Pinaghalong malakas na ulan sa labas at mahinang tugtog sa loob ng sasakyan ni Doc. Gaara ang tanging naririnig ng aming mga tainga. Katulad nga ng sabi niya kanina ay ihahatid niya nga ako pauwi.
Palihim akong sumulyap kay habang siya’y nagmamaneho.
Ang taas ng nose bridge, ang cool ng ash-gray niyang buhok at ang guwapo niya. Nakakapagtaka at wala pa siyang asawa sa edad niya?
“I was actually following you awhile ago,” aniya bigla na sa daan lang nakatingin. “Papauwi na sana ako, kaya lang nahagip ka ng mga mata kong naglalakad lang mag-isa. Since mukha kang lutang, I thought of greeting you noong pumasok ka na kanina sa shop.”
Napakamot naman ako sa likod ng aking tainga dahil sa sinabi niya. Biro ko, “Stalker ka na ngayon, Doc? Pero salamat sa libre.”
“No worries.” Bahagya siyang natawa. “Pero kung manyak at stalker ang tingin mo sa akin, why would you let me be with you alone like this inside my car?”
Bahagya siyang sumulyap sa akin.
Dagdag pa niya, “What if I’ll make something bad to you?”
Sa halip na matakot ako sa tanong niya ay bagkus ko siyang tinitigan at pinanliitan ng mga mata. Sabi ko, “Siguro nga ay manyak ang tingin ko sa iyo pero malayo naman ang hitsura mo sa r****t. Hindi ako takot kaya huwag ka nang mag-feeling masamang tao riyan.”
Tinawanan niya ako sabay nailing. “You’re unbelievable! You think I’m not a bad person?”
“If you wanted to r**e me, sana ginawa mo na noong nahimatay ako sa laboratory mo,” sabi ko naman na lalo niyang ikinatawa.
“You have a point, Calli.”
Pagtingin ko naman sa dashboard ay nahagip ng aking mga mata ang isang litrato ng babae. Agad kong kinuha ko iyon at tiningnan.
“Sino ‘to? Girlfriend mo? Ang ganda,” saad ko habang nakatingin sa litrato. “Ikaw ha, masama mag-deny!”
“What? Wala akong girlfriend,” sambit niya. “She’s not my girlfriend pero isa siya sa pinakamahalagang babae sa buhay ko.”
“Asawa?”
“No, Calli.”
“Naka-fling mo tapos nahulog ka?” Umiling siya.
Tanong ko pa, “The one that got away?”
“No. Not.”
“E ano? First love?”
Muli siyang napatingin sa akin na animo’y natumbok ko na ang tamang sagot.
Ang gandang babae niyong nasa larawan. Mahaba ang kaniyang buhok, matangos ang ilong at maamo ang mukha.
“I guess?” aniya. “She’s my mother,” sabi pa niya kaya napaawang nang bahagya ang aking bibig.
“Nanay?” Tumango siya.
“Nanay mo ‘to? Seryoso? Ang bata pa ng nanay mo rito! Ang ganda-ganda ng mama mo,” namamangha ko pang sambit. Ngumiti siya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.
“She loves compliment.”
“Totoo naman kasi talaga. I heard you’re a Filipino-Russian and I bet, itong mommy mo ang Filipino. Nasaan siya?” usisa ko na agad naman niyang sinagot.
“Yes. My mom is Filipino and my dad, obviously, a Russian. Well, my family is in Russia. Ako lang ang narito sa Pilipinas for a short vacation. I just miss the Philippines. Tapos nagkataon na humingi ng favor itong kaibigan kong may-ari ng hospital,” paliwanag niya. “And si mom, her grave is in Russia as well.”
Tila doon ako nabingi.
“Grave?” halos utal kong sabi.
“My mom died when I was fifteen at halos kapapanganak pa lamang niya noon sa bunso kong kapatid. Nagkaroon siya ng postpartum hemorrhage after giving birth.”
Tiningnan ko si Gaara. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at nasabi niya sa akin ang mabigat na bagay na iyon. He could just change the topic, but he chose to answer it.
Nakangiti siya ngunit bakas sa mukha niya ang lungkot. Kung titingnan, kamukha nga niya ang kaniyang ina at siguro’y doon rin niya namana ang pagkakaroon ng matangos na ilong.
“Sorry,” halos pabulong kong sabi.
“It’s okay. It’s been a long time. Wounds were healed, although there are scars left.”
Mabigat ang salitang iyon. Totoo naman. Iyon na siguro ang pinakamalalim na sugat na puwede nating matamo; ang sugat sa puso dahil sa pagkamatay ng mahal natin sa buhay.
“Naaalala ko pa bago siya mawala. Sabi niya sa akin na alagaan ko raw ang mga kapatid kong babae at ang lahat ng babaeng makakasalamuha ko,” kuwento niya. “At first, gulong-gulo ako sa sinabi niyang alagaan ko ang lahat ng babaeng makakasalamuha ko, not until I decided to become a Gynecologist.”
“Pag-aalagang may kasamang kamanyakan,” bulong ko pero hindi ko inaasahan na kahit rinig ang ingay ng buhos ng ulan ay mauulinigan niya iyon.
“Hindi nga ako manyak.”
Napakagat-labi ako. “Joke lang. Ito naman,” nakangiwi kong sabi.
Mayamaya’y ngumiti rin siya.
“Isa pang rason kung bakit ako naging OB-GYN is for the miracle of giving birth. Katulad nga ng sabi ko kanina, it’s a great honor to be part of women’s meaningful moments.”
“Oo na,” sagot ko na tunog labag sa aking kalooban, dahilan para lumingon siya sa akin.
“Excuse for my Tagalog accent, by the way. Marunong akong mag-Tagalog since I was born here. Pero at the age of 12, dinala na kami ni Mom ni Dad sa Russia for good,” kuwento pa niya. “I come here twice a year or kung kailan ko gusto to visit my childhood friends and close relatives sa side ni Mom.”
Napatango ako. Natutuwa ako sa pagiging makuwento niya tungkol sa personal life niya kahit hindi naman niya ako talaga kilala.
“How about you? Are you an only child?” tanong niya kaya agad akong napatango.
“Si Mama lang ang kasama ko sa bahay. OFW kasi si Papa.”
“I see.” Napansin ko ang malalim niyang paghinga. “Kaya dapat healthy ka lagi. Mahirap sa magulang na malayo na malaman na may sakit ang anak niya.”
Napangiti ako habang tumatango.
“Salamat pala sa pag initiate na ihatid ako pauwi,” sabi ko.
Tumango siya. “Don’t mention it.”
Pagkatapos niyon ay nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Halos thirty minutes na rin kami sa daan dahil sa traffic dala ng malakas na buhos ng ulan.
“Calli, you’re nice and funny. Natutuwa ako sa iyo kasi pakiramdam ko, kasama ko iyong bunso kong kapatid,” aniya sabay ngiti. Nabasag niyon ang katahimikan hindi lang sa amin, pati na rin sa puso ko.
Tila may kumurot kasi sa loob ng dibdib ko nang marinig kong inihalintulad niya ako sa kapatid niya. Kung ganoon, wala pa mang nagsisimula sa amin, tapos na ito agad?
Napalunok ako dahil tila biglang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi na rin ako nakaimik pa habang nakatingin lang sa kaniya.
Dagdag niya, “I’m just teasing you, but don’t you dare fall for me.” Tumawa siya. “I’m just kidding. I’m sure naman na may nagugustuhan ka na. Iyong mga kaedad mo.”
“Naku!” Napaiwas ako ng tingin. “Masyado ka na namang mahangin, Doc.”
“Bakit? Wala ba?” nag-uusisa niyang tanong.
Napailing ako. “Aral muna, Doc.”
Pero sa isip ko, bakit hindi puwede? Kung sakali, hindi ba talaga kami puwede?