Hindi alam ni Thea kung bakit tila walang katapusan ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya. Kanina pa siya umiiyak matapos ang pag-uusap nila ni Calvin. Sa wakas ay tinanggap na rin niya sa sarili na apektado pa rin siya sa dating nobyo. Oo, hindi na niya mahal ang lalaki... Hindi na nga ba? Oo... baka? Pati sarili niya ay kaaway na rin niya 'pag dating sa pesteng nararamdaman niya para sa lalaki. Ang alam lang kasi niya ay matagal na siyang naka-move on dito. Pero heto siya ngayon. Luhaan na naman nang dahil kay Calvin. Hindi niya rin makalimutan ang pag-amin nito na gusto nitong makipagbalikan sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon? Bakit ngayon lang? Hindi naman dahil sa atat siya sa lalaki kundi iniisip niya ang dahilan kung bakit umabot pa sa mahabang panahon para rito na ma

