“HINDI MO ba nagustuhan?” tanong ni Dave nang hindi pa rin kumikilos si Dana para tanggapin ang bulaklak. “Ay, gusto niya iyan. Ginulat mo lang kasi siya kaya hindi siya agad makapag-react,” tugon ni Missy sabay siko kay Dana. “Hoy, bruha! Akala ko ba gusto mong makatanggap ng bulaklak? Bakit hindi mo pa tinatanggap? Baka akalain ni Dave, ayaw mo,” pabulong nitong sabi sa kaibigan. Para namang natauhan si Dana. Agad niyang tinanggap ang bulaklak. “Salamat, ha?” animo’y nahihiyang sambit pa niya. “Walang anuman,” nakangiting wika ni Dave. “Ah, bago ang lahat, ako’y magpapaalam na. Kalabisan na yata ang aking presensiya. Mahirap namang maging third wheel ako sa inyong dalawa,” maarteng sabi ni Missy. “Bye! See you tomorrow,” dagdag pa nito bago tumalikod. Tahimik namang parehong sinund

