“Do you like him?” Biglang bumilis t***k ng puso ko. Agad akong napatingin kay Chadri. Diretso. Tahimik. At punyemas— Mukha siyang seryoso. Hindi playful. Hindi nang-aasar. As in seryoso talaga. “Ano?” mahina kong tanong na parang hindi ko narinig. “You heard me.” Napakurap ako nang ilang beses habang hawak pa rin ang seatbelt ko. Sa labas ng sasakyan ay maingay ang mga busina at usok ng Maynila, pero sa loob— Parang sobrang tahimik. At mas lalong nakakainis dahil pakiramdam ko, masyado kong naririnig sariling t***k ng puso ko. “Bakit mo naman natanong?” sagot ko sa wakas. Bahagyang napabuntong-hininga siya saka sumandal nang kaunti sa upuan habang nakatingin sa windshield. “You looked comfortable around him.” Napakurap ulit ako. Comfortable. Hindi ko alam bakit pero p

