“TARA, doon tayo sa game room. Maglaro tayo ng billiards,” yakag ni Dave nang tumigil ito sa pagtawa. Umiling si Dana. “Iyan ba ang larong sinasabi mo? Hindi naman ako marunong maglaro ng billiards. Larong panlalaki iyon, hindi ba?” “Hindi lang naman lalaki ang naglalaro ng billiards. May mga babae rin naman. Halika, tuturuan kita,” anito nang tumayo. Akmang hihilain nito ang kamay ni Dana ngunist iwinasiwas ito ng dalaga. “Ayoko. Hindi ako interesado sa billiards,” diretsahang amin ni Dana. Muling bumalik sa pagkakaupo si Dave. “Kung ayaw mo, mag-swimming na lang tayo. May pool sina Uncle doon sa likod.” “Swimming talaga? Seryoso ka ba? Ang lakas na nga ng ulan gusto mo pang lumabas. Saka ang lamig ng tubig ngayon, ah,” katwiran ng dalaga. “Pagkatapos nating mag-swimming, diretso ta

