang ako. Paano nila nalaman na masama ang ugali ni Drew, e, hindi naman nila kilala 'yong tao. Mabuti siyang tao, pinatuloy niya ako sa condo niya at inalagaan. Naalala ko pa nang magsuka ako sa banyo niya. Binuhat niya pa nga ako dahil hindi ko talaga kayang maglakad. "May ginawa siya sa 'yo, Bes?" Titig na titig sa akin si Salvador. "Huwag siyang magkakamali, hahampasin ko siya ng tubo." "Anong nangyari kagabi, Rosel?" nag-aalalang tanong ni Sheena. "Bigla mo na lang kaming iniwan. Hinabol ka namin pero mabilis ang walanghiyang 'yon. Kaagad kang ipinasok sa kotse at pinaandar iyon palayo. k********g 'yon." Tawa ako nang tawa sa hitsura nila. Parehas silang nakasimangot habang panay ang talak. Animo'y mga batang natalo sa laro. "Nakita namin na papalabas ang kotse niya," patuloy pa ni Sheena. "Hinatid ka rito? May nangyari ba sa inyo kagabi? Balita ko playboy ang lalaking 'yon." Itinaas ko ang dalawa kong mga kamay para patigilin sila. "Relax, walang nangyari sa amin kagabi, 'no. Inalagaan niya lang ako dahil nagsuka ako. Tapos 'yon, natulog na ako." Nagkatinginan silang dalawa na waring hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumayo si Salvador at namaywang. "Ano ba ang pinakain sa 'yo ng lalaking 'yon at tila ipinagtatanggol mo pa siya sa amin, ha?" "My god!" Ikinurus ni Sheena ang mga braso sa tapat ng dibdib niya at inirapan ako. "Hindi ako naniniwala na walang nangyari sa inyo, Bes. Kayong dalawa lang sa iisang kuwarto. Don't tell me nagrosaryo kayo kagabi?" Tinaasan ko sila ng kilay. Naiinis ako sa kanila dahil grabe kung makahusga samantalang hindi naman nila kilala 'yong tao. Magpasalamat na lang sila na walang masamang nangyari sa akin kagabi. "Ewan ko sa inyo." Sumandal ako at inirapan sila. "Mabait si Drew. Inihatid pa nga niya ako rito dahil ayaw niya na may masamang mangyari sa akin." "First name basis na pala kayo ng lalaking na 'yon," komento ni Sheena. "Wala namang masama roon." "God!" Natampal ni Salvador ang sarili niyang noo. "Rosel, ang taong 'yon, ang lalaking sinasabi mong mabait ay walang iba kundi si Lucifer, ang CEO ng kompanya na dati naming pinagtatrabahuhan ni Sheena." "Yup!" sang-ayon ni Sheena. "Ang walang puso na anak ng may-ari ng kompanya. At kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagtanggal sa amin ni Salvador sa kompanya." "What?" Napatayo ako sa sobrang pagkagulat. Hindi ko akalain na ang boss nila at ang lalaking hinalikan ko sa bar ay iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD