Chapter Seven

1082 Words
"As you can see, hindi pa tapos lahat ng designs. Ang sabi kasi ni boss, next month mo pa pasisimulan ang renovation ng office," marahang sabi ni Thea sa kaharap na lalaki. Naroon silang tatlo ngayon sa loob ng conference room ng opisina nila para ipakita rito ang kanyang mga designs.  "I'm sorry about that," sagot naman ni Calvin sa kanya. "Naisip ko kasi na kailangan ko nang magmadali." Kumunot ang noo ni Thea sa narinig. Parang may something sa sinabi nito. Lalo pa at titig na titig ito sa kanya. "Well, I guess, I have no choice. Pero bigyan mo pa ko ng atleast two days for the finish product," sagot na lang niya. "No problem, basta ikaw," at ngumiti pa ang loko. "Mabait ka pala bud?" narinig niyang singit ni Miguel sa kanila. "May favoritism?" Mahinang tumawa si Calvin tsaka tumingin sa kanya.  "Yes. And it's only Thea," makahulugan naman nitong sabi habang nakatingin sa kanya. Siya naman ay halos lumubog na sa kinauupuan. Talagang masasampal niya si Calvin oras na magkaroon siya ng pagkakataon. Nanunukso naman ang mga tinging ipinukol sa kanya ni Miguel.  "Ahm..." hindi tuloy niya malaman kung ano ang isasagot dito. "Of course, kuya is his bestfriend, so parang kuya ko na rin siya." Kitang-kita niya ang pagbabago ng mukha ni Calvin sa sinabi niya. Alam niyang napipikon ito kapag sinasabi niya iyon kaya naman bilang pambawi sa pagsira nito ng araw niya ay iyon na lamang ang sinabi niya. At hindi nga siya nagkamali. "Ah... kaya pala. Akala ko naman..." tila may nais pang idugtong si Miguel.  And she knows what it is. Iniisip nito na may gusto sa kanya si Calvin o kaya naman ay may nakaraan silang dalawa. Totoo naman, may nakaraan silang dalawa. Pero 'yung may gusto ito sa kanya ang hindi. Hindi naman niya alam kung bakit bigla niyang naalala ang mga sinabi nito noong nakaraang gabi. Na para bang nais nito na magkabalikan sila. "No!" sigaw ng isip niya. Pilit iwinawaksi ng utak niya ang mga salitang binitawan nito at lalong-lalo na ang mga mata nitong may nais ipahiwatig. Pero ang puso niya... marupok yata talaga! "Anyway, may gusto ka bang ipabago sa mga designs? Any particular detail?" kunwa'y kaswal niyang tanong sa lalaki. Seryoso na ito ngayon, hindi tulad kanina na parang loko-lokong nakatingin lang sa kanya. Pati tuloy ang boss niya ay tinukso na sila. "I like everything. I trust your ability, kahit noon pa naman, I know you'll be this great," sagot nito sa kanya. Napalunok siya sa sinabi nito. Dahan-dahan na namang tumakbo ang bawat alaala nila noon.  Bakit? Bakit ang hirap kalimutan? Bakit ganon kabilis bumalik? Ang akala niya pa naman, nagtagumpay na siyang iwaksi lahat ng sakit. Pero nagkamali siya. Sa bawat salita ni Calvin ay kusa nang bumabalik lahat sa kanya. At ayaw niya iyon. Anim na taon na ang nakaraan. Sa mga taong iyon ay pilit niyang tinatagan ang sarili. Umiwas sa lahat ng may kinalaman dito. Pero ito, tila masaya pang balik-balikan ang lahat. Nag-e-enjoy pa yatang ipaalala ang katangahan niya rito. "Ang sarap isumbong kay kuya," bigla niyang naisip.  "Thank you. Ipapadala ko na lang sa email ng company lahat, once I finished everything," aniya rito na pilit pinapakalma ang boses. Hindi na siya magmumukhang tanga sa harap nito. Last na iyong nakaraang linggo na bigla na lang siyang nag-walk out nang malamang kapitbahay niya pala ito. "Sige, Thea. Thank you," sabi naman ni Miguel. Kinuha na niya ang pagkakataong iyon para iwanan ang mga ito. Hindi na niya kinakaya ang mga tingin ni Calvin. Baka nga matunaw na siya gaya nang sinasabi ni Gabby. And speaking of Gabby, heto na ang mahadera niyang kaibigan at naghihintay sa kanyang desk.  "Kamusta ang meeting with yummy Papa Calvin?" tanong nito nang makita siya. "Fine. Okay naman sa kanya ang mga designs kahit hindi pa tapos ang lahat," sagot naman niya.  Hindi agad nakasagot ang kaibigan kaya nilingon niya ito. Mapanuri ang tinging ipinukol nito sa kanya. "What?" takang tanong niya rito. "Wala ba talaga kayong nakaraan ni Papa Calvin? Kasi iba talaga ang feeling ko eh, parang may 'di ka sinasabi," anito. Talaga nga namang hindi siya tatantanan ng baklang 'to. "Aside from being friends with kuya, wala na. Madalas siya sa bahay noon. Yes, we talked but very very casual," sabi na lang niya para matigil na ang kaibigan. "Masaya ka na?" "Okay. Pero hindi ka ba nagkagusto sa kanya? Ang pogi kaya niya," sabi pa nito. "No. I thought of him as kuya, 'yun lang," sagot niya na hindi nakatingin kay Gabby. "Liar," isang boses ang narinig niyang nagsalita hindi kalayuan. Teka, hindi si Gabby 'yon ha! Parang si... "Ay, sir Calvin nandyan ka pala," narinig niyang sabi ng kaibigan. "Sorry to eavesdropped, but I think my little Thea here is lying," sabi pa nito habang dahang-dahang lumilingon sa kanya. "What?" nagbabanta ang mga tinging ipinukol niya sa lalaki. "You were lying when you said that you didn't crush on me," sagot nito sa kanya. "It's true. Bakit naman ako magka-crush sayo eh ang tanda mo sakin?" aniya rito. Halos lumabas na ang mga litid niya sa leeg habang sinasabi iyon. Ang lagay eh sinisiraan pa yata siya nito sa harapan ng kaibigan at mga katrabaho. "Si Calvin ba talaga ang nagsisinungaling?" bulong ng isip niya. "Hindi nga ba at inamin mo pa iyon sa kanya noong maging kayo na?" "Matanda? Are you kidding me?" kunot-noo nitong tanong sa kanya. "Oo. You're older than me. Nine years to be exact. So why would I have a crush on you?" aniya pa. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng mga labi nito. Kinabahan siya. Hindi dahil sa sasabihin nito kundi dahil nag-react ang puso niya. Kailan kaya hindi magiging sexy ang lalaking ito sa paningin niya? "Fine. It doesn't matter anyway. Kung hindi ka nagka-crush sakin, okay lang. Sating dalawa naman, ako talaga ang patay na patay," anito na hindi inilalayo ang tingin sa kanya. Napanganga siya sa sinabi nito. Pero mas matindi ang pagkakanganga ni Gabby at ng iba pang naroon. Nanlilisik ang mga mata niya nang tumingin kay Calvin. Hindi niya alam kung paano niya babawiin ang sinabi nito. Siguradong gigisahin siya ng mga kasamahan dahil pinagnanasaan ng mga ito si Calvin. "You're kidding, baka mamaya maniwala sila sayo," sabi niya sa lalaki. "He's kidding. Hobby niya na kasi akong i-bully dati pa." Pilit niyang paliwanag sa mga kasamahan habang sa isip ay ginugulpi na si Calvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD