Chapter Six

1030 Words
Muling pinasadahan ni Thea ng tingin ang blue print na nasa kanyang harapan. Ito ang desenyo ng private office ng bago niyang kliyente. Ilang designs na rin ang nagawa niya para sa interior nito ngunit katulad ng dati ay nais niyang halos perpekto ang kanyang ipi-prisinta sa kliyente. Sabi ng boss na si Miguel, dumaan kahapon ang kanyang kliyente bandang lunch ngunit hindi na siya nahintay pa dahil sa busy schedule. Nakatakda naman ang kanilang meeting sa susunod na Biyernes para ipakita rito ang kanyang design. Hindi niya alam ngunit para siyang nape-pressure sa project na ito. Basta iba lang 'yun feeling niya. Tinititigan niya ang monitor ng kanyang computer nang mapatingin siya sa bouquet na nasa gilid ng kanyang mesa. Gusto niya iyong itapon ngunit hindi naman niya maatim na mapunta sa basurahan ang magagandang bulaklak na iyon. At malamang na katakot-takot na tanong ang ibabato sa kanya ni Gabby kapag ginawa niya iyon. Isa pa ay hindi rin naman siya sigurado kung kay Calvin nga nanggaling ang mga ito. Medyo assuming naman siya sa part na 'yon. Pero wala naman siyang ibang maisip na magbibigay noon sa kanya. Matagal na rin nang huli siyang makipag-date. So, sino pa ba ang maaari niyang maisip bukod sa kanyang ex-boyfriend. "Bwisit kang lalaki ka. Bumalik ka lang nagkaloko-loko na 'tong utak ko!" aniya sa isip. Hindi niya maintindihan ang sarili, anim na taon na ang nakalipas ngunit parang sariwa pa rin lahat ng kanyang naramdaman. Mula sa paghanga niya sa kabuuan nito na para bang high school pa rin siya, sa mabilis na pagtibok ng puso kapag malapit ito sa kanya. Hanggang sa sakit na naramdaman niya nang mahuli niya itong may kandong na ibang babae! Nakakapikon. Habang ang lalaking iyon ay cool na cool lang at palapit-lapit pa sa kanya na akala mo hindi ito nangaliwa. "That good-for-nothing bastard!" bulong niya. Hindi niya napansin na napapadiin ang bawat pagtipa niya sa kanyang keyboard. "Thea!" nagulat pa siya nang makita si Gabby sa tabi ng kanyang table. "May pinagdadaanan ka ba?" Gulat siyang napalingon dito. Nagsalubong ang kilay niya nang tumingin kay Gabby. "What?" tanong niya rito. "Hindi na ko magtataka kung bukas sira na 'yang keyboard mo," sagot naman ni Gabby habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanyang keyboard. Nalipat naman ang paningin niya rito. Napapalatak siya sa napagtanto. Wala na talaga siya sa sarili. Hanggang ngayon matindi pa rin ang epekto sa kanya ni Calvin at hindi na niya ide-deny sa sarili ang bagay na 'yon. "Ahm... I'm just pressured. Ang ta-taas kasi ng expectations ng client ko na 'to," nauutal pa niyang paliwanag sa kaibigan. "Are you sure?" tanong muli ni Gabby. "Yep," tumango-tango pa siya rito para makumbinsi ang kaibigan. Malakas kasi ang radar nito at alam niyang may iba na itong nararamdaman sa mga ikinikilos niya nitong nakaraang mga araw. "O siya, sabi ni boss, mag-ready ka raw kasi darating 'yang kliyente mo mamaya. Nagmamadali na raw kasi ito at gusto nang makita ang mga designs mo," mahaba nitong sabi. Nagulat siya. Bakit biglaan? Sinabi naman niya kay Miguel na hindi pa tapos ang mga designs. Ganunpaman, hindi pa rin siya nag-protesta. Bahala itong mag-tiyaga sa ipe-present niya. Noong isang linggo lang ibinigay ni Miguel sa kanya ang project na iyon. Hindi naman siya magician na makakagawa ng designs sa loob lamang ng maikling panahon. Ni hindi pa nga siya nakakapunta sa opisina nito para makita ang kabuuan nit at nagbase lamang sa mga larawang ibinigay nito. Muli siyang tumingin sa monitor at nagpatuloy sa ginagawa. Pilit na niyang itinaboy si Calvin sa kanyang utak upang magamit niya iyon sa trabaho.                                                                                       *** "Anak ng puting tipaklong! Anong ginagawa ni Calvin sa kanilang opisina?" Natulala na lang si Thea sa lalaking akbay ng kanilang boss na si Miguel nang pumasok roon. Napalingon siya kay Gabby nang mapaubo ito, naibuga pala nito ang iniinom na kape nang mapatingin sa bagong dating. "Oh, she's there!" narinig niyang sabi ni Miguel. Nanlaki ang mata niya nang makitang papunta sa direksyon niya ang dalawang lalaki. All smiles ang kanyang boss habang titig na titig naman si Calvin sa kanya. Bahagya pa siyang hinagod ng tingin nito. Napakunot ang noo nito nang mapadako sa kanyan mga legs. Naka-skirt kasi siya nang araw na iyon. "So Calvin, meet our office's gem, Thea. She's the designer you've been asking," narinig niyang sabi ni Miguel. "Thea, she's your new client, Calvin Buenavista, the one and only." Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Tila nagpantig ang kanyang mga tenga sa narinig.  "You've gotta be kididing me," hindi niya napigilang sabihin sa harapan ng kanyang amo. "What?" tila naguluhang tanong naman ni Miguel habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Narinig niya ang mahinang halakhak ni Calvin. s**t! Ang sexy! "I forgot to mention, she's my friend's sister. So, we both know each other," sabi nito. Naroon na naman ang nakakalokong mga tingin nito.Tuwang-tuwa siguro ito na paglaruan siya. Mula noon hanggang ngayon, hobby na yata nito iyon. "Really? What a small world. Kaya pala siya ang ni-request mo na mag-design ng opisina mo," sabi ni Miguel na walang kamalay-malay. Sabay-sabay naman silang napalingon nang marinig ang muling pag-ubo si Gabby. Humingi naman ito ng paumanhin bago nag-iwan ng makahulugang tingin sa kanya. "Anyway, Thea, nasabi na ba sayo ni Gabby na may meeting tayo with Calvin?" tanong ni Miguel. Tumango naman siya rito. "Good. So, see you later," anito bago inakay si Calvin palayo sa pwesto niya. Bago tumalikod ay nag-iwan pa ng makahulugang mga tingin si Calvin sa kanya at tsaka kumindat. Kung nakakapagbuga lang ng mga sibat ang mga tingin ay malamang na kanina pa nakahandusay ang binata. Nananadya ito, sigurado siya roon. Uupo na sana siya nang mapatingin kay Gabby na ngayon ay nakataas pa ang isang kilay habang nakatingin siya. "Sis, ang hot ni Papa Calvin. Pero mas hot 'yung mga titig niya sayo. Buti buo ka pa at hindi nalusaw?" nakakaloko nitong sabi sa kanya. Tinalikuran na lang niya ito at bumalik sa trabaho. Kanina, hirap na hirap na siyang alisin ang lalaking iyon sa kanyang isipan. Ngayon, sigurado na siyang hindi na makakapag-focus sa trabaho dahil dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD