“MA’AM DANA, kain na po kayo. Nakahanda na po ang pagkain ninyo sa dining table.” Nilingon ni Dana ang pinanggalingan ng tinig. Nakatayo malapit sa kanya si Manang Mercy. “Sige po, Manang. Susunod na ako,” wika niya. Agad namang umalis ang kasambahay. Tanghalian na pala. Hindi na niya namalayan ang oras. Kanina pa kasi siya nakababad sa f*******: niya. Napatingin si Dana sa grandfather clock. Mag-aalas dose na pala ng tanghali. Tumayo siya habang bitbit ang kanyang cellphone. Malapit na siya sa dining room nang marinig niya ang pag-chime ng grandfather clock. Alas dose na talaga, sambit niya sa sarili. Nang makarating siya sa dining table ay nagulat pa siya nang makitang napakaraming pagkain na nakahain doon. Ganoon ba talaga ang mga mayayaman kapag kakain? Kailangan ba talagang m

