Chapter 19

2209 Words

“ANG GAGANDA nila,” pilit ang ngiting wika ni Dana nang ibalik ang phone kay Dave. “Maganda ka rin naman, ah,” nakangiting sambit ni Dave. Tumaas ang kilay ni Dana. “Pero mas maganda sila kaysa sa akin,” giit niya rito. “Kaya nagtataka ako kung ano ang nagustuhan mo sa akin gayong ang layo ng mukha ko sa kanila,” hindi niya mapigilang sabihin iyon. Napa-buntunghininga si Dave. “Hindi lang naman iyong mukha ang basehan para magustuhan mo ang isang tao,” saad nito. “Okay. Granting, gano’n nga iyon. Pero ano nga bang nagustuhan mo sa akin? Mas nakakaangat naman ang mga ex mo kaysa sa akin,” naguguluhang sambit niya. Tinitigan siya ni Dave. Akmang magsasalita ito nang bigla na lang tumunog ang hawak nitong cellphone. Natuon ang atensiyon nito sa cellphone. “Si Uncle tumatawag,” sabi nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD