Chapter 11

1701 Words

“BAKIT ginabi ka na namang umuwi?” tanong ni Dave nang magsimula na silang bumiyahe. “Nag-overtime kami para doon sa quarterly report,” tugon ni Dana. “Sanay ka na talagang umuuwi ng gabing-gabi, ano? Hindi ka ba natatakot para sa sarili mo? Kababae mong tao, nagtitiyaga kang mahintay ng sasakyan kahit mag-isa mo lang,” sita ni Dave. Napa-buntunghininga si Dana. “Wala akong magagawa. Gano’n talaga ang trabaho ko, eh. Wala naman akong pambili ng sasakyan para sana may service ako tuwing papasok at uuwi.” “Hindi mo kailangan ng sariling sasakyan kung may boyfriend ka naman na willing magsundo at maghatid sa iyo.” Napaismid si Dana. “Wala nga akong boyfriend, eh. Ang kulit mo,” iritadong wika niya. “Wala ngang boyfriend. Pero ayaw namang magpaligaw,” halos pabulong na sambit ni Dave. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD