Chapter 3

1530 Words
"You must be kidding," mahina kong saad. Tila nanghina ang buo kong katawan nang makumpirma kong si Andrew nga ang boss nina Sheena at Salvador. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang katotohanang isiniwalat ng mga kaibigan ko. Dati na kasi nilang naikuwento sa akin ang tungkol sa anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan nila. Na hindi talaga nila gusto ang ugali nito dahil minsan na rin itong nagtrabaho sa sa kompanya bilang head ng operations bago tumulak patungong Amerika. Liban sa napakaistrikto nitong boss ay hindi nakakaligtas sa mapanuring mga mata nito ang kahit na kaliit-liitang pagkakamali ng empleyado. "Please do not fall in love with him, Bes," ani Sheena. Ramdam ko na titig na titig siya sa mukha ko. "Playboy ang Lucifer na 'yon. Kung sino-sinong babae ang kinakalantari ng lalaking 'yon." "True," sabat ni Salvador. Umupo siya sa pang-isahang sopa. "Kahapon lang, ha, may nagpuntang babae sa opisina niya and guess what?" Ipinatong niya ang kanang siko sa sandalan ng sopa habang panay ang kumpas sa ere ng kanang kamay. "Malandi ang Lucifer na 'yon." Tumaas ang kilay ni Sheena. "So nakita mo rin pala 'yon, Salve?" "Yes. Of course." Napangiti ako namg umirap si Salvador matapos umikot ang mga mata. Ganoon talaga ang mannerism niya kapag hindi gusto ang taong pinag-uusapan. May pagkakataon naman na hindi na siya nagkokomento pa dahil ayon sa kaniya ay mas mabuting itikom niya na lang ang sariling bibig kung wala naman siyang magandang sasabihin. "So I am warning you, Bes," muli na nang saad ni Sheena. "Do not fall on his charm. He is too dangerous. Wala kang mapapala sa lalaking 'yon." "And who told you that I would fall for him?" Nakakunot ang noo ko sa inis. Wala akong balak mag-entertain ng lalaki sa ngayon dahil hindi ko pa makalimutan ang nangyari sa amin ni Robert. Kung makapagsalita sila, akala mo naman ay agad akong mai-in love doon sa tao. Kawawa naman 'yong tao, pinag-iisipan nila ng masama. "Nasa mga mata mo ang ebidensiya, Rosel." Tinitigan ako si Salvador saka umiling. "Gosh, girl, ganyan din ang reaksiyon ng mga mata mo nang makilala mo si Robert. 'Yong bigla na lang mamumungay ang mga mata sa tuwing mababanggit ang pangalan kasabay ng pamumula ng pisngi." "At noong makilala niya rin si Ryan," dugtong naman ni Sheena. "Ganyang-ganyan ang reaksiyon niya, Baks." Umikot ang mga mata ko. Ipinaalala na naman nila si Robert. Imbes na hindi ko naalala ang nangyari kahapon ay umuukilkil na naman sa utak ko ang katrayduran ng lalaking iyon pati na ng pinsan kong si Mila. Unti-unting bumalong na naman ang luha sa mga mata ko. Sariwa pa ang sugat sa aking puso. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Ikinurus ko ang aking mga braso sa ibabaw ng aking dibdib saka isinandal ang aking ulo sa sopa. Tumingala ako para mapigilan ang pagbagsak ng luha sa aking pisngi. Masakit. Sobrang sakit. Tila konsolasyon lang ang sinabi sa akin ni Robert kahapon na maganda ako. Kung maganda ako, bakit siya nakipaghiwalay sa akin? Kung maganda ako bakit niya ako ipinagpalit sa iba? At ang pinakamasakit ay sa pinsan ko pa. Waring hindi talaga ako naging sapat sa kaniya kaya naghanap siya ng iba. "I am sorry, Bes." Tumabi sa akin si Sheena saka ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. Parang nakonsensiya siya nang banggitin niya ang pangalan ni Robert dahilan para mapaluha ako. "Hindi ko na dapat ipinaalala sa 'yo ang hayop na lalaking 'yon." "Ako rin, Beshie," dinig kong saad ni Salvador. "Promise simula ngayon hindi ko na rin siya babanggitin sa harap mo, di ba, Sheena?" "Yup! Promise." Gamit ang kaliwang kamay ay pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking pisngi. Ayoko ng lumuha pero tila isang balon ang aking mga mata na hindi mapigilan sa pagbagsak ng luha. Gusto kong makalimot pero papaano? Si Robert ang naging buhay ko nitong nakalipas na taon. Marami kaming alaala na hindi mawaglit sa aking isipan. "Okay lang 'yan, Bes." Niyakap ako ni Sheena. "Makakalimutan mo rin ang hayop na 'yon. Isipin mo na lang na patay na siya at tama lang na ipagluksa mo ang pagkamatay niya." Ramdam ko ang galit sa boses niya dahil pinagdiinan pa niya ang pagkakabigkas ng salitang patay. "Yes," masiglang tugon ni Salvador saka tumayo. "Kung gusto mo ipagtirik pa natin ng kandila para feel na feel natin ang paglukuksa." Ngumisi siya. "Para sa pa-siyam na araw o kaya para sa forty days niya." "Kaloka ka, Baks," angal ni Sheena na ngayon ay tatawa-tawa habang inaabot ang sariling bag na nakapatong sa mesita. "Pero teka, anong kulay ng kandila ba ang gagamitin natin? Puti ba o itim?" "Lukaret ka, Sheena. Pinapatawa ko lang itong si Rosel, sumakay ka naman." "May kandila ako rito, e. Teka hanapin ko lang." Binuksan na ni Sheena ang bag. "Patingin nga." Lumapit si Salvador sa gawi namin ni Sheena para tingnan kung may kandila nga sa bag nang biglang humalakhak ang huli. "Joke!" utas ni Sheena na di mapigil ang pagtawa dahil sa kuryusidad ni Salvador. Kinuha niya mula sa bag ang purse na kulay puti saka inabot sa akin. "'Yong purse ito ni Rosel na naiwan niya kagabi sa bar. "Luka-luka," bulong ni Salvador. "Akala ko pa naman may dala kang kandila talaga." Kahit galing sa pag-iyak ay tumawa na rin ako dahil sa hitsura ni Salvador. Tila gusto nitong batukan si Sheena pero hindi magawa dahil biglang tumayo ang huli at nagpunta sa likurang bahagi ng sopang kinauupuan ko. Para na tuloy silang mga batang naghaharutan. Matapos mananghalian ay nagpaalam na ang dalawa na aalis na dahil maghahanap pa raw sila ng trabaho. Matapos isara ang gate ay muli akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto para magpahinga nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Rumehistro sa screen ang pangalan ni Mama kaya lihim akong humiling na sana hindi niya pa alam ang tungkol sa amin ni Robert. Tiyak ko kasing masasaktan siya sa nangyari. Nakilala na kasi nila si Robert at ilang beses ko na rin siyang isinama kapag nagbabakasyon ako sa amin. "Rosel, anak," dinig ko ang malungkot na boses ni Mama sa kabilang linya. "Kumusta ka na?" "Mama, napatawag po kayo?" Pinilit kong maging masigla ang aking boses. "Anak, anong nangyari sa inyo ni Robert? Dumating ang Tata Vering mo kanina at inimbitahan kami. Ikakasal na raw sa katapusan ang pinsang mong si Mila at si Robert ang mapapangasawa niya. Akala ko ba, anak..." Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ng aking ina dahil bigla na namang tumulo ang masaganang luha ko. Alam na pala nila at may lakas ng loob pa si Tata Vering na imbitahan ang mga magulang ko sa kasal ng anak niya. Nakakasama ng loob ang ginawa nila. Tila nananadya na sila. Alam nila ang tungkol sa amin ni Robert pero kinukunsinti pa nila ang kanilang anak na si Mila sa katrayduran nito. Agad kong pinunasan ang aking luha. Ayokong mahalata ni Mama na umiiyak ako. "Mama, wala na po kami ni Robert." "Bakit, anak? Mabait naman si Robert. Bakit kayo naghiwalay?" "Siguro po, Mama," tugon ko at pilit na naghagilap ng mga salitang nararapat para hindi magulat ang aking ina. Alam kong masasaktan siya sa totoong dahilan ng paghihiwalay namin. "Hindi po kami para sa isa't isa. Huwag po kayong mag-alala, maayos po ako. Maayos po kaming naghiwalay ni Robert at masaya po ako sa kanila ni Mila." Parang hinihiwa ang puso ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hindi talaga matanggap ng puso ko ang nangyari pero pinipilit kong magpakatatag dahil sa dignidad ko bilang babae. Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Anak, kahit itanggi mo , pero nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Masakit makipaghiwalay sa taong mahal mo." "Mama..." "Magbakasyon ka muna, anak. Umuwi ka muna rito. Mas kampante ako kung nakikita kita. Ayokong pinagdadaanan mo ito na wala ako sa tabi mo. O kaya luluwas ako para alagaan ka." "Mama, naman." Tumawa ako. "Ginagawa n'yo po akong bata. Hindi na po ako alagain. Kaya ko po ang sarili ko. Matatag po ako at hindi-hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko." "Anak, nag-aalala lang ako sa 'yo. Alam kong matatag ka, pero kung gusto mo ng kausap, tumawag ka lang sa akin, ha. Kapag kailangan mo ako, lagi akong narito para sa 'yo." "Opo, Mama," sang-ayon ko para hindi na siya mag-alala pa. Ayokong bigyan siya ng alalahanin dahil tumataas ang presyon ng dugo niya kapag may nasasagap siyang problema sa aming pamilya. Matapos ang pag-uusap na iyon ay naligo ako para mawala ang sakit ng aking ulo. May hang over pa ako bunga ng paglalasing ko kagabi. Halos isang oras din akong nagbabad sa banyo at agad akong nagbihis nang maramdaman kong giniginaw na ako. Hindi na ako nag-abala pang magpatuyo ng buhok, humiga ako sa kama para matulog ngunit tanging alaala namin ni Robert ang sumasagi sa utak ko dahilan para muli na naman bumagsak ang aking luha. Umupo ako at kinuha ang aking cellphone. Pinasadahan ko ang contact at tinanggal ang pangalan ni Robert doon. Ito ang unang hakbang para makalimutan ko siya. Tatanggalin ko paunti-unti ang mga bagay na may kaugnayan sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD