Naglalakd na ako papunta sa dorm. Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Nagbihis muna ako sa kuwarto ko at humilata saglit. Bibili ako ng groceries ngayon. Palabas na sana ako nang marinig ang mga tawanan ng mga lalaki. Natigilan ako at napabalik sa maliit kong kama. Kagat-kagat ko ang aking hintuturo at napatingin sa wristwatch ko. Malapit ng dumilim at nagugutom na rin ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa mag-oras na iyon at kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Nang tumahimik na ay t’saka lang ako lumabas. Pinihit ko na ang doorknob at natigilan. Nakaupo lang si Kuya at busy itong nakatingin sa laptop niya. Napatingin naman siya sa akin. “Umalis na ba sila?” tanong ko sa kaniya. Mahinang tumango naman siya. “L-lalabas ako, may gusto ka bang ipabili?” “It’s dark

