Chapter Four

1116 Words
Hindi siya tinantanan ni Gabby hanggang sa uwian matapos ang insidente kaninang tanghalian. Kinukulit siya nito tungkol kay Calvin at naiinis na siya dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang lalaki.  "Sis, naman! Bakit ba ayaw mong sabihin kung bakit ka kilala ni Papa Calvin?" kulit muli sa kanya ni Gab habang nagkakalkal ng kung ano sa kanyang bag. Matapos silang lapitan ni Calvin kanina at batiin siya ay nagpakilala pa ito sa mga kasamahan. Nagpasalamat na lang siya na hindi na nito sinabi pa ang kanilang nakaraan. "Hindi ka talaga magsasalita? Siguro may nakaraan kayo no?" hirit pa ni Gabby. "Wala akong sasabihin dahil hindi naman kami close. Kaibigan siya ng kuya ko, 'yun lang," sabi na lang niya para matahimik na ito. "'Yun lang? Eh bakit ang lagkit ng tingin sa'yo ni Papa Calvin kanina?"  Kaya nga ba ayaw niyang magkwento rito, alam niyang hahaba pa ang pagtatanong nito. "It's natural. Parang kapatid ang turing niya sakin because of kuya." Tumaas na naman ang kilay nito na para bang sinasabing hindi ito naniniwala sa kanya. "If you say so..." ani Gabby. Sa wakas ay tila tatantanan na siya nito.                                                                                      *** HALOS ALAS-OTSO na ng gabi nang makauwi si Thea sa kanyang bahay. Napansin niyang wala pang nakabukas na ilaw sa bahay ni Calvin.  Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Nakakainis talaga ang lalaking 'yun. Pagkatapos siyang inisin noong umaga ay may gana pa itong lapitan siya habang kasama ang mga katrabaho. Buong maghapon tuloy siyang hindi tinigilan ni Gabby. Maliwanag naman siguro na ayaw niyang makaharap ito. Pero parang nananadya pa ang loko. Papasok na siya sa mababang gate ng kanyang bahay nang may biglang bumusinang sasakyan. Awtomatiko naman siyang napalingon dito. Pero agad naman niyang pinagsisihan nang makita kung sino ang bumaba mula sa itim na BMW. Nagmamadali niyang iniwas ang tingin dito at nagmamadaling binuksan ang lock ng gate. "Thea, wait!" habol ni Calvin nang makita nitong papasok na siya sa gate ng kanyang bahay. "Nag-dinner ka na ba? I brought you dinner." Tinaasan niya ito ng kilay tsaka tumingin sa paper bag na inaabot nito sa kanya. "May pera akong pambili ng pagkain ko," mataray niyang sabi rito. "I had a meeting at Luisa's. Naalala ko, it's your favorite restaurant. Binilihan kita ng paborito mong kare-kare," anito habang nakangiti.  "I don't like it anymore." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Calvin nang marinig ang kanyang sinabi. It was their favorite restaurant. Doon sila madalas mag-date noon lalo na kapag nagtatampo siya sa binata. "Calvin... I know this is rude but I want you stay away from me. Dapat malinaw na sa'yo yun noong una palang. Hindi tayo magkaibigan and we both know what we had in the past," siniguro niyang kalmado ang kanyang boses. Gusto niyang matapos na ang paglapit-lapit sa kanya ng lalaki. Hirap na hirap na nga ang kalooban niya sa kanilang siytwasyon lalo pa at halos dingding lang ang pagitan nila. Nakatitig lamang sa kanya ang lalaki. Nang walang makuhang sagot mula rito ay mabilis na siyang tumalikod. Nasa tapat na siya ng pinto ng bahay at sinususian ang pinto nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat at pinaharap siya rito. It was Calvin. Handa na sana siyang bulyawan ito ngunit naunahan siya ng binata. "I waited so long that it almost killed me. Ngayong nasa malapit ka lang at abot kamay ko na, hindi ko hahayaang mawala ka pa. I hope it's also clear to you," seryoso nitong sabi bago inilagay sa kanyang kamay ang paper bag na naglalaman ng kare-kareng paborito niya. Walang lingon-likod itong lumabas sa kanyang bakuran at lumipat sa kabila habang siya ay naiwang tulala at nakanganga pa.                                                                                     *** HINDI NA NAMAN siya pinatulog ng mga sinabi ni Calvin. Kaya ang ending ay puyat na naman siya dahil dito. Pero kataka-takang hindi siya nakakaramdam ng antok at daig pa ang nakainom ng sampung tasa ng kape. Kung noong una ay ang kanilang sitwasyon lamang ang kanyang problema, mas dumagdag pa sa kanyang iniisip ang pinagsasabi nito. "I waited so long that it almost killed me. Ngayong nasa malapit ka lang at abot kamay ko na, hindi ko hahayaang mawala ka pa. I hope it's also clear to you."  Paulit-ulit niya pang naalala ang sinabi ni Calvin. Malinaw sa kanya ang sinabi nito at tanga lang hindi ito maiintindihan. Nais ba nitong bumalik siya rito? Pero bakit ngayon lang? Kung noon sana nito iyon ginawa ay baka agad siyang nakipagbalikan dito. Pero lumipas na ang anim na taon bago ito bumalik at muling lumapit sa kanya? Na para bang sa isang beses nitong paghingi ng tawad ay ayos na? No way! Hindi na siya magpapauto pa rito.  Kahit na ngitian siya nito ng makalaglag-panty o kaya naman ibalandra pa ang nakakahimatay nitong abs! At kahit na mas gwapo ito ngayon at kaakit-akit! "You're disgusting..." saway ni Thea sa sarili.  Kung wala lang siya sa opisina ay baka nasabunutan na niya ang sarili. Actually, muntik na nga niyang gawin iyon kundi lang niya napansin na nakatingin sa kanya si Gabby at para bang sinasabing: "Alam kong may itinatago ka sa'kin, girl..." Iniwas na lamang niya ang tingin sa kaibigan at humarap sa kanya laptop. Pilit niyang ibinaling ang buong atensyon sa kanyang bagong project. Personal pa siyang pinuntahan ng kanilang boss na si Miguel para rito. Kaibigan daw kasi nito ang bago niyang kliyente at na-impress daw ito sa kanyang mga designs. Isa raw itong businessman na kauuwi lang galing sa ibang bansa at gustong ipabago ang disenyo ng private office nito na dating ginagamit ng ama nito. Tinignan niya ang mga larawan na ipinadala sa kanya ni Miguel. Kuha ito sa opisina ng kanyang client. Napakunot ang noo siya nang makita ang ayos nito. Bagamat minimalist ang design ay halata naman ang class dito. Kita rin na hindi basta-basta ang mga ginamit na materyales doon at mukhang bago pa. Ayon kay Miguel, big time raw ito at may-ari ng isang malaking kompanya. So, malamang ay alaga sa maintenance ang building na pag-aari nito. Masyado yatang vain ang kanilang kliyente?  Hindi naman bago sa kanya ang ganitong mga bagay. Marami sa kanilang mga kliyente ay mayayaman. Nagtataka lamang siya dahil mukhang bagong renovate pa ang opisina nito at latest ang mga kasangkapan na naroon. Kung siya ang tatanungin, aksaya lamang ng pera ang pagpapabago ng ayos nito dahil halatang hindi basta-basta ang ayos nito. Masasabi niyang world class pa nga. Well, wala na siyang pakiaalam doon. Ang mahalaga ay magawa niya ang kanyang trabaho at mas lumawak pa ang kanyang connections. Nagsimula na siyang gumuhit ng design at mag-plano. Nasa kanya na rin ang blue print nito. Gusto niyang ma-impress ang kanyang kliyente.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD