Chapter 12

1062 Words
Hindi naging sapat ang gatas na ininom ni Vince upang makatulog agad. Naiisip niya ang babaeng palagi niyang hinihiling na makita. Kanina nga ay natupad iyon kahit na hindi niya inaasahan talaga. Nakasanayan na niya na tuwing umuuwi siya sa baryo na dumadaan siya sa kabilang kanto kahit na hindi iyon ang mabilis na daan upang makarating sa kanilang tahanan. Kapag nga roon pa siya dumaan ay siguradong mapapalayo siya. Ngunit ayos lang. Hindi kumpleto ang pag-uwi niya kung hindi siya roon daraan. Kapag malapit na siya sa tahanan na iyon ay maglulumanay na siya ng patakbo. Nakalampas na siya nang mahagip ng paningin niya ang pigura ng katawang iyon. Awtomatikong nakaramdam siya nang pagkasabik kaya naman nag-park siya sa may malapit sa malaking puno at bumaba. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw nga niya ang babaeng ang tanging saplot lamang ay spaghetti strap na crop top at isang maliit na sexy short. Litaw ang maliit na baywang nito. Hindi naging sagabal ang kadiliman sa kanya upang mapagmasdan ang napakagandang tanawin na iyon. Kung tutuusin ay hindi naman bago sa kanya ang makakita ng katawan ng babae. Katunayan nga ay marami na siyang nakita at nahawakan pa kung tutuusin. Hindi naman sa minamanyak niya ito. Talagang hanga lang siguro siya. Sa edad nito ay hindi pa rin nawawala ang alindog ng babae. Hindi rin naging sagabal ang pagkakaroon nito ng asawa dahil hindi man lamang nabawasan ang ganda ng katawan nito. Hindi siya sigurado pero parang sa nakikita niya ay lihim na umiiyak ito. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa babae. Hindi niya naiwasan na maikuyom ang palad. Nasisiguro niyang ang asawa nito ang dahilan ng pagluha nito. Baka sinasaktan nito ang babae. Gusto niyang mayakap ito at isandig ito sa kanyang dibdib upang mapawi kahit paano ang nadarama nitong lungkot. Hindi niya namalayan na napalakad siya, dahilan upang makalikha siya ng ingay. Agad siyang nagkubli sa malabong na halamanan. Nakita pa niya nang inaninag ng babae ang kinalalagyan niya. Kaya naman nang makita niyang mawala ito sa kinatatayuan ay nagmamadali na umalis na siya. Mabilis na tinungo n'ya ang sasakyan at pinasibad. "Hello, Loverboy," wika sa kanya ng isang malamyos na tinig kaya naman nagising siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang mabistahan ang babaeng nakasuot ng isang maskara. Kasalukuyan itong nakapatong sa kanyang ibabaw. Tanging ang kalahati ng magkabilang pisngi, butas ng ilong at labi ang makikita. Bumaba ang paningin niya hanggang sa napakakinis nitong leeg hanggang sa dibdib nitong halos nakaluwa na dahil tila ba ay hindi kinayang takpan ng suot nitong red nighties ang dalawang nagtatayugang bundok niyon dahil sa laki at bilog nito. Hindi niya naiwasan ang mapalunok dahil doon. Ramdam na niya ang paninigas ng kanyang pribadong bahagi dahil sa nakahaing magandang dilag sa harapan niya. Kung ilang beses siyang napasinghap magmula pa kanina ay hindi niya alam. Nang tangkang hahawakan niya ang mukha ng babae ay agad nitong hinuli ang braso niya. Nabigla siya sa kakaibang lakas nito. Nang magsasalita na siya ay iniharang nito sa gitnang bibig niya ang hintuturo. "Ayoko ng nagsasalita ang lalaki kapag narito ako mismo sa harapan niya," wika nito sa malambing na boses. "Mamili ka, party o good bye?" "P-Party syempre!" excited niyang sabi rito na halos litaw ang buong ngipin niya. "Okay!" Pinasadahan ng palad nito ang kanyang mukha hanggang leeg pababa sa braso. Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang mga balahibo dahil sa ginagawa nito. "Kung ganoon ay susunod ka sa lahat ng sasabihin ko. Okay ba tayo roon?" "O-oo! Agad-agad. Nanginginig pa!" "Then, let's get on!" Nakangising wika babae. Hinubad nito ang kanyang sando at pagkatapos ay kinuha nito ang kanyang braso. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang lubid na hawak. Nahuhulaan na niya ang gagawin nito. Wala siyang pakialam. Hindi naman siya nakakaramdam ng anumang kaba. Naisip niyang baka isa ito sa regalo ng kanyang mga katrabaho na kalaunan ay naging matalik na kaibigan. Malapit na rin kasing sumapit ang kanyang kaarawan. Napangiti siya. Napakaswerte talaga niya sa mga ito. Galante ang mga ito pagdating sa kanya. Sabagay, sisiw lang naman sa mga ito ang gumastos. Hindi naman kasi masyadong nangangailangan ng pera ang mga ito dahil sadyang maykaya pare-pareho sa buhay. Siya lang naman talaga ang bukod tanging empleyado sa kanilang firm na kasalukuyan pa lamang na nag-iipon ng investment at kung ano-ano pa. Pagkatapos na maitali nito ang kanyang palad ay unti-unti nitong ibinaba ang kanyang saplot sa ilalim. Hindi naman ito nahirapan dahil tanging boxer briefs lang naman ang kanyang suot. Wala siyang nararamdaman na kahit kaunting hiya sa ginagawa nito sa kanya. Lalo pa at may ipagmamalaki siya rito. Isinunod na nito na itali ang kanyang paa habang ang mga mata nito ay sa kanya lamang nakatingin. "Saan ka pupunta?" Hindi naman siya naalarma nang tumalikod ito pero kailangan niyang malaman kung ano ang susunod nitong gustong gawin. "Shhh." Inilagay nito ang hintuturo sa labi na sinasabing huwag siyang maingay. "Relax ka lang diyan. Akong bahala sa'yo." Ibinukas lamang pala nito ang kanyang speaker. Isinalang nito roon ang isang malamyos at maharot na musika. Kasabay niyon ay ang unti-unti nitong pagtanggal ng saplot habang gumigiling. "Saglit. May nakalimutan akong gawin." Lumapit itong muli sa kanyang ulunan habang patuloy pa rin ito sa pagsayaw. May kinuha itong malaking panyo sa mesa. Itatali pala nito ang bibig niya. Nagtatanong ang mata na tumingin siya rito na tila nabasa naman nito. "Huwag kang mag-alala. Para sa'yo ang gabing ito. Siguradong magugustuhan mo ang gagawin natin." Patlang ay huminto ito sa ginagawa. "Do you trust me?" tanong nito sa kanya. "Tumango siya. "I fully trust you!" "It's showtime!" hiyaw nito. "Yes!" wika niya sa kanyang isip na lamang. Tumayo na ito sa harapan niya pagkatapos. Enjoy na enjoy siya sa panonood dito. Tama nga ang sinabi nito dahil wala pa sila sa kalagitnaan ay talaga naman na nag-e-enjoy na siya. Nakahiga man ay nagagawa niyang mapaupo dahil sa sobrang excite na nadarama niya. Gustong-gusto na niyang mahawakan at madama ang malambot nitong katawan ngunit hindi niya magagawa dahil nakatali siya. Lumapit ito sa kanya at umakyat sa kama sa kanyang paanan. Doon ay gumiling pa ito habang nakatingin sa kanya. Lalo siyang tinigasan nang ilabas pa ito ang dila habang tila nag-aapoy ang mga matang nakatingin sa kanya. "Pakiusap. Hubarin mo na ang pang-finale!" wika niya na walang tinig dahil sa nakabusal niyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD