HINDI NAGTAGAL ay nakarating na sila sa harapan ng Imperial Tower. Naunang bumaba si Dave. Pinagbuksan nito si Dana. “Anong oras ka uuwi mamaya?” tanong ng binata nang makalabas si Dana. “Hindi ko pa alam. Pero siguro hindi pa kami mag-o-overtime kasi katatapos lang namin ng quarterly report,” tugon ni Dana. “Sige, nandito na ako ng alas singko,” wika ni Dave. Umiling si Dana. “Alas sais ang uwian namin,” sabi naman ni Dana. “Matagal kang maghihintay kung pupunta ka rito nang maaga,” dagdag pa niya. “Okay lang. Sanay naman akong naghihintay sa iyo,” nakangiting saad ng binata. Napataas ang kilay ni Dana. “Bahala ka na nga. Sige, salamat sa paghahatid. Tutuloy na ako sa loob,” wika ng dalaga. Hahakbang na sana siya ngunit hinawakan ni Dave ang braso niya. Awtomatikong napatingin siya

