"You're out of your mind," sagot ni Thea sa sinabi ni Calvin sa kanya. Ang kapal ng mukha nitong sabihin na umamin na siya na akala mo ay ganoon lang kadali ang lahat. At ang puso naman niya ayaw magpaawat sa pagtibok ng malakas. Hindi talaga ito marunong makisama sa kanya. "Babe, bumalik ka na sakin..." pagsusumamo nito sa kanya. Inabot pa nito ang kanyang mga kamay at masuyo iyong pinisil-pisil. At talagang malapit nang bumigay ang puso ni Thea. Kailangan na niyang umalis doon. "I have to go," aniya at binawi ang mga kamay mula rito. Ngunit sadyang makulit si Calvin. Hinabol siyang nitong muli at pilit na ikinulong sa mga bisig nito. Dapat ay magpumiglas na siya at lumayo. Pero tila nawalan ng lakas ang katawan niya at hindi makakilos. Pamilyar sa kanya ito. "Thea, come back to m

