Chapter 5

1355 Words
I was in a complete surprise, syempre. Why him? Bakit ang guwapong duktor na katulad pa niya ang titingin sa madilim kong perlas? I suppose, ito na nga si Doc. Gaara. Ang tangkad niya at pang-boy next door ang datingan. No wonder kung maraming babae ang magpa-appoint sa kaniya at magladlad ng kanilang mga—nevermind. “Sorry po. Ang dami po kasing tanong ng pasyente,” paghingi nito ng paumanhin na bakas din ang tono ng pagkakilig. Saglit kong inihinto ang aking paghinga bago iyon binitiwan. Napaisip kasi ako bigla. Nang tumigil ako ay ngumiti siya. Sabi niya, “Ang kasunod ay base 3. Hubad na ang dalawang saging, ready to eat na. At ang home run, natusok na ng hotdog ang—” “Oo na! Oo na!” putol ko na sa kaniyang sasabihin. “Saging at hotdog? Letseng example iyan!” Humagalpak nang pagtawa si Line pagkatapos. Habang lukot ang aking mukha dahil sa mga kuwento niya ay tuwang-tuwa naman siya dahil sa reaksyon ko. “Masarap nga daw iyon,” aniya pa kaya ibinato ko na sa kaniya iyong takip ng plastic container. “Tumigil ka na. Hindi ko naman pinapangarap ang may maka-home run sa akin!” “Kailangan bang ibato mo sa akin ito?” Kinuha niya iyong takip saka pa sinabing, “Huwag ko lang malalaman na nagbago ang isip mo kasi ipagdadasal ko talagang mabubuntis ka taon-taon!” Umiling ako. Hindi puwede. Kahit guwapo ito, hindi pa rin dapat magbago ang isip ko. Nang bumaling ang tingin sa akin ng duktor ay ilang beses akong napakisap. “Sorry for waiting. I just needed to go to the restroom earlier. Let’s get inside?” nakangiti niyang saad sabay hawak nito sa knob ng pinto. “Naku! Ayos lang po, Doc!” tugon ko saka ako umiling. Halos mautal pa ako dahil masyadong malakas ang dating niya sa akin. “Sige Doc, aalis na po ako,” sambit ng nurse saka naglakad palayo. Nakita ko pa ang pagsilay ng kaniyang mga ngiti bago siya tuluyang pumihit patalikod. Nang makaalis ang nurse ay muling kinuha ng duktor ang aking atensyon. Nothing could’ve prepared me with what he said next. “Let’s do your pelvic exam, and I’ll tell you kung gaano na karaming pempem ang nakita ko.” Agad na nanlaki ang aking mga mata lalo pa nang makita ko ang malaking ngisi sa mukha niya. Hindi ko na alintana ang hindi niya tuwid na pagsasalita ng Tagalog dahil agad na binalot ng kahihiyan ang aking sistema. Punyemas! Narinig niya pala iyon? “So, tell me,” agad na sabi niya pagkaupong-pagkaupo pa lamang niya sa medical doctor’s chair. Agad siyang sumandal doon saka ako tiningnan. “Ha?” Nalaglag ang aking panga. Nagpuslit naman nang mahinang pagtawa ang kaniyang mga labi dahil sa tugon ko. “Maupo ka muna,” mahinahon niyang saad ngunit bakas sa mukha niya ang pang-aasar. Nag-angat din siya nang bahagya sa kaniyang pagkakaupo upang ituro ang upuan sa harap ng table niya. Doktor ba talaga ‘to? Ahh! Bakit inaasar niya ako? Ngumuso ako’t naupo sa harap niya. “Now, tell me why you want to know kung gaano na karami ang nakita kong—” “Doc, joke lang po iyon,” pagputol ko sa sasabihin niya habang kagat ang ibaba kong labi. Naging dahilan iyon para muli siyang matawa. Para akong natatae sa lagay ko dahil hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang aking tingin dahil sa hiya. “Okay,” tatango-tango niyang sabi. “Calli Silvallana, 21, right? Let’s proceed,” he paused saka tumingin sa papel na nasa ibabaw ng table niya. “Ano ba’ng nararamdaman mo, Miss Calli?” tanong niya makaraang mapasadahan ng tingin iyong papel na sa tantiya ko’y naroon ang record ko. Mula sa mapang-asar na mukha ay napalitan iyon ng—pag-aalala? Sandali. Baka nagseryoso lang? Napalunok ako bago nakapagsalita at sabihin ang sadya ko sa ospital na ito. “Delayed menstrual period tapos palaging masakit ang puson ko sa tuwing magkakaroon ako,” sambit ko. His forehead creased saka niya ako tinitigan. “Ilang beses na ba nangyari?” tanong niya saka muling sumandal. “First time lang ma-delayed ang period ko, Doc.” “For how many months ka na bang hindi dinadatnan?” “Dalawang buwan na.” “May boyfriend ka ba?” Napaawang nang bahagya ang bibig ko dahil sa tanong niya. Mabilis iyong tanong niyang iyon na hindi ko inaasahan. Ngunit sa halip na sagutin siya ay isang tanong ang binalik ko sa kaniya. Nakita ko naman kung paano nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Bakit?” “Anong bakit?” “Bakit ninyo tinatanong?” “I just want to know,” sagot niya. Agad na tumaas ang aking kilay saka ko pinagkrus ang aking mga braso. “Kailangan ba ‘yon, Doc?” Pagkasabi ko nito’y pinagkrus niya rin ang kaniyang mga braso saka ako tiningnan. Tingin iyon na animo’y pinag-aaralan ako. “Tinatanong kita kung may boyfriend ka kasi kung mayroon man, baka active ang s*x life mo at buntis ka. Ano ba’ng iniisip mo?” Nasamid ako sa sarili kong laway matapos kong narinig iyon. s*x? Active ang s*x life? Kalokohan! “Doc, katulad mo ay single rin ako. Never been touched, never been kissed. Hindi po ako buntis at wala po akong balak na magbuntis,” dire-diretso kong sabi. Nang ngumiti siya ay nakaramdam agad ako ng hiya. Masyado yatang nadulas ang dila ko para sabihing parehas kaming single. Napayuko ako habang palihim na kinukurot ang akong mga hita. “Parehas tayong single?” Hindi ko alam kung gusto lang niyang manigurado na single ako o hindi lang talaga siya makapaniwalang single ako sa lagay kong ito. Mapakla akong napangiti. “Totoo po,” sagot ko. “If you say so, then let’s proceed to the exam,” aniya. Humugot ako nang isang malalim na hininga bago tumayo at magpalit ng damit para isuot ang isang gown para sa pelvic exam. Gagawin ko ba talaga ‘to? Ipapakita ko ba talaga sa lalaking ‘yon ang pempem ko? Punyemas! Bakit kasi ganito? Wala akong suot na panty! Paghiga ko sa gynecological chair ay hindi na ako mapakali lalo pa noong pumwesto na si Doc. Gaara sa paanan ko. “Are you ready?” tanong niya kaya bahagya ko siyang sinilip. “Doc, masakit ba ‘yan?” “No, this won’t hurt. Don’t worry, I’ll be gentle.” Nang hawakan niya ang magkabila kong binti ay mariin akong napapikit. Para akong kinukuryente sa hawak niya. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng aking kalamnan at panlalamig ng aking mga kamay. Daig ko pa ang ooperahan dahil sa kabang nararadaman ko. “Huwag kang ma-tense, okay? Relax. Let me see it,” sambit pa niya saka marahang ipinuwesto ang aking mga paa at unti-unting ibinuka ang aking mga hita. Wala akong boyfriend! Never been touched, never been kissed pa ako tapos sa duktor ko ito unang ipapakita? Bago pa man niya tuluyang makita ang aking p********e ay agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sabay hila pababa nitong suot kong gown. “What’s the problem?” kunot noo niyang tanong. “E, kasi Doc, nakakahiya.” I seriously looked like stupid in front of him right now. Hindi ko kaya ‘to! Kahit pa guwapo siya! “It’s normal and I understand, pero we need to do the test. Hindi ba’t iyon ang ipinunta mo rito?” “Nakakahiya nga po, Doc.” “Come on, Miss. Isa akong duktor.” “Kahit na. Lalaki ka pa rin! Saka virgin pa ako!” “So? Virgin ka pa rin naman pagkatapos ng test. Miss, please calm down. I told you, hindi ito masakit. Mabilis lang...” Before I could be able to hear all what he’s saying, black dots came covering my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD