Chapter 9

1455 Words
Nakipagtitigan ako kay Gaara pagkatapos. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili kong agad akong bibigay sa pakulo ni Mama. Paniguradong kapag nalaman ito ni Line, abot-abot na naman ang mga pang-aasar niyon sa akin. “Girlfriend?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay. “Girl friend.” Napairap ako kung paano niya mabagal na binanggit ang bawat salita na kaiba kung paano niya binanggit iyon kanina. Letse. Isa siyang scam! “Ah.” Naikuyom ko ang aking mga palad. “Who told you I am your girl friend? For the record, we are not friends, Doc.” “You called me Doc. again,” nakangiting sabi niya bago nilantakan iyong fries naming dalawa. Ang corny. “Crush mo ako, ‘no?” mayamaya’y tanong niya. Naka-plaster rin sa mukha niya ang isang malaking ngisi. Bagamat hindi ko iyon inaasahan ay nanatili ako sa mataray kong hitsura. “Here’s your frappe.” Agad ko iyong inabot mula sa kaniya. “Hindi,” maiksi kong tugon sa tanong niya saka sumipsip sa aking frappe. Ganoon din naman ang ginawa niya. I managed to stay cool in front of him at hindi na masyado pang nagpadala sa lakas ng appeal niya although naka semi-formal siya ngayon; white long sleeves tucked inside his black pants. Naka-brushed up ang maitim at bagsak niyang buhok. He’s a total gorgeous man. “Matanda na ako,” aniya bigla. Pasimple akong kumuha ng fries saka iyon isinubo. “So? Wala naman akong reklamo, a?” sambit ko na nasa tonong pagtataray pa rin. “Ang dami kaya riyang mag-asawa na halos ilang dekada pa ang agwat ng edad.” “So crush mo nga ako?” saad niya sabay subo ng fries. Makailang beses akong napakisap sa tanong niya nang mapagtanto kong masyadong akong naging defensive sa sagot ko. Aniya pa, “Well, you have a point. Ang dami ko na rin namang na-encounter na couple o mag-asawa na malaki ang age gap.” Napatango ako nang wala sa oras. “Indeed,” nautal ko pang sagot bago napahigop doon sa aking inumin. Susubo pa lang sana ako ng fries nang tanungin niya ako ulit. “Pero crush mo nga ako?” Tila isa rin siyang sirang plaka. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Sa loob-loob ko, hindi ko masabi kung crush ko na ba siya kahit madalas siyang sumagi sa isip ko nitong nakaraang linggo. But he’s undeniably attractive. Pero ayaw ko pa ring magsalita. “Doc, ganito kasi iyan,” sabi ko nang makaisip ako ng sasabihin sa kaniya. “Alam mo, kung iyong abogado, professional na magaling magpalusot at magsinungaling, ikaw naman na Gynecologist ay professional na manyak! Kaya bakit ako magkaka-crush sa isang manyak na katulad mo?” pang-aasar ko. His eyebrows knitted. Napanganga rin siya bago napasandal sa kinauupuan niya. Tiningnan niya ako nang may halong pagkamangha saka humugot ng isang malalim na hininga. “Professional na manyak? Ang taba ng utak mo, Calli. Hindi ako manyak,” tanggi niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa. “Really?” “How about you? Hindi ba’t future lawyer ka?” sabi niya sabay tingin sa suot kong uniform at ID. Dagdag niya, “Ngayon pa lang, professional ka na sa pagpapalusot at pagsisinungaling na hindi mo ako crush, e. Paano kung licensed ka na?” Ngumisi siya. Potres! Lusot na lusot! Tiningnan ko siya nang masama. “Huwag mong binabago ang usapan! If I know, ilang dosenang pempem na ang nakita mo!” Napaawang na lamang ang aking bibig nang bigla siyang humagalpak ng tawa sa harapan ko. Nakakatawa ba ‘yon? “Hoy! Ano’ng nakakatawa?” bulyaw ko sa kaniya. Nang matigil ang kaniyang pagtawa ay tiningnan niya ako. “Tama ka naman. Actually, hindi ko na mabilang kung ilang pempem na ang nakita ko. May pula, may itim, may kulay pink, may kulay brown. May shaved, unshaved, saka trimmed. May cute, mabilog, flat, matam—” “Manyak ka talaga, Gaara!” Nang dahil sa pagsigaw ko at muli niyang paghagalpak ng tawa ay napatingin ang mga tao sa paligid namin. Walanghiyang duktor ‘to? May cute bang pempem? Punyemas na description iyon! “Kaya siguro iyan ang propesyon na kinuha mo ay para makakita niyon! Idinagdag mo pa iyong akin sa koleksyon mo! Manyak!” asik ko pa. “Hey! Hindi nga ako manyak,” muli niyang pagtanggi nang matigil ang kaniyang pagtawa. “I wouldn’t spend 12 years sa pag-aaral kung iyon lang ang dahilan ko. Puwede naman kasi akong makakita niyon kahit hindi ako duktor. Guwapo ako, right? If you know what I mean,” pagmamayabang niya saka ngumisi nang pagkalapad-lapad. Ang taas ng confidence! Palibhasa may ipagmamalaki, pero kahit na! “Yabang.” “Biro lang,” sabi niya. “It’s not the reason why I took the path of being a Gynecologist,” dagdag pa niya habang ngumunguya. Bibihira ang male Gynecologist kaya totoo namang nakakaintriga kung bakit niya ito napili. “Of all specialties in medical school, Gynecology talaga ang napili mo? Bukod sa pananantsing sa mga pempem, ano pa ang mga dahilan mo?” “Watch your mouth.” “Joke lang. So, ano nga?” Muli siyang sumisipsip sa frappe bago niya ako sinagot. Pakiramdam ko ay ito na ang simula ng matino naming pag-uusap. Kumalma na rin kasi ang mga nerves sa mukha ko at nawala na ang pagkainis ko at lukot nito. “I have two younger sisters. For me, it’s an honor to be involved in meaningful parts of women’s lives; their s****l health, reproductive health, child bearing years, and dealing with cancer,” sabi niya bago muling kumuha ng fries. “The female body is a metaphor for her womanhood and I love the idea that I am granted to access their whole identity. Women’s health care is far superior. I really love to take a good care of them.” Nang marinig ko iyon ay bahagyang nabago ang tingin ko sa kaniya. Trabaho nga naman niya iyon. “That’s sweet,” sabi ko. “Gusto mong mag-alaga ng babae pero single ka.” Umiling siya. “It’s not necessary for me to have a girlfriend to take care a woman. As I’ve told you, I have two younger siblings. Babae sila at naaalagaan ko sila. Ganoon din ang mga nagiging pasyente ko.” Pumangalumbaba ako saka siya pinagmasdan. Ang amo ng mukha niya at pakiramdam ko ay napaka-genuine ng sinabi niya. “Ayaw mo bang mag-girlfriend o magkaasawa para hindi lang mga kapatid mo o pasyente mo lang ang inaalagaan mo?” tanong ko. “I mean, another level of taking care a woman. Iyong mahal mo, ganoon.” “Mahal ko naman sila.” “Hindi kasi—” “I get it, don’t worry.” Ngumiti siya ngunit napayuko rin agad. Aniya, “Gustuhin ko man, kaso—” Nang mapalingon ako sa labas ay hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin. “Hala, umuulan! Hoy, Gaara—I mean, Doc! Uuwi na ako!” biglang pagpapaalam ko nang makita kong malakas na pala ang buhos ng ulan sa labas. Pasado alas singko-trenta na. Gustuhin ko mang makipagkuwentuha pa sa kaniya ay nag-aalala naman ako sa pag-uwi ko. “Ihahatid na kita,” sambit niya bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko. “H-ha?” Hindi ako bingi. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya. Dahil doon ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mama sa akin. “Paano kapag wala naman talagang nakalaan para sa akin?” “Hindi ka mawawalan, Calli.” Dahil mukha namang wala siyang balak tigilan ako ay pumayag na ako sa gusto niya. “Mangako ka muna,” aniya bago namin simulan ang laro. “Gagawin mo kung ano ang napag-usapan natin.” Tumango na lang ako. Sa isang bagsak ng aming mga kamay ay agad akong natalo. Gunting ako, bato si Mama. Malalim ang naging paghinga ko bago ko naisip na mukhang kailangan kong subukan ang sinabi ni Mama, bagay na napag-usapan namin ako pumayag sa pakulo niya. “Alam mo bang masarap sa pakiramdam kapag nakakilala ka ng lalaking gugustuhin kang alagaan?” aniya sabay ngiti. “Ganyan ba si Papa?” Tumango naman siya. “Iyong tipong hindi mo na kailangang sabihin ang isang bagay para gawin niya. May pagkukusa kumbaga. Iyong gentleman.” “Ihahatid mo ako?” pag-uulit ko pa sabay turo sa aking sarili. “Yes. Ihahatid ka na ng crush mo. Halika na,” saad niya saka naunang maglakad palabas ng milktea shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD