It was devastating. She loved Calvin very much. She trusted him with her whole heart. Kaya masakit, kasi wala na palang natira sa kanya, naibigay na niya rito. Wala siyang mapagsabihan dahil lihim lamang ang kanilang relasyon. Hindi niya magawang magmukmok dahil kailangan niyang magpanggap noon sa harap ng lahat. And what hurts her more is the fact that Calvin didn't do anything to save their relationship. Kahit isang tawag o text, wala siyang natanggap mula rito matapos ang nangyari sa private office nito. Ganoon ba ito kadaling sumuko? At ganoon lang kabilis na nakalimutan siya nito? Samantalang siya ay wasak na wasak sa loob at halos hindi na makapagpatuloy pa? Nagsisinungaling lang ba ito sa tuwing sinasabi nitong mahal siya? O natauhan na ito na hindi pala siya nito ganoon kamaha

