“MABUTI naman at nakauwi ka na rin. Buong akala ko talag, hindi ka na pauuwiin ng mokong na iyon,” nakataas ang kilay na bati ni Ira nang pumasok si Dana sa boarding house. “Sino namang mokong ang tinutukoy mo?” kunot-noong tanong niya. “Sino pa ba? Eh, di, si Dave, iyong driver,” agad nitong sagot. “Correction, hindi siya mokong. Saka ano naman ngayon kung driver siya? Anong masama doon? Marangal namang trabaho iyon, ah,” katwiran niya rito. “Wala naman akong sinabing hindi marangal ang trabaho niya, ah. Ang sa akin lang, hindi porke’t guwapo siya, papatol ka na doon sa tao. Paganahin mo naman iyang utak mo, friend. Hindi lang iyang puso at pakiramdam ang dapat pairalin. Bata ka pa. Marami pang darating. Pumili ka naman nang maayos,” makahulugang pahayag ni Ira bago ito bumalik sa hi

