For the nth time, tulala na naman si Thea dahil kay Calvin. Hindi niya maunawaan ang mga ikinilos nito ngayong araw. Pagkatapos nitong sabihin kanina sa kanila ni Miguel na nais nitong madaliin ang renovation ng private office nito ay hindi na siya nito kinausap pa kahit na nandoon lang siya sa katapat na upuan nito. Kahit lingon ay hindi nito ginawa sa kanya at tangin si Miguel lang ang kinakausap na dapat ay kasali rin siya. Hello? Siya kaya ang designer. Kung ganoon lang naman pala ay bakit hindi pa ito pumayag na bitawan niya ang project na iyon? Pagkatapos ng meeting nila ay mabilis na itong nagpaalam kay Miguel at bahagya lang siyang tinanguan. Maging ang boss niya ay alam niyang naguguluhan din ngunit hindi naman ito nagtanong pa sa kanya tungkol doon. Humingi na lang siya ng

