“What?” tanong ko. “You look pretty today.” Agad akong napaubo. “Chadri!” “What?” “Huwag ka ngang ganiyan magsalita!” “Why?” “Because—” Huminto ako. Kasi hindi ko rin alam paano ipapaliwanag. Basta delikado. Masyadong delikado. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin mula sa kabilang side ng mesa habang bahagyang nakataas ang sulok ng labi niya. Hindi siya natatawa nang malakas. Hindi rin nang-aasar. Parang simpleng observation lang talaga para sa kaniya iyong sinabi niya. At iyon ang mas nakakagulo. Mabilis akong yumuko para kunin ang baso ng tubig. “Order ka na nga,” bulong ko. “I already did.” Napatingin ako sa kaniya. “Kailan?” “Kanina pa.” “Kaya pala kampante ka.” “You were busy panicking.” “I was not panicking.” “Sure.” Napairap ako. Maya-maya pa ay dumatin

