Maaga akong nagising kinabukasan hindi para pumasok, kung hindi para pumunta sa clinic at magpa-check up. Nakakabahala rin kasi.
“Bakit ang aga mong nagising? Akala ko ba ala una pa ang klase mo?”
Tiningnan ko si Mama na nag-aalwas ng mga damit mula sa tubalan. Malamang sa malamang ay maglalaba ito ngayon.
“Mama,” sambit ko habang nagsusuklay ng aking basang buhok, “magpapa-check up ako.”
“Check up? Bakit?”
Napatigil siya at tinitigan ako. Habang naghihintay siya sa sagot ko ay napabagsak ang aking mga balikat.
“Pupunta po ako sa OB-GYN clinic diyan sa bayan. Sabi kasi ni Line, magpa-check up na raw ako dahil dalawang buwan na akong hindi dinadatnan—”
“Wala ka namang boyfriend, ‘di ba?”
Agad kong sinamaan ng tingin si Mama dahil sa tanong niyang iyon.
Sabi ko, “Mama, seryoso ako tapos ganiyan ang tanong mo sa akin?”
“Naninigurado lang.”
“Hindi po ako mabubuntis. Hindi rin po ako buntis kung iyon po ang gusto ninyong marinig.”
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
“Mabuti pa nga na magpa-check up ka na dahil baka pag lumala iyan ay baka hindi ka na nga makapagbuntis pa,” aniya kaya lalong nalukot ang aking mukha.
“Mama, hindi ako magpapacheck-up dahil takot akong hindi magbuntis. Magpapacheck-up ako dahil baka kapag lumala ito ay maaga akong mamatay! Ayaw ko pa pong mamatay! Ayaw ko pong mag-asawa, remember?” katuwiran ko naman saka inayos ang maliit na bag na aking dadalhin.
“Gano’n?” parang naiinis niyang sambit sabay ibinato niya sa mukha ko iyong damit. “Ay para saan pa at gusto mong mabuhay nang matagal kung wala ka pa lang balak mag-asawa at magkapamilya?”
“Aba para maging mayaman tayo! Magtatrabaho pa po ako!” halos pasigaw kong sabi.
“Sus!” Inismiran niya ako. “Mayaman ka riyan.”
Sumimangot naman ako. “Gusto ninyo na ba akong mamatay?”
“May sinabi ako?” Umirap siya bago siya tumalikod at pumasok sa kuwarto.
“Oh, saan kayo pupunta?” usisa ko.
“Sasamahan kita—”
“Huwag na po. Kaya ko naman mag-isa.”
Tumigil siya at muling napaharap sa gawi ko. Aniya, “Sa ospital ka na dumiretso.”
Tumango ako bilang sagot bago ko isinukbit sa akong balikat iyong bag. Dagdag niya, “Hindi ka ba muna kakain? Maaga pa naman, e.”
“Sa labas na po ako bibili ng pagkain. Kailangan kong pumunta nang maaga para mauna ako sa bilang ng mga magpapalista kung mayroon man.”
Tumango naman siya.
Katulad ng sinabi ni Mama ay sa ospital na nga ako dumiretso. Puno na rin kasi doon sa clinic kanina nang mapadaan ako.
Napakagat-labi ako nang masilayan ko na ang ospital habang nasa loob ako ng tricycle na aking sinasakyan. Doon ko rin naalala ang sinabi sa akin ni Line kanina sa tawag.
“Pelvic exam?”
“Oo. Physical exam iyon sa v****a, cervix, uterus, fallopian tubes, ovaries, at rectum,” aniya. “First, the area outside the v****a is checked for signs of disease. A speculum is then inserted into the v****a to widen it so the v****a and cervix can be checked for signs of disease.”
Napalunok ako nang malaman kong may ipapasok sa p********e ko.
“Naranasan mo na iyan? Masakit ba?”
“Hindi siya masakit. Mabilis lang naman iyon at kalimitang tumatagal ng 10 minutes. Mabuti na na magpa-check ka na rin.”
“Nakakahiya.”
“Para sa well-woman care, tiisin mo ang hiya. For sure, babae naman ang titingin sa iyo.”
“Paano kapag lalaki?”
Bigla siyang natawa sa kabilang linya kaya napabangon ako agad sa aking kama.
“Hoy, Line?” inis kong tawag sa kaniya.
“Kapag lalaki, goodluck na lang.Tapos pag-uwi mo, kuwento mo sa akin kung guwapo ba, ha?”
Tumatawang binabaan niya ako ng tawag kaya naman ay inis kong naibato iyong unan ko sa lapag.
Bumuntong-hininga ako bago ako pumara at bumaba sa tricycle. Diretso akong pumasok sa loob ng ospital sa may front desk para magtanong. At nangyari nga ang kinatatakutan ko. Gusto kong umatras at tumakbo na lang palabas pero hindi ako tigilan nitong nurse.
“Nurse, wala na bang ibang available na OB-GYN? Iyong babae? Bakit sa lalaking duktor ninyo ako ipinalista?” ngangawa-ngawa kong tanong sa babaeng nurse na kaharap ko habang niyuyugyog ang braso niya sa harap ng laboratory.
“Siya lang kasi ang available ngayon. Miss, ano ba’ng problema? Duktor rin naman si Doc. Gaara,” aniya. Binitiwan ko siya saka muling nagsalita.
“Wala po bang babae?” Agad siyang umiling. Pero agad akong nagtaka nang bigla siyang lumapit sa akin habang nakangiti. Para siyang kinikilig.
Sabi pa niya habang nakaaktong bumubulong, “Si Doc. Gaara Judovitch ay Filipino-Russian siya at kaibigan niya ang may-ari nitong ospital. Siya ang titingin sa iyo mamaya. Hindi siya resident dito at sa Russia siya nakatira. Narito lang siya for a short vacation at ang sabi sa amin ay substitute siya for the meantime since wala rin iyong may-ari at ibang OB-GYN. Halos dalawang oras lang ang itinatagal niya rito kaya sige na, pumasok ka na sa laboratory. Huwag mo nang paghintayin si Doc.”
Bago pa man ako maitulak nang husto ng nurse papasok ng laboratory ni Doc. Gaara ay agad akong nagpreno saka siya muling hinarap.
“Ah nurse, teka lang naman kasi,” nakangiwi kong sambit. “Talaga ba? Filipino-Russian siya? Magaling ba mag-Tagalog? May asawa na ba iyon?” tanong ko pa na nakapagpakunot ng noo niya. Hindi ko rin naman alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
“Marunong siyang mag-Tagalog at sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang asawa.”
Tumango-tango ako pero hindi ko maalis sa isip ko na lalaki ang magsasagawa ng exam sa akin. Bakit ba naman kasi kailangang lalaking duktor pa ang tumingin sa perlas ko para sa punyemas na pelvic exam na ‘to? Tsk!
“Ilang taon na ba siya? Gaano na siya katagal na duktor? Saka gaano na karami,” tumigil ako saglit saka bahagyang lumapit pa sa nurse para ako naman ang bumulong, “ang nakita niyang pempem?”
“Pempem?” ulit niya at pagkakuwa’y nasamid.
“Oo, pempem. Ilan na—”
“Nurse, bakit hindi mo pa pinapapasok ang pasyente sa loob?”
Hindi ko na nagawang maituloy pa ang aking sasabihin nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Isang boses ng lalaki. Halata sa tono niya na hindi siya sanay sa pagta-Tagalog ngunit kahit na ganoon ay madali pa rin naman iyong maintindihan.
Pagpihit ng ulo ko para tingnan kung sino ang nagsalita ay nanigas ako sa aking kinatatayuan. Tila agad na nagbago ang ihip ng hangin sa utak ko. Mukha kasing magkakatotoo ang dasal ni Line magbubuntis ako taon-taon dahil sa duktor na kaharap ko ngayon!