XENOS' POV
✵✵✵
Nagising ako na tila may tumatawag sakin mula sa malayo. Pamilyar ang boses nito at hindi ko mapagtanto kung sino.
"Xenos! Xenos! Gumising ka anak. Labanan mo ang kadilimang iyan. Apo gumising ka. Sundin mo ang liwanag"
Teka... si lola. Oo yun nga! Boses iyon ni Lola.
"Lola! Lola wag niyo akong iwan. Lola magpakita kayo sakin. Please lola. Don't leave me here. Sasama ako sayo. Ayoko dito. Ayoko sa kanila. Please lola... please" umiiyak na saad ko.
"Sundan mo ang liwanag apo" saad nito kaya nilibot ko ang paningin ko.
Nasa isang napakadilim akong lugar ngayon. Wala akong makita kahit isa maliban sa isang puting dot ng liwanag na tila malayong-malayo sakin.
"Lola! Lola wag niyo akong iwan! Sasama ako sayo!" sigaw ko habang tumatakbo. I even tried to reach her out but I just can't. Kahit anong gawin ko tila hindi ako maalis sa pwesto ko.
Napasigaw ako nung tila nilamon ako ng liwanag. Sa sobrang nakakasilaw nito ay sinangga ko ang braso ko para takpan ang mga mata ko.
Naramdaman kong may yumakap sakin. Ang init ng kanyang yakap ay sobrang pamilyar.
Napaluha na naman ako. Anim na buwan. Anim na buwan ko ring hindi nararamdaman ang yakap niyang ito.
"Magpakatatag ka apo. Wag mong sayangin ang buhay na meron ka. Mahal na mahal kita Xenos tandaan mo yan. Kaya mo yan" bulong nito sakin.
And with that, kumawala ito sa yakap ko at unti-unting napalayo sakin.
"No! Lola wag niyo akong iwan dito! Lola!!!" Umiiyak na sigaw ko at agad na napabangon.
Sapo ko ang aking dibdib at huminga ng malalim. Kinapa ko ang mukha ko at basa ito sa luha't pawis.
Panaginip na naman.
Palagi ko yang napapaginipan tuwing -------
Agad akong napatingin sa wrist ko at bumuntong hininga.
"Sa twing ginagawa ko ito napapanaginipan ko si Lola" mahinang bulong ko at dahan-dahang hinawakan ang palapulsuhan kong may sugat na ngayon.
Napadaing naman ako sa ginawa ko. Tuyo na rin ang dugong nandito. Nang tingnan ko ang higaan ko ay may mga natuyong dugo rin dito. Haayst.
Masakit siya pero wala ng mas masakit at mas mabigat pa sa dinadala nitong puso ko ngayon.
Ito ang pangatlong beses na sinubukan kong kitilin ang buhay ko sa loob ng anim ng buwan mula ng mamatay si lola, pero para atang may sa pusa ako. Hindi agad nauubusan ng dugo. Buhay pa rin ako hanggang ngayon. Buhay na patay.
Agad ko namang pinunasan ang luha ko.
Ngayong araw ang ika- 6 months mula ng mamatay si lola at hanggang ngayon....di ko parin matanggap na iniwan niya na ako. Na mag-isa na lang ako sa mundong ito.
"Xenos bat ang tag--- aaaaahhh bat may dugo jan sa higaan mo?!"
Agad kong itinago sa likod ko ang kamay ko na sinugatan ko kagabi at hinarap ni ate Abby na ngayo'y nakatayo sa pintuan ko.
"Ahm.. ano kase Ate Abby. May period po kase ako ngayon kaya ganun" pagsisinungaling ko.
Kununot ang noo nito bago ako tinaasan ng kilay.
"Siguraduhin mo lang. By the way, paki bilisan mo na jan at galit na galit na si mama dahil hindi ka pa nakapagsaing" ani nito sabay alis.
Napabuntong hininga naman ako bago pumasok sa banyo at nilinis ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo ay ginamot ko na ang sugat ko bago sinuot ang wrist band ng hindi nila makita ang sugat at mga peklat sa palapulsuhan ko.
Bago lumabas ng maid's quarter ay tiningnan ko muna ang oras. Patay! malapit na mag 5 am. Pero himala. Ang aga nagising ni Ate Abby ngayon. May lakad ba siya?
Pagkarating ko sa kusina ay nadoon na si mama. Babatiin ko sana ito ng magandang umaga ng inirapan ako nito.
"Hindi ka namin pinakain at pinatira dito para mag-ala prinsesa ka Xenos. Maglinis ka na nga dun. Ako ng bahala sa almusal. Baka lasunin mo pa sina Teddy at mga anak namin" ani mama na siyang nagpalunok sakin.
Makapagsalita si mama kala mo naman hindi niya ako anak. Tsaka, wala naman akong plano na lasunin sila. Ayokong magkasala dahil lang dun.
At dahil ayaw niyang nasa kusina ako which is edi wow para sakin ay umalis na lang ako dun at pumunta sa sala upang maglinis ng kalat.
Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng sabay na bumaba sina Troy at Anna. Kapwa nakasuot na ito ng uniforme.
"Xenos linisin mo rin ang kalat sa kwarto ko. At pag may mawala dun lagot ka talaga sakin" ani Anna kaya tumango na lang ako.
"Akin rin Xenos. Wag mong kalimutan" sabat naman ni Troy bago sila pumasok sa kusina.
Matanda lamang ako ng isang taon kina Anna at Troy pero kung makaasta sila parang hindi nila ako ate. Si Abby lang yung ginagalang nila.
Haayst sabagay. Hindi naman kapamilya ang tingin nila sakin so bakit pa ba ako nagrereklamo dito?
Matapos ko sa sala ay agad akong pumunta sa garden. Mamaya ko na lang linisin ang kwarto nina Anna at Troy. Tutal wala naman kaming klase ngayon dahil----
"Family day niyo ngayon tama ba Anna anak?" rinig kong tanong ni Tito Ted. Ayaw niya dawng tinatawag ko siyang papa dahil hindi niya naman daw ako anak.
"Opo papa. So sino ang pupunta samin? Ikaw o si mama?" Tanong ni Troy.
"Nako anak tinatanong pa ba yan edi kaming dalawa ng papa niyo. Right honey?" saad naman ni Mama.
"Basta ma wag niyong kalimutang pumunta sa room ha. Gusto daw kayong kausapin ni Ma'am. Tsaka for attendance na rin" Sabat naman ni Ate Abby.
"Sige bilisan niyo na jan at para sabay-sabay tayong pumunta sa paaralan niyo ngayon. Anong oras ba magsisimula ang program?"
Hindi ko na pinakinggan ang kung ano mang sasabihin nila dahil umakyat na ako sa kwarto ni Anna ng malinisan ko na iyon.
Haayst buti pa sila sasamahan nina mama at Tito Ted. How about me naman? Wala si Lola kaya wala ng mag-aattend sakin.
Minutes later narinig kong tinawag ako ni mama kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ni Troy at bumama patungong sala. Tapos ko na kaseng linisin ang kwarto ni Anna kani-kanina lang.
Akala ko nagbago ang isip nila at isasama nila ako patungong school pero hindi pala.
"Make sure to luck the doors pati na yung mga bintana. Pag may nawala dito dahil sa kapabayaan mo, hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka. Understood?" Napatango na lang ako dahil sa sinabi nito.
"Opo" sagot ko.
After that ay sabay silang sumakay sa kotse at umalis.
Tahimik lang akong nakatanaw sa kanila. Nang mawala sila sa paningin ko ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.
"What a life" komento ko at nagsimulang maglinis na para makapasok na ako sa paaralan.
Pagpasok ko sa kwarto ni Troy para maglinis ulit ay napangiti ako ng makita ko ang isang guitar sa gilid ng higaan nito.
Noon pa man gustong-gusto ko na talagang magkaroon ng guitara. Buti pa si Troy kahit hindi marunong nito binilhan haayst.
Kinuha ko ang guitar at umupo sa kama bago nagsimulang mag strum.
Nang makaisip ako ng kakantahin ay mapait akong napangiti.
"This is for you lola" mahinang saad ko at nagsimula ng kumanta.
When you walk away
I count the steps that you take
Do you see how much
I need you right now
When you're gone
the pieces of my heart are missing you
when you're gone
the face I came to now is missing too
When you're gone
the words i need to hear
Will always get me through the day
and make it ok.... I miss you
"I miss you.... I miss you lola" bigkas ko sabay punas ng luha ko.
Nilapag ko ang guitar sa kama bago umupo sa sahig at sumandal sa kama.
Niyakap ko ang binti ko at ibinaon doon ang mukha ko.
"I miss you lola. Miss na kita. Bumalik na po kayo. Wala na pong sasama sakin sa family day namin ngayon. Wala ng magtatanggol sakin pag aawayin ako nina Ate Abby. I miss you lola. Miss na kita. Miss na miss na po kita" sabi ko at humagulgol na.
-----
A/N: Song mentioned above is entitled "When You're Gone" by Avril Lavigne ❤️