Unfortunately, hindi yata aware iyong universe na gusto kong magkaroon ng peaceful day. Dahil alas-diyes pa lang ng umaga ay gusto ko nang mag-resign bilang abogado. “Attorney Silvallana, your client is already waiting inside,” sambit ng clerk habang nagmamadali akong maglakad sa hallway ng courthouse. Napasulyap ako sa wristwatch ko bago mabilis na inayos iyong black blazer ko. Mainit na agad kahit umaga pa lang at pakiramdam ko ay natunaw na iyong makeup ko sa stress. Monday courts were hell. Punuan iyong hallway ng mga tao—may clients na balisa, may mga batang umiiyak, may ilang abogado na parang hindi na natulog kagabi dahil sa dami ng hawak na kaso. Normal na eksena. Pero nakakapagod pa rin. “Thank you,” sagot ko saka tuluyang pumasok sa hearing room. Bandang ala-una na nang

