Chapter Eight

1623 Words
Flash back Napangiti ang bente anyos na si Thea habang nakatitig sa nobyo na abala sa pakikipag-usap sa cellphone nito. Nakakunot ang noo nito at seryosong-seryoso habang may kinakausap sa kabilang linya. Hindi yata nito nagugustuhan ang pinag-uusapan nila ng kausap dahil halatang hindi maganda ang expression nito. "I told you, I'm with Thea. You certainly know how to deal with that. I trust you on that," narinig niyang sabi nito. Siya naman ang napakunot ang noo, bakit nasali siya sa usapan ng mga ito. Ang alam niya ay tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nito at ng assistant nitong si Lucy. "Don't call again. I won't pick up," ani Calvin bago tuluyang pinutol ang tawag. "Something wrong in the office?" tanong niya rito nang humarap na ito sa kanya. Naroon sila sa paboritong reastaurant para mag-lunch. Katatapos lang nilang umorder nang tumawag si Lucy. Gutom na talaga siya lalo pa at mahigit isang oras siyang naghintay kanina sa nobyo. "Something came up but don't worry, Lucy can handle it," anito at tsaka hinawakan ang kanyang kamay. Nasa tagong bahagi sila ng Luisa's at nakatago naman ang kanilang mga kamay. Talagang nag-iingat sila at baka may makakita sa kanilang kakilala ng pamilya niya. Mahirap na. Isang taon na ang relasyon nilang dalawa ngunit naniniwala siya na hindi pa tamang panahon para sabihin sa kanilang pamilya ang tungkol dito. Bagamat tutol ang nobyo, wala naman itong magawa. Dead na dead yata ito sa kanya. Dahil sa naisip ay napangiti siya na agad napuna ng nobyo. "What's that for?" tanong sa kanya ni Calvin. "Naisip ko lang, we're together for a year now. And I think, patay na patay ka yata talaga sakin," aniya rito sa tonong nanunukso. Napahalakhak naman ito ng mahina sa kanyang sinabi.  "Ang sexy talaga ng boyfriend niya!" naisip niya. Kahit sa pagtawa nahuhumaling siya. "Oh well..." anito. "Baka naman it's the other way around?" Napanguso siya sa biro nito. Oo, love na love niya 'to pero 'di siya aamin.  Muli na naman itong natawa sa kanyang reaksyon. "Too cute," sabi nito. "Yes, patay na patay ako sayo." Napangiti siya nang maluwag sa sinabi nito. Palagi siyang panalo rito. Calvin is spoiling her. Perks of having an older boyfriend. "You know, I'll tell you a secret for being honest," aniya rito. "I had a crush on you since I was a teen. Ang bait mo kasi sakin. 'Yun pala pinagnanasahan mo na ko." "What will I do with that mouth, babe?" sagot nito sa kanya. Natawa siya sa sinabi nito. Palagi kasi siyang sinasaway nito kapag masyado na siyang taklesa. "You're like kuya except that you spoil me a lot," tukso niya rito. "You're kuya won't kiss you in the lips, babe," sabi naman nito sa kanya. Pikon talaga 'to kapag sinasabi niyang parang si kuya David niya ito. "Okay, I'll stop na. You're so pikon! Of course you're not like kuya. Hindi pinagpapantasyahan ang kuya," sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay mahina muli itong natawa. "Pilya," anito.                                                                                          *** Present "Let's have lunch," sabi ni Calvin matapos nitong gumawa ng eksena sa harap ng mga kasamahan. Humanda talaga sa kanya mamaya ang lalaking ito. Ngayon, sigurado na siyang hindi na siya makakapag-deny pa kay Gabby. Kahit hindi nito direktang sinabi ang nakaraan nila, halos ipangalandakan na nito ang tungkol doon. "I can't, I'm busy," aniya rito with matching seryosong mukha. "And I think you know why." "Okay. I'll just see you later," sagot naman nito bago nagpaalam sa mga naroon. Uupo na sana siya dahil parang nanghina siyang bigla sa pinagsasabi ni Calvin, ngunit nilapitan siya ni Gabby. "Ngayon mo sabihing wala kayong past ni Papa Calvin," anito. "Wala naman talaga. Nag-iimagine lang 'yon," aniya rito. "Oh my God, Thea. Ang gwapong 'yon and not to mention na ubod ng yaman, mag-iimagine?" OA naman 'tong si Gabby. "Why not? He's just making fun of me, tulad dati." Hindi niya alam kung bakit parang tumagos sa puso niya ang sinabi.  "He's just making fun of me, tulad dati. Pinaasa, pinaglaruan at basta na lang pinabayaan," ani ng isip niya. "Push mo 'yan," sabi ni Gabby na nagpabalik sa kanyang diwa mula sa mapait na nakaraang kusa nalang bumabalik sa isipan niya. Hindi na lang siya sumagot at itinutok ang paningin sa kanyang computer para hindi na humaba pa ang usapan. Nang mapansing wala na siyang balak pang magsalita ay umalis na rin si Gabby sa tabi ng kanyang desk. Nakakainis! Hindi niya alam kung anong pakay ni Calvin sa kanya. Malinaw naman na galit pa rin siya rito. Kung tama ang hinala niyang nais nitong makipagbalikan, bakit ngayon lang? Bakit hindi noon nang mabuko niya ang panloloko nito sa kanya.  Muli na naman niyang naramdaman ang sakit. Pesteng puso ito, hindi na yata makakalimot. Matapos niya kasi itong mahuli ay wala na siyang narinig pa mula rito. Hindi na tumawag o sinubukan man lang siyang kausapin. Oo nga at hinabol siya nito nang makita nitong nakita niya ang pakikipaghalikan nito kay Lucy at nagmakaawang pakinggan niya, pero bukod don ay wala na siyang narinig mula rito. Ganoon lang ba siya kadaling kalimutan? Basta na lang siyang pinabayaan nito at itinapon ang isang taon nilang relasyon. Tapos ngayon ay babalik ito sa buhay niya at ginugulo ang isipan niya! Pati puso niya ay nagwawala na rin lalo na kapag nakikita niya ito.                                                                                          *** "I'm sorry, but what's that again?" tanong ni Thea kay Miguel. Naroon siya sa opisina nito. "You need to see the office, Calvin's office," sagot naman nito. "Why?"  "Ocular inspection. So you'll have more ideas," anito. Bahagya siyang huminga ng malalim. Alam niyang trabaho niya iyon. Pero hindi pa rin niya maiwasang mainis. "Okay, boss," sabi niya. "You can go now. He's waiting for you... at the office," anito na ikinagulat niya. Nagpoprotesta man ang isip ay tumango na lang siya kay Miguel. Nangako siya sa sarili na hindi na magpapakita ng katangahan. Kung kaya ni Calvin na umaktong kaswal siguradong kaya niya rin. Isa pa, bakit siya ang parang tangang iwas ng iwas eh siya nga itong niloko at sinaktan? Pag balik sa kanyang desk ay inayos lang niya ang lahat ng kailangang dalhin sa pupuntahan. Ilang minuto lang ay naglalakad na siya palabas ng opisina nila. Nakasalubong pa niya sa entrance si Gabby at tinanong pa siya kung saan siya pupunta. Nang sabihin niyang sa opisina ni Calvin ay napanganga pa nga ito sa kanya. Natawa naman siya sa reaksyon nito. Affected talaga ang kaibigan tungkol sa kanilang dalawa ni Calvin. Hindi na ito muling nagtanong tungkol doon pero ramdam niyang naghihintay lang itong siya mismo ang magkwento. Pero never siyang aamin. Kung noon nga ay nagawa niyang itago sa lahat ang relasyon nila lalo na ngayon na nabahiran na iyon ng galit para sa lalaki. Marahan siyang nagmamaneho papunta sa opisina ni Calvin. Hindi niya kailangang magmadali. Maya-maya pa ay nasa parking lot na siya ng malaking building na pag-aari ng pamilya nito. Nasa ibang floor na ang opisina nito ayon kay Miguel. Ginagamit na nito ngayon ang dating opisina ng ama nito. "I have an appointment today. I'm Theresa Carlos from A and People Construction," aniya sa receptionist ng kompanya. "I see. The CEO is waiting for you ma'am. Twenty-eighth floor," magalang nitong sagot. "Thank you," aniya rito bago tumalikod at lumakad papunta sa elevator. Habang naglalakad ay bahagyang naninikip ang kanyang dibdib. Pamilyar ang lugar. Madalas siyang pumunta roon noon kapag may pagkakataon siya. May mga konting nabago ngunit ganoon pa rin ang itsura ng gusali. Marahang naglakad siya palabas ng elevator pagsapit nito sa twenty-eighth floor. "Kalma ka lang, Thea," bulong niya sa sarili. Bumungad sa kanya ang desk kung saan isang babae ang busy habang nakatingin sa computer nito. Tumingin ito sa kanya nang maramdaman ang presensya niya. "Ms. Thea?" tanong nito sa kanya. "Yes," sagot niya. Tumayo ito mula sa desk nito at inakay siya papunta sa nag-iisang pintong naroon. "Mr. Buenavista is waiting for you inside," narinig niyang sabi nito bago buksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang pamilyar na desenyo ng opisina. Eksakto sa mga larawang ipinadala sa kanya. And there he is, sitting like a king. Nakatingin ito sa kanila, hindi, sa kanya lang habang nakahawak ang kaliwang kamay sa mukha. Parang kanina pa siya hinihintay at nainip na lang. "You're here," anito. Tumingin siya rito. Narinig niya ang pagsara ng pinto, lumabas na ang sekretarya nito at sila na lamang dalawa ang naroon. "Good afternoon," pilit niyang pinakaswal ang boses. Pero sa kaloob-pooban niya ay nagwawala na ang lahat sa kanya. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. Titig na titig pa rin ito sa kanya.  "Matutunaw na yata ako, Gab," aniya sa isip. Naalala niya ang sinabi ng kaibigan na para siyang matutunaw sa mga tingin ni Calvin. "I'm here for the ocular inspection. Though, I already have designs, it will help if I will see some more to add details," sabi nalang niya upang maputol na ang titigan serye nila. "Do as you please," sabi naman nito. "Thank you," aniya bago umalis sa harapan nito. Malaki ang opisina nito. Kung tutuusin ay kasing-laki na ito ng kanilang opisina. Simple pero elegante ang bawat detalye ng opisina. At tulad ng una niyang tingin dito base sa mga larawan, mukhang bagong ayos pa nga iyon. Kumuha siya ng larawan gamit ang kanyang camera. Maging ang kasuluk-sulukan ng opisina nito ay tinignan niya. Isinumpa niya sa sarili na hindi mapapahiya sa dating nobyo at pakikitaan niya ito ng kanyang husay sa trabaho. Busy si Thea sa pagkuha ng mga picture nang sa isang pag-atras niya ay bumunggo siya sa kung anong matigas na bagay. Hindi bagay iyon dahil mainit at... mabango! "I miss you..." bulong ng matigas na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD