"Huwag kang mainip. Narito na nga tayo. Naghihintay ka na lang naman ng minuto at mararating mo na ang langit," sagot nito sa mapang-akit nitong tinig. Naisip nga niyang tama nga ito. Bakit pa ba siya maiinip? Ang kailangan niyang gawin ay ang maghintay at namnamin ang sarap na dulot ng ginagawa ng estrangherong babae.
Lumuhod nito sa pagitan ng kanyang dalawang binti. Sabik na siya sa susunod nitong gagawin. Laksa-laksang libog na ang kanyang nadarama. Pakiramdam niya ay hindi na siya mapakali kung hindi pa nito isasagawa ang naiisip niyang gagawin nito sa kanya. Nagsimula na itong ibaba ang mukha at tutukan ang kanyang harapan. Napayuko siya at tiningnan ito na kasalukuyan na nakatingala naman sa kanya. Nang isusubo na nito ang kanyang sandata ay bigla itong huminto. Muli itong tumingin sa kanya. Pagkatapos ay ngumiti na tinugon din niya ng pagngiti. Ngunit dagli itong nawala nang sa ikalawang pagngiti nito ay lumabas ang pangil sa bibig nito. Agad ang atake ng nerbyos sa kanya lalo na nang gawin na nito ang tunay na hangad. Sinubo na nito ang kanyang t*t* at napahiyaw siya!
Hinihingal siya at tagaktak ang pawis nang magising. Nasapo niya ang kanyang isang dibdib dahil sa nerbyos! Inangat niya ang kumot at agad na sinilip ang pang-ibaba. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang buo pa ang kanyang pinakamamahal sa buhay.
"P-panaginip lang," halos hindi niya iyon nabigyan ng tinig. Hinihingal pa rin kasi siya. Nahagod niya ang kanyang leeg. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw kaya naman tumayo siya. Nagtungo sa kusina at binuksan ang refrigerator. Doon ay hinagilap niya ang kanyang tumbler na may lamang tubig at nilagok. Dire-diretso niyang ininom iyon. Naubos niya ito dahil sa matinding uhaw. Pagkuwan ay tila ba nanghihinang naupo siya sa isang silya roon. Maya-maya ay sinilip niya ang kanyang pang-ibaba. "Hindi talaga totoo. Buong-buo pa!" sabi n'ya. Naiiling siya. Para siyang baliw dahil paulit-ulit ang pagsipat niya sa loob ng kanyang underwear. Parang baliw na tumawa siya nang mapagtanto ang ginagawa. Bumalik na siya sa kanyang silid at muling nahiga. "Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon?" tanong niya sa sarili. Hindi naman siya naniniwalang may aswang o drakula pero ginagapangan pa rin siya ng kilabot sa tuwing maaalala ang nangyari. Natulog na lamang siyang muli.
Nagising na lamang siya sa malalakas na katok ng kanyang ina. Hawak ang ulo na bumangon siya.
"Inay, bakit po?" pupungas-pungas na tanong niya sa kanyang ina pagkabukas niya sa kanyang pinto.
"Ano'ng bakit? Hindi ba at sabi ko ay mamamalengke tayo? Ibig mong sabihin ay kagigising mo lang?"
"Inay naman. Alam niyo naman na napuyat ako kagabi," kakamot-kamot sa ulong sabi niya sa kanyang ina at bumalik sa kanyang higaan.
"Pagbigyan mo na ako, Vince. Madalang ka lang naman na mauwi rito sa atin. Miss ko na ang bunso ko!" Kinulong nito ang kanyang pisngi. "Ano na? Hindi ka man lang ba sasagot?" Naiinip na pagpapatuloy ng kanyang ina.
"Inay, hindi pa ako nakapagmumog man lang. Amoy panis na laway pa ang bibig ko," sagot niya.
"Kahit pa anong amoy mayroon ka ay wala sa akin ano ka ba?! Sa akin ka galing baka nakakalimutan mo. Bahagi ka ng pagkatao ko."
Tumayo na siya. Gusto pa sana niyang muling bumalik sa pagtulog pero paano niyang tatanggihan ang kanyang ina na nagiging ganap na namang makata ngayon?
"Maiwan na kita ha! Bilisan mo lang. May ibibili ako sa'yo mamaya."
Pagharap niya sa maliit na salamin ay tuksong bumalik na naman sa kanya ang mukha ng drakulang babae. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang maiwaksi ang drakula. Nag-toothbrush at hilamos na siya.
Puting pure cotton shirt ang sinuot niya na tinernohan lang niya ng jersey shorts. Ganoon lang naman palagi ang outfit niya kapag naroon siya sa baryo. Walang pagbabago. Bumabalik siya sa dating siya. Nilagyan lamang niya ng kaunting gel ang kanyang buhok upang bahagyang magkaroon ng style ang buhok. Paglabas niya ay natanaw na niya ang kanyang ina na kasalukuyan na may kausap sa labas ng bakuran. Kinuha na niya ang tricycle sa garahe at pagkuwan ay sinakyan. Inilabas na niya ito at ipinarada sa labas habang hinihintay ang kanyang ina na matapos sa pakikipagkwentuhan sa isang babae.
"Anak ano ka ba naman?! Bakit naman ganyan ang isinuot mo?! Hala! Pumasok ka nga sa loob at magpalit ka!" wika nito sabay taboy sa kanya. Ngunit hindi siya kumilos.
"Inay, ano po bang problema sa suot ko?" Tiningnan niya ang kanyang kasootan. "Dati namang ganito lang ang isinusuot ko kapag namamalengke tayo hindi ba?"
"Dati iyon, Vince. Iba ka na ngayon
Hindi ka na bata. Ganap na binata ka na kaya palitan mo ang suot mo!"
"Ayoko, Inay. Ganito lang ako. Komportable ako rito sa ganito. Isa pa ay mainit ang panahon. Presko na nga ang suot ko pagkatapos ay magpapalit pa ako?" pangangatwiran pa niya sa kanyang ina.
"Naku! Ikaw talaga! Kapag ayaw mo ngayon ay hindi mabali-bali. Palaging ang gusto mo na lang ang nasusunod," may himig ng tampong wika ng kanyang ina.
"Hindi naman po sa ganoon." Hinarap niya ito. "Alam niyo naman po na kayo ang boss ko. Kaya lang, Inay, mainit na oh!" Tinuro niya ang araw. "Mamaya niyan tagaktak na ang pawis ko. Hindi nga ba at ikaw pa ang nagsabi sa akin noon na magandang suotin lalo na kapag maalinsangan ang panahon ay ganitong cotton white shirt?" paalala niya sa kanyang ina.
"Dyaske kang bata ka talaga! Oh siya. Sige na nga! Umalis na tayo at baka lalo pa tayong datnan ng init ng araw!"
Pagkuwan ay umalis na sila.
"Ma, saan mo gustong dumaan?" pagkuwan ay tanong niya habang nasa daan ang paningin.
"Ha?! Saan pa eh kung hindi riyan sa kanto ni Aling Tasing. Huwag mong sabihin na hindi mo na alam ang dadaanan natin papunta sa palengke."
"Alam po. Ang akin lang ay baka may nais pa kayong daanan na kaibigan," wika niya pero ang totoo ay umaasa siyang sabihin nitong sa kabilang kanto sila dumaan. Para sana muli niyang matanaw ang crush niya.
Nag-isip muna ito bago magsalita. "Wala naman akong maisip. Diretso na tayo."
"Sige po," sagot na lamang niya. Wala na siyang magagawa. "Hindi bale. May ibang araw pa naman," wika niya sa isipan.
"Ano pang ginagawa mo riyan, Vince?" wika ng kanyang ina nang makababa ng traysikel.
"Po? Babantayan ko po ang traysikel, Inay. Hintayin ko na lang po kayo rito."
"Ano'ng babantayan ang pinagsasasabi mo riyan? Hindi naman mawawala iyan. Halika, samahan mo ako roon sa loob." Hinawakan na siya ng kanyang ina sa kamay kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi sumunod sa ina.
Habang naglalakad sila ay hindi nakaligtas sa malakas niyang pandama ang paglingon sa kanya ng kababaihan. Ang iba ay ngumingiti sa kanya kaya naman hindi niya maiwasan na hindi gantihan ng ngiti ang mga ito.