Chapter 5

1251 Words
Iwinaksi niya sa isipan ang sinabi ni Krista. Sinisiraan lamang nito marahil si Paolo at ang pamilya nito dahil sa kaibigan nito si Mando. Nang nasa bahay na siya ay nagpa-misscall siya sa nobyo upang maisip nitong tumawag sa kanya. Kailangan niyang ireserba ang load sa mga darating pang araw. Kung sakaling magkaroon ng emergency ay gagamitin niyang pan-text iyon. Kasalukuyan na nakikinig ng music si Paolo sa kanyang CD player nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha mula sa bedside table at sinilip kung sino ang caller. Awtomatikong lumukso ang puso niya nang makita na si Carmela ang caller niya. Ilan araw na niya itong tinitiis dahil hindi siya nito pinagbigyan sa kagustuhan niya. Miss na niya ito pero kailangan niyang iparamdam dito na hindi sa lahat ng oras ay siya na lamang ang palaging mag-a-adjust. Na siya na lamang ang palaging gagawa ng paraan para maging matibay ang relasyon nila. Siya ang lalaki kaya dapat siya ang masunod sa kanilang dalawa. Nag-isip siya pagkuwan. Hindi niya muna ito re-reply-an. Mukhang ayaw nitong mabawasan ang ni-load nito sa sarili. Naiiling siya. Pinakikiramdaman niya ang kanyang cellphone. Makalipas ang ilang minuto ay muli itong nagpa-misscall kaya agad niya itong pinindot. "Ang lagay ba ay siya na lamang ang palaging naglo-load para rito?" sabi niya sa sarili. "Bakit mo sinagot?!" dinig niyang reklamo nito kaya natawa siya ng lihim. Atleast nakaganti siya rito. "Hah?! Hindi ba tumatawag ka?" maang-maagan niyang sagot. "Hindi naman. Gusto ko lang na ipabatid sa'yo na tawagan mo ako." "Eh wala kasi akong load. Naubos na," pagdadahilan niya kahit na hindi naman totoo. "Hah?! Bakit? Sino bang ka-text mo?" may bahid ng tampo sa tinig nito. "Wala! Sino naman ang magiging ka-text ko?" balik tanong niya rito. "Bakit hindi mo na ako hinahatid kapag uwian?" himutok nito sa kanya. "May practice kasi kami sa basketball. Pasensya na." "Bakit hindi ka man lang nagte-text sa akin?" "Carmela naman. Kapag ikaw ang gumagawa ng hindi pagre-reply okay lang ganoon? Kapag ako hindi pwede?" sumbat niya. "Hindi naman sa ganoon. May rason ako kaya hindi kita na-reply-an. Pero ikaw parang sinasadya mo pa ang ginagawa mo!" akusa nito. "Kasalanan mo na iyon, kung bakit ko ito ginawa." Naputol na ang linya dahil naubos na pala ang load ni Carmela. Dahil muli na naman niyang narinig ang operator na nagsasabing Hindi na raw enough ang load niya nang subukan niyang tawagan muli si Paolo. Napangisi naman si Paolo nang hindi na Nakatawag pang muli ang nobya. Marahil ay naubos na nito ang ni-load sa sarili. Hahayaan niyang ito ang maghabol nang maghabol sa kanya ngayon. Wala naman na itong ipagmamalaki sa kanya dahil nakuha na niya ito. Wala itong ibang pagpipilian kung hindi ang habulin siya. Mag-isa siyang tumatawang parang baliw sa kanyang silid dahil sa nangyari. Babaliktarin na niya ang sitwasyon nila ng nobya. Sisiguraduhin niyang ito naman ang mapapasunod niya sa lahat ng gustuhin niya. Naiinis na ibinalik ni Carmela sa ibabaw ng kanyang unan ang cellphone. Nagsawa na siya sa kakahintay sa pag-call back ni Paolo pero wala talaga. Mukhang tiniis na talaga siya nito. Napaisip siya. Parang naging matabang na si Paolo sa kanya. "Hindi kaya mayroon na itong ibang ka-text?!" wika ng isang tinig sa kanyang isipan. Nakaramdam siya ng pagseselos sa kung sino mang babaeng ka-text nito kahit hindi pa niya nakikilala at napapatunayan. Dahil sa naisip ay nagpasya siyang magpa-load muli kaya Aling Nena. Nagmamadali na lumabas siya ng bahay. Ngunit paglabas pa lamang niya ng bakuran ay parating naman ang kanyang ina. "Oh, Carmela, Anak. Saan ka pupunta?" usisa nito. "Ah eh. May bibilhin lamang po ako sa tindahan sandali," sagot niya. "Ganoon ba? Okay sandali lang." Dumukot ito ng pera sa bulsa. "Pakibilhan mo na rin ako ng mantika at suka. Nakalimutan ko nga palang bumili." Iniabot nito sa kanya ang singkwentang papel. "Sige po, Mama." Hindi na siya sinagot ng ina. Pumasok na ito sa kanilang tahanan. Pagbalik niya ay nagluluto na ito. Ibinaba niya sa mesa ang isang bote ng suka at ang nakabalot sa plastic na mantika pagkatapos ay ibinigay niya ang sukli rito. "Oh, nasaan ang binili mo?" tanong ng kanyang ina nang mapansin na wala naman siyang binili para sa sarili. "Naubos daw po ang bond paper ni Aling Nena, Ma. Kaya hindi ako nakabili." "Ano'ng gagamitin mo niyan? Baka kailangan mo talaga iyon. Gusto mo bang ipabili kita sa Papa mo sa palengke?" "Ah, hindi na po, Ma. Next week pa naman po ang deadline ng project namin." "Sigurado ka?" "Opo." "Sige. Ikaw ang bahala kung ganoon." "Pasok lamang po ako sa kwarto ko." Pagpasok niya ay agad siyang muling nag-text kay Paolo. Pinapatawag niya ito ngunit hindi ito nag-reply. Pinasahan na lamang niya ito ng load upang maka-reply sa kanya. Baka nga wala itong load. "Manood tayo ng sine bukas?" tanong nito sa kanya. "May pasok tayo bukas hindi ba?" "Eh `di mag-absent tayo! Problema ba iyon?" "T-Teka lang, Paolo. Hindi naman yata pwede ang gusto mo. Mapapagalitan ako kay Mama kapag nalaman niyang nagbulakbol lang ako." "Hindi naman natin ipapaalam. Isa pa, after lunch pa naman tayo magpupunta. Wala ng makakapansin na wala tayo sa eskwelahan. Ano? Nood tayo?" Hindi siya agad naka-reply dahil nag-isip pa siya. "Hayan ang hirap sa'yo, Carmela," muling wika nito sa text. "Ni hindi mo man lang kayang iparamdam sa akin kung mahal mo ako. Samantalang ako ginawa ko ang lahat. Mahal mo ba talaga ako o hindi? Maghiwalay na lang tayo kung ganoon." Awtomatikong nakaramdam ng takot sa puso si Carmela nang mabasa ang huling text ni Paolo. Hindi niya kakayanin kung maghihiwalay sila nito. Ramdam niya ang sakit sa puso sa sinabi nito. "Huwag mo naman sabihin iyan. Sige na. Sasama na akong manood ng sine bukas sa'yo. Mahal na mahal kita. Tatandaan mo lagi iyan ha?" "Okay, Caramel! I love you!" wika nito na mayroon pang smile. Nakahinga siya nang maluwag at okay na sila ni Paolo. Kaya naman nawala na ang pangamba sa puso niya. Naniniwala siyang magiging okay na silang muli. Kinabukasan nga ay nagkita na lamang sila sa may paradahan ng jeep upang walang makapansin sa kanila. Napagkasunduan nilang huwag magsabay na sumakay ng traysikel nang sa gayon ay makaiwas sa mga tsismosang pwedeng magbuking sa ginawa nila. Naunang nakarating sa paradahan ng jeep si Paolo. Nakita niya itong nakaupo sa waiting shed. Pagkababa niya ay agad siya nitong sinalubong. "Kumusta? Wala bang nakakita sa'yo?" tanong nito. Agad nito siyang inakbayan. "Wala naman siguro," sagot niya habang iginagala ang paningin sa paligid. "Huwag ka ng mag-alala. Hindi naman na tayo kilala ng mga tao rito. Sa baryo lang naman natin tayo sikat," nakangising wika nito. Inalalayan na siya nitong sumakay sa jeep na kasalukuyan na naghihintay ng pasahero. Ramdam niya ang mapanuring tingin ng ilang nakatatandang nakasabay nila sa jeep. Mayroon pang hindi nakatiis na nag-usisa sa kanila. "Kayong dalawa? Magkasintahan ba kayo?" tanong sa kanila ng matanda na may balot pa ng panyo ang ulo. "Alam ba ng mga magulang niyo kung saan kayo nakakarating imbis na nasa eskwelahan kayo? Alam ba ng guro niyo ang ginagawa niyo?" sunod-sunod na usisa nito. Hindi siya makasagot dahil sa hiya. Nagyuko lamang siya ng ulo. "Manang, mawalang galang na po sa inyo. Kung saan man po kami makarating ng kasintahan ko ay wala po kayong pakialam. Buhay po namin ito!" "Aba'y, bastos kang bata ka ha!" wika ng matanda. Pati ang mga ibang nakarinig kay Paolo ay nagulantang sa pagsagot nito sa matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD