Nagsalita ang matigas na bagay? Nope... Si Calvin 'yon at dahan-dahan na siya nitong inihaharap dito. "I miss you, Thea," mahina nitong bulong sa kanya. Ang mga mata nito ay tila walang kasing-seryoso habang nakatingin sa mukha niya. Kung noon, malamang ay agad siyang bibigay. Konting lambing lang kasi nito ay nawawala na lahat ng tampo niya rito. Pero sabi nga niya, kung noon 'yun. Iba na ngayon. Wala na siyang ibang nararamdaman pa dito kundi galit. "What the hell are you doing, Calvin?" pinakalma niya ang sarili bago binigkas ang mga salitang iyon. Nangako siya sa sarili at wala siyang balak na ipahiya ang sarili rito. "Let's talk. Marami tayong dapat pag-usapan. Please," pagmamakaawa nito. Pilit siyang hinila nito papunta sa couch na malapit sa kanila. Hindi siya umalma. Hahaya

