“This is Chadri,” pagpapakilala ko. “Friend.” Napatingin sa akin si Chadri. Friend. Leche. Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong mali sa salitang iyon. Pero wala siyang sinabi. Bahagya lamang siyang tumango kay Ephraim. “Chadri Kuznetsov.” “Ephraim Castillo.” Nagkamayan sila. Polite. Calm. Pero punyemas— Bakit parang biglang umiinit paligid? “Matagal na ba kayong magkakilala?” tanong ni Ephraim habang nakangiti pa rin sa akin. “Hindi naman,” sagot ko agad. “Nagkakilala lang kami sa Korea.” Bahagyang tumaas kilay niya. “Korea?” “Vacation,” singit ni Chadri bago pa ako makasagot. Tahimik kong nilingon siya. Kalmado lang mukha niya habang nakapamulsa at nakatayo sa tabi ko. Nakasuot pa rin siya ng puting polo na bahagyang nakatiklop ang manggas hanggang siko kaya

