Chapter 6

1287 Words
Ilang beses akong kumisap nang maalimpungatan ako saka ako bumangon. Kinusot ko ang aking mga mata saka pinakiramdaman ang paligid. Pag-ikot ng aking mga mata para tingnan ang paligid ay nakita kong nasa laboratory pa rin ako. “You are my last patient pero thirthy minutes na akong late sa susunod kong lakad dahil ang tagal mong magising.” Paglingon ko sa tabi ko ay nakita ko roon si Doc. Gaara na nakaupo at naka-krus ang mga braso. Agad naman akong umayos nang aking upo saka inalala ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay. Pilit akong napangiti kahit hiyang-hiya na ang aking buong kaluluwa. “Anyway, the test went well,” sambit niya saka tumayo, tinungo ang kaniyang table at kinuha ang isang pirasong papel. Dumausdos ang laway sa lalamunan ko. “You mean, tapos na? Tapos na ang pelvic exam ko? Nakita mo na ‘yong... ‘yong ano ko?” Tumango ito nang hindi man lamang ako tinitingnan. So hindi na ba ako virgin? “Wala namang malalang findings,” saad pa niya saka naglakad pabalik sa tabi ko. “Sa kaso mo, delayed ang menstrual period mo dahil sa weight loss, stress at unhealthy lifestyle. You collapsed earlier dahil wala pang laman ‘yang tiyan mo. Kumakain ka pa ba?” pasinghal na tanong niya sa akin saka muling tumingin sa papel na hawak niya. Tama. Payat ako para sa edad ko, stress ako lately, at mahilig ako sa street foods. Napanguso na lang ako habang pinapakinggan siya. “You can do hot compress kung sumasakit ang puson mo. One more thing, avoid alcohol, caffeinated drinks, processed foods, foods high in fats, dairy products, fried foods, as well as the refined grains during menstrual period. Makakatulong rin ang warm bath during red days para ma-relief ang muscle tension na sanhi ng menstrual cramps. Okay ka na ba?” Grabe, ang dami niyang sinabi. Ang sarap niya siguro? I mean, ang sarap niya sigurong maging boyfriend? Bahagya akong napaigtad dahil sa naisip ko. Umiling ako at pilit na iwinaksi ang nakakadiring ideya na iyon. “Miss Calli? Okay ka na ba?” “Ha?” usal ko at bahagya pa akong napaangat sa pagkakaupo ko. “Oo, okay na ako. Salamat.” Tumango ito saka ngumiti. Bumalik na rin siya sa kaniyang table dala iyong mga papel. Perfect white teeth, very manly. Bakit kasi may lalaking katulad niya ang nag-e-exist? Nang bigla namang kumulo ang tiyan ko. “Siguro, puwede na akong umalis?” nahihiya kong tanong bago pa akong tuluyang kainin ng malaswa kong utak. “Sige na, magpalit ka na. Puwede ka nang umuwi pagkatapos.” Tumayo na ako ngunit hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay may tunog na biglang sumulpot mula sa katawan ko. Kumakalam na ang tiyan ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya dahil sa tahimik ba naman sa loob ng laboratory ay malamang na narinig niya ang pagtunog ng gutom kong tiyan. Halos alas dyes na rin kasi ng umaga at wala pa talagang laman ang aking tiyan simula pa kanina. “Would you like to eat?” walang pakundangan na alok niya bago niya kinuha iyong supot na malaki. “I have two orders of spicy chicken buffalo here.” “Seryoso?” Parehong kilay ko ang nakataas nang tanungin ko siya. “Akala ko ba bawal sa akin ang foods with high fats? E, malangis iyan, ‘di ba?” Bumingisngis siya habang inaalwas mula sa supot iyong dalawang paper container. “Only if you have your menstrual period,” sagot niya saka ako tiningnan. “Okay. I’m sorry. I’m just craving. Please go and change.” Umupo lang siya roon saka binuklat ang ilang mga papel sa kaniyang table. Tumango na lang ako bago ako nagpunta sa likod ng isang kurtina upang magpalit ng damit. Grabe, talaga bang nakita na niya ang pempem ko? Never been kissed na lang pala ako ngayon. Nahawakan na niya ang perlas kong pinakaiingatan! “Salamat, Doc,” saad ko nang makapagpalit ako ng damit saka ko kinuha ang aking gamit. Pagpapasalamat iyon na labag sa aking kalooban. He took advantage my weakness! Tulog ako tapos saka niya sinilip ang p********e ko? Tama ba iyon? Pero hindi ko naman siya magawang sumbatan. “You’re welcome.” Pero bago pa man ako makapihit patalikod sa kaniya ay muli siyang nagsalita. “Miss Calli?” pagtawag niya sa akin. “Po, Doc?” “Huwag mong kalimutan ang mga bilin ko.” Ganito ba ang pakiramdam kapag may boyfriend? May bilin at paalala? Kung ganoon, mas maganda pa lang katulad niyang duktor ang matitipuhan ko kung sakaling magbago na ang isip ko? Ngumiti ako. “Okay. Thanks babe—I mean, Doc.” Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya dahil sa sinabi ko. Lihim akong natawa kaya kinagat ko ang aking labi para hindi niya mahalata. Agad naman akong tumalikod sa kaniya saka dahan-dahang tumungo sa pinto. Pipihitin ko na sana ang knob nang bigla na naman niya akong tinawag. “Miss Calli?” Humugot ako ng isang malalim na hininga bago siya lingunin. “Ano po ‘yon, Doc?” Napatunganga ako nang simulan niyang kagatin iyong manok. Namumula iyon dahil sa sauce at tunay na humahalimuyak ang masarap na amoy niyon. Letse. Para siyang nang-aakit! “Do not shave. Trimming is better. Kumain ka at mag-ingat ka sa pag-uwi mo.” Namilog ang aking nga mata. Naglaglag ang aking panga. Hanggang sa naalala ko ang ginawa ko kanina sa banyo habang naliligo. “Pelvic exam?” “Oo. Physical exam iyon sa v****a, cervix, uterus, fallopian tubes, ovaries, at rectum,” aniya. “First, the area outside the v****a is checked for signs of disease. A speculum is then inserted into the v****a to widen it so the v****a and cervix can be checked for signs of disease.” Napalunok ako nang malaman kong may ipapasok sa p********e ko. “Naranasan mo na iyan? Masakit ba?” “Hindi siya masakit. Mabilis lang naman iyon at kalimitang tumatagal ng 10 minutes. Mabuti na na magpa-check ka na rin.” “Nakakahiya.” “Para sa well-woman care, tiisin mo ang hiya. For sure, babae naman ang titingin sa iyo.” “Paano kapag lalaki?” Bigla siyang natawa sa kabilang linya kaya napabangon ako agad sa aking kama. “Hoy, Line?” inis kong tawag sa kaniya. “Kapag lalaki, goodluck na lang.Tapos pag-uwi mo, kuwento mo sa akin kung guwapo ba, ha?” Tumatawang binabaan niya ako ng tawag kaya naman ay inis kong naibato iyong unan ko sa lapag. Padabog akong nagtungo sa banyo para maligo na. Nang makapagbasa na ako ng aking buong katawan ay nahagip ng aking mga mata iyong disposable razor na sa gilid. Bago pa iyon at naka-sealed pa. Tumingin ako sa ibabang parte ng katawan ko. Malago na ang kagubatan doon. Nakakahiya naman kung bubukaka ako sa harap ng duktor na may epal at sala-salabid sa aking perlas ng silanganan. Hanggang sa kinuha ko na iyong razor at inumpisahang kalbuhin ang dapat kalbuhin. “Bakit ang aga mong nagising? Akala ko ba ala una pa ang klase mo?” Bahagya pa akong napapitlag nang marinig ko ang boses ni Mama. Pasimple ko kasing kinakamot iyong kalbong kagubatan ko dahil nangangati. Tiningnan ko si Mama na nag-aalwas ng mga damit mula sa tubalan. Malamang sa malamang ay maglalaba ito ngayon. “Mama,” sambit ko habang nagsusuklay ng aking basang buhok, “magpapa-check up ako.” Dali-dali akong lumabas ng pinto dahil sa kahihiyan. What the fvck? Tama ba ‘yong narinig ko? Do not shave? Pati ba naman ‘yon ibinilin niya? Ahh nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD