Chapter 6

1074 Words
"Paolo, bakit mo naman sinagot nang ganoon iyong matanda?" tanong ni Carmela. "Caramel, hindi mo ba narinig kung paano niya tayong sinermunan na akala niya yata ay may inambag siya sa buhay natin," nasa tinig ni Paolo ang pagkadismaya. "Hindi mo na lang sana siya sinagot. Matanda na iyon. Kawawa naman." "Ikaw pa naawa sa kanya? Samantalang ininsulto na nga niya tayo." "Tama naman kasi ang mga sinabi niya sa atin. Baka concern lang siya." "May concern bang ganoon? Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lang ang matandang iyon. Hindi naman niya tayo kilala. Ako na lang ang intindihin mo, Caramel, dahil malapit na akong mapikon sa'yo! Aba'y kanina ka pa ganyan diyan!" "Naawa lang kasi ako sa matanda," nakayukong wika niya sa nobyo. Iniangat nito ang kanyang baba. "Caramel, huwag mong masyadong pinapagana ang puso mo. Kapag ganyan ang ginawa mo'y panigurado na maraming mang-aabuso sa'yo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Carmela?" dagdag na wika nito nang hindi pa siya sumagot. "Oo." "Halika na. Kalimutan na natin ang mga nakasakay nating tao sa jeep. Hindi na rin naman natin sila muling makikita. Huwag mo ng isipin ang mga iyon." Habang nasa mall sila ay hindi kataka-taka na marami talagang napapalingon kay Carmela. Sa taglay nitong kariktan ay sino nga ba naman ang hindi magse-second look sa kanya. Tisay at kapansin-pansin pa ang magandang hubog ng katawan nito kahit nasa murang edad pa lamang ito. Nang una ay lalong napapaliyad ang dibdib ni Paolo at taas ang noo dahil sa pagiging proud na nobyo nito sa kanya. Ngunit kalaunan ay naramdaman na niya ang pagkayamot nito. "Carmela, pwede ba ayusin mo ang sarili mo?!" iritableng sabi nito sa kanya. "Ha?! Alin?" Inayos niya ang kanyang buhok na nakapusod. Itinaas niya kaagad ang mga nagkalat na hibla sa kanyang mukha. "Hindi ganyan!" pikon nitong sabi. Hinila nito ang kanyang ponytail kaya lumadlad ang buhok niya. Nakatali kasi pataas ang buhok niya at nakaikot ang mahabang hibla. Dahilan upang mas maging agaw atensyon ang itsura nito at maging kaakit-akit nang hindi nito napapansin. "Ano ba, Paolo! Bakit mo naman tinanggal ang ponytail ko!" "Bakit ha?! Bakit ayaw mong ibaba ang buhok mo? Huwag mong sabihin sa akin na balak mo pang makaakit ng ibang lalaki rito sa mall!" "Ano bang sinasabi mo riyan, Paolo! Wala akong iniisip na ganyan!" "Talaga?! Siguraduhin mo lang, Carmela. Tandaan mo?! Akin ka lang! Akin!" Matapos nitong sabihin iyon sa kanya ay iniwan na siya nito. "Paolo! Teka lang! Saan ka pupunta?!" habol niya rito. Sa bilis ng paglakad ni Paolo ay talaga naman na naiwan siya. Nanghihina na naupo siya sa isang baitang ng hagdanan sa mall habang tinatanaw si Paolo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Wala naman siyang iniisip na ganoon sa iniisip ni Paolo pero bakit ganoon na lamang kadalii rito ang pagbintangan siya ng mga bagay-bagay. Napayuko siya dahil sa lungkot. "Ate Carmela?" wika ng isang tinig ng binatilyo na parang pamilyar sa kanya. Kaya naman nag-angat siya ng tingin. Sumalubong sa kanya ang cute na cute na mukha ng batang lalaki na kilala na niya. Ang batang lalaki ay walang iba kung hindi ang kapatid ni Veronica na classmate niya. "Vince!" Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito. Tila ba ito ang magpapawi sa lungkot ka nararamdaman niya nang sandaling iyon. "Sinong kasama mong nagpunta rito?!" Tiningnan niya ang nasa bandang likuran nito. "Kasama mo ang Ate mo?!" "Hindi man. Si Mama lang ang kasama ko eh. At saka si Papa. May pasok si Ate Vero---." Napahinto ito at nangunot ang noo. "May pasok, wala kayong pasok?" ramdam niyang nalito ito. Pagkakaalam nito sigurado ay may pasok sila pero nasa mall siya at kausap niya ito. "Nasaan ang Mama mo?" tanong n'ya upang mailigaw niya ang usapan." "Naroon pa sa counter." Itinuro nito ang magulang na nasa loob marahil ng supermarket. "Nagbayad sila ni Papa." "Naku! Bakit ka humiwalay sa kanila?! Baka kunin ka ng nangunguhang bata rito. Wala kang kasama." "Ha? Wala naman nangunguha ng bata rito eh." Kumakamot sa ulo na wika nito. "Mayroon. Ang mabuti pa. Puntahan mo na sila Papa at Mama mo. Baka nag-aalala na sa'yo ang mga iyon," wika niya sabay tulak nang bahagya rito. "Hintayin ko na lang sila rito sa tabi mo, Ate. Pagkatapos ay sumama ka sa amin. Kakain kami sa eat all you can pagkatapos eh." "Ha?! Hindi pwede eh. May bibilhin pa kasi ako sa bookstore," pagdadahilan niya. "Samahan ka na namin, Ate!" Nakangiting sagot nito sa kanya. Ang ngiti nito na tunay na nakapagbibigay sa kanya ng kakaibang saya. Marahil dahil sa pagiging masayahin nito. Palagi kasing animo'y nakangiti ang mata nito kapag tumitingin. "Vince, may hihilingin sana ako sa'yo?" "Ha? Ano iyon, Ate?" Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Huwag mong sasabihin kahit na kanino na nakita mo ako sa mall ha. Pwede ba kitang pagkatiwalaan?" Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. "Sige na, Vince. Hayaan mo, in return kapag nagkita tayong muli ay ibibili kita ng ice cream. Gusto mo ba iyon?" "Sige!" wika nito sa kanya. "Salamat!" Nahalikan pa niya ito sa pisngi dahil sa tuwa.Hindi niya napansin ang pamumula nito dahil sa ginawa niya. "Oh, siya. Iiwan na muna kita rito ha. Pero riyan ka lang. Hintayin mo ang Mama at Papa mo. Para hindi sila mag-alala sa'yo." Kinusot pa nito ang buhok ni Vince bago siya umalis. Nanghihinayang na tinanaw na lamang siya ng batang si Vince. Samantala, lingid sa kaalaman ni Carmela ay lihim na nakamasid sa kanya si Paolo mula sa ikalawang palapag ng mall. Sinadya niyang iwan ito. Naiinis siya. Pero nang mapagtantoang ginawa ay nagbago siya ng isip. Sa halip ay hinanap niya ito mula sa second floor ng naturang mall. Nakita niya ang paglapit ng batang lalaki rito. Nang una ay hindi niya ito agad nakilala. Ngunit sa huli ay namukhaan niya rin ito. Nakababatang kapatid ni Veronica, ang classmate ni Carmela. Lihim siyang natatawa sa nobya nang mapansin niya na nagmamadali nitong iniwan ang binatilyo. Base sa kanyang obserbasyon ay nag-aalala si Carmela na makita siya ng kasamang nakatatanda ng binatilyo. Marahil ay nangngamba ito na baka isumbong siya ng bata. Ipinasya na niyang umalis sa kanyang pwesto at nagpasyang salubungin si Carmela. Siguradong hinahanap na siya nitong muli. Natanaw na nga niya itong palinga-linga. Nang makita siya ay tila nabunutan ito ng tinik sa lalamunan. Mabilis itong naglakad palapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD