Nasa labas si Chadri. Nakatayo siya sa tapat ng gate habang may hawak na maliit na paper bag. Nakasuot siya ngayon ng simpleng itim na shirt at gray sweatpants na parang bagong labas lang ng bahay. Bahagya ring magulo buhok niya na tila ilang beses niyang sinabunutan. At nang makita niya ako sa bintana— Dahan-dahan siyang napatingin sa loob. Diretso kay Ephraim. Parang biglang bumigat hangin sa loob ng bahay. “May bisita ka pa pala,” mahina kong narinig na sambit ni Ephraim mula sa likod ko. Napakurap ako bago mabilis na umiwas sa bintana. “H-hindi ko alam bakit nandito iyan.” Mula sa sala ay narinig ko ang mahinang pagbaba ng diyaryo ni Papa. Kanina pa pala siya tahimik lang na nakaupo roon habang nanonood ng balita. Tulad ng dati, hindi siya agad nagsasalita kapag may bisita. Ta

