Sabado na ngayon. At sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo ay wala akong gustong isipin. Nakaupo lang ako sa terrace namin habang hawak ang malamig na baso ng iced coffee. Mainit ang sikat ng araw ngayong umaga at maririnig mula sa kabilang bahay ang mahinang tugtog ng lumang OPM songs. Tahimik. Simple. At medyo nakakapanibago dahil walang deadlines, hearings, o sandamakmak na paperwork ngayong araw. Nakasuot lang ako ng oversized shirt ni Papa at gray shorts habang nakataas ang buhok ko sa isang magulong bun. Hindi pa nga ako naghihilamos nang maayos dahil tinamad akong bumangon nang maaga. “Anak!” Napalingon ako kay Mama na kalalabas lang ng bahay habang may hawak na basket ng nilabhang damit. “Hm?” “Bumili ka nga ng pandesal mamaya.” “May paa po si Papa.” “May flight

