Chapter 18

2274 Words

“SIR DAVE, Ma’am Dana, may nakahandang miryenda po para sa inyo doon sa dining room,” wika ni Manang Mercy nang lumapit ito sa dalawa. “Salamat po, Manang,” ani Dave. Ngumiti lang ang kasambahay bago ito umalis. Binalingan naman ni Dave si Dana. “Halika na. Mag-miryenda muna tayo,” yakag nito. “Miryenda na? Bakit anong oras na ba?” nagtatakang tanong ni Dana. “Ten-thirty na,” sagot ni Dave nang ituro nito ang grandfather’s clock na nasa isang sulok ng sala. “Ang bilis naman ng oras. Halos dalawang oras na pala tayong nag-uusap dito,” sabi ni Dana. Inilapag niya ang shoulder bag sa sofa saka siya tumayo. “Hindi na natin namalayan ang oras dahil napasarap tayo sa kuwentuhan,” saad naman ni Dave. “Halika na, kumain muna tayo,” muling anyaya nito. Tumango naman si Dana. Pagdating nil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD