“AKALA ko ba uuwi ka nang maaga ngayon. Bakit ginabi ka naman yata? May dala ka pang bulaklak. Nakipag-date ka ba?” puna ni Ira nang dumating si Dana sa boarding house nila. Napatingin si Dana sa hawak na bouquet. “Ibinigay ito ni Dave sa akin. Tapos kumain kami ng dinner doon sa bahay ng Uncle niya. Kaya medyo na-late ako ng uwi,” paliwanag niya sabay lapag sa bag at bulaklak sa kanyang higaan. Napaismid si Ira. “Pumaparaan iyang manliligaw mo, ah. Kunwaring nagbibigay ng bulaklak para lang madala ka niya kung saan-saan.” Napa-buntunghininga si Dana. “Ira, hindi naman gano’n si Dave. Dati na akong nakarating sa bahay ng Uncle niya. Saka kumain lang kami tapos inihatid din niya ako kaagad pauwi. I’m sure nag-effort din siya dito sa bulaklak na ibinigay niya. Baka pinag-ipunan pa niya it

